Chapter 46: Saved .1

140 10 2
                                    

Aika Blythe POV

Unti-unti akong nagkamalay. Bahagyang masakit ang ulo ko at nangangawit ang pulsuhan ko. Nang tuluyang maidilat ang mata ay nararamdaman kong parang nakabaon ang kalahati ng binti ko.

"Aika's awake Dad," then the familiar voice appeared. Pinakatitigan kong mabuti ang bulto ng isang lalaki na nahaharangan ng transparent glass. "Hi Ai"

Nanliit ang aking mata nang mamukhaan si Ryle Vertuso. Ang assisstant ni Laxus. Kusa akong nanggigil sa kanila dahil mag-ama pala ang dalawa. Pero paano sila naging mag-ama eh walang asawa si Laxus?

"Aika Blythe Porter," napatingin ako kay Laxus slash Sir Liam. "I mean, Aika Blythe De Ferros. Baka nagtataka ka kung bakit may anak ako gayong wala naman akong asawa?" tumatawa siyang umakbay kay Ryle na nakatingin lang sa akin at may ngisi sa labi. "Anak kasi ni Liam si Ryle at nang mamatay ang best friend ko ay ako ang nag-alaga sa unico ijo niya"

"Inalagaan mo ang anak ng ibang tao pero sarili mong pamangkin, hindi?" Sarkastiko akong tumawa. Napansin kong nakataas ang kamay ko at hindi maigalaw. Nang iangat ko ang tingin ay nakatali pala sa makapal na lubid ang pulsuhan ko.

"Bakit ko aalagaan ang batang dahilan para hindi mapasa-akin ang kapangyarihan, diba?" Ngumisi siya at lumapit. "Salot si Luhence Ysmael Sevrious sa buhay ko at ang mamatay siya ang gustong-gusto ko"

"Pwes, hinding-hindi mo siya mapapatay hangga't nabubuhay ako," mariin kong sabi sa kaniya. "Tandaan mo iyan Laxus Sevrious" tumawa ang dalawa na parang nakakatawang bagay ang sinabi ko. Gusto ko silang saktan at parusahan dahil sa ginagawa nilang pag-perwisyo sa asawa ko. Sampung taon siyang nabubuhay na may nagtatangka sa buhay niya at ang masaklap ay sarili niya pang kadugo.

"Mamamatay naman kayo parehas. He have thirty minutes to save you," Ryle said. "Kung hindi mo alam, nasa human hour glass ka. Thirty minutes na ang nasayang ni Sevrious" itinaas ko ang tingin. Nasa gilid ako ng hour glass at patuloy bumababa ang pinong buhangin mula sa itaas.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit wala akong kaba na nararamdaman. Puro galit para sa taong ito na nagpapahamak kay Luhence. Masyado niya nang ginawang impyerno ang buhay ng asawa ko.

Umalis si Laxus habang nakaupo naman  sa harap ko si Ryle. Ryle Porter, the son of Liam Porter. Hindi ko siya matandaan pero alam kong wala akong pakialam.

"Alam mo bang may gusto ako sa'yo?" Ryle said out of nowhere. I looked at him confusingly. He is smirking while legs and arms were crossed and sitting on a mono-block chair comfortably. "The first time I saw you was in the backyard trained by Dad. The moment you lost, I felt disappointed Sofia because you are so brave. But then, Dad Laxus introduced you to me that you was Sofia changed by a name Aika. Well, until now I like you, Aika. Even you have husband"

Masama ko lang na tiningan si Ryle. Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Dahil ang puso ko ay para lang kay Luhence.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Tumingin siya sa akin nang walang emosyon sa mukha. Humawak siya sa salamin ng hour glass at parang tangang hinaplos iyon na parang mukha ko ang hinahaplos niya.

"Tell me that you will love me and I will set you free," hindi ako umimik. "Tell me that you will spend your life with me and I will gave whatever you want Aika. Tell me that you're going to be my wife and I will save you"

"Pakyu," mariin kong sabi sa kaniya. Nag-igting ang panga niya. Walang salita niyang sinuntok ang salamin ng hour glass na nagkaroon ng iilang crack. "Kung ikaw lang, huwag na. Mamamatay nalang ako kaysa makasama ang halimaw na tulad mo"

Wala akong pakialam kahit kaya niya kong iligtas dahil halimaw siya. Isa siya sa nagpahirap kay Luhence. Kaya kong mamatay, huwag ko lang siya makasama.

Supreme Series #1: The AssassinationKde žijí příběhy. Začni objevovat