Chapter 33: Found

132 12 6
                                    

Aika Blythe POV

Masyado na kong iyakin, nakakatanggal ng angas!

"Wanna go home?" Tanong ni Ysmael habang yakap ako. Wala akong naramdamang pagkailang o inis dahil mas nangibabaw ang dumadagundong na tibok ng puso ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya habang pinupunasan ang luha.

"S-Salamat" sinsero kong ani. Ito ang unang beses na ma-harass ako nang hindi ko gusto at sa ibang lugar pa. Natakot talaga ako dahil kahit sabihing assassin ako, ilang buwan nang hindi ko nagamit ang kakayahan ko. Hindi pa ko nakapag-practice.

"It's okay. I am always here okay?" Akmang yayakap siyang muli pero lumayo na ko. Hindi ko pwedeng kalimutan na pinaikot niya ang buhay ko. Niligtas niya ako pero hindi ibig sabihin ay lilimutin ko na ang kagaguhan niya.

"Umuwi ka na. Hahanapin ko pa si Luke" basa man ang pisngi ay tiningala ko siya. Ito na naman ang malamig niyang pagtingin pero may kung anong emosyon ang nasa mata.

"Uuwi tayong dalawa. Hahanapin mo ang taong hindi mo tiyak ang lokasyon--"

"Dahil ganoon ako magmahal Sevrious!" Sigaw ko. I saw how he stiffened upon hearing those words. "Gusto ko makita si Luke para makapagpaliwanag ako. Umuwi ka na dahil hindi kita gustong makita at makasama. Niligtas mo ko pero obligasyon iyon ng isang tao kapag may nakita silang hina-harass!"

Hindi siya umimik at umiwas lang ng tingin. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil tanging panga at kalahati ng mukha niya ang nakaharap sa akin.

"Umalis ka na. Hayaan mo na ko, Ysmael," tumulo ang luha ko dahil sa bigat ng aking dibdib. "I... don't love nor like you. Everything you does reminds me on how monstrous and manipulative person you are. Please, let me rest"

"I'm sorry" he said in a low voice while eyes were still away from me. "I'm sorry if I am a monster and manipulative but... I want you to be always safe. Your safetiness matter the most. And whatever you say, I will go with you even you are stabbing me multiple times"

Mahina iyon at tanging kami lang ang nakakarinig pero damang-dama ko ang sinseridad sa mga kataga niyang iyon dahilan para hindi ako makaimik.

"Ihahatid kita kung nasaan siya. Just please, be ready" napalunok ako nang sabihin niya iyon nang nakaiwas ang tingin sa akin.

"All this time ay alam mo?" Salubong ang kilay kong tanong. Bago ako umalis ay kilala niya kung sinong hinahanap ko. I was harassed by unknown people just by seeing my man then he knew where the hell Luke is? Seriously Sevrious?

"I told you. All I want is your safetiness," tumingin siya sa akin nang walang emosyon ang mukha. "But you are looking for someone who will broke you rather a guy who only want is the best for you"

"If you are pertaining to yourself, back off. Because the man you are saying isn't the man I love" nauna akong lumakad kaysa kaniya. Ganoon ang lumalabas sa bibig ko pero hindi iyon ang gusto ng puso at isip ko. Alam kong may nagbago sa akin pero hindi sang-ayon roon ang isip ko dahil ang tanging umiikot sa utak ko ay pinaglaruan niya ako. Minanipula niya ang buhay ko. Hindi ko siya mahal at ang tanging gusto niya lang ay laruin ang misyon ko.

Hindi ko siya gusto o mahal.... sabi ng isip ko.

"My car is here" muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya saka ko siya sinundan. Isang Convertible Mercedes-Benz ang naghihintay. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat pero hindi niya na ko hinintay na pumasok. Pumasok na siya sa driver seat kasabay ko saka niya iyon pinaandar.

Ang lamig ng hanging pang-gabi ay tumatama sa mukha ko dahilan para mapapikit ako at mapangiti. I even raised my arms like a kid loving the air embracing my skin.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now