Chapter 19: Engagement Party .1

171 10 6
                                    

Aika Blythe POV

Napanganga ako matapos lumapag ang helicopter sa isang maputi at pinong buhangin.

'Isla'

Nasa isang isla ako. Hindi ganoon kalaki pero masasabi kong maraming tao ang pwedeng makatapak dito. May mga naka-float din na mga vinta sa seashore. Napaka-peaceful ng lugar dahil sa asul na langit, malamyos at sariwang na hangin at tahimik na paligid.

"Do you like it?" Napatingala ako kay Luhence na umakbay sa'kin habang  inililibot ang paningin sa lugar.

"Oo maganda dito" muli kong inilibot ang paningin sa lugar. Hindi ako magsasawang balikan ang lugar na ito. Napakaganda at totoong relaxing!

"Dito ang Engagement Party mamaya. Ipinakita ko lang sa'yo ang lugar para makita kung satisfied ka ba? Malapit na ang mga Engagement Planner and they'll design the venue"

"Kasya ba tayo dito? I mean, marami kasi akong nakitang invitation cards na hawak mo nakaraan. Kasya kaya tayo kung dito gaganapin? Sabi mo pa, may media's na darating" naroon ang excitement sa dibdib ko kahit may kaba. Dito magaganap ang kasal ko sa lalaking katabi ko ngayon.

"Yes. Kasya ang lahat. Sasakyan ng iba ang vinta. Kung gusto nila lumangoy ay pwedeng-pwede while media's will use helicopter if they want to have a tape of our Engagement Party"

Kinakabahan ako. Maraming tao ang makakakita sa'kin na kasama ang isang napaka-gwapong nilalang na dinapuan ng aking mata. My brain is creating scenario's in my mind.

"Let's go Hon. Kailangan mong magpahinga before the event. Okay?"

"Hmm, s-sige" nakangiti kong sabi. Humalik siya sa pisngi ko na ikinainit no'n talaga. Kissing me in my cheeks makes me feel cute and beautiful.

'Am I beautiful at his sight? Really!?'

"Ang cute mo mag-blush" umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"H-Huh? Hindi m-maano lang dito" hindi ako makapagdahilan. Nakakahiya! At hindi ko alam kung anong klaseng dahilan ang ibibigay ko sa kaniya. Kainis!

"Maano?" Nakangisi niyang tanong. Nang-aasar pa! Sumimangot ako at tinarayan siya.

"B-Basta. Tara na nga!" aya ko at naunang naglakad papunta sa chopper na naghihintay sa'min.

"Kidding Hon. Hahahaha"

Tuluyan na kaming pumasok sa chopper. Muli itong lumipad at lumapag muli sa isang buhanginan. Isla rin ata pero may mga tao na rito at mas malaki kaysa sa nauna. Sumalubong sa'min ang mga nakangiting tao na nakasuot ng pinagtagpi-tagping tela. Gano'n ata talaga ang natural na damit nila sa lugar na 'to pero ang mga ngiti sa labi nila ay nakakahawa. Tuwang-tuwa sila sa nakikita dahil ebidensya ang saya sa kanilang mga mata.

"Magandang Hapon. Ikinagagalak namin ang inyong pagdating sa Isla Esmeralda" bati ng matandang lalaki na siyang sumalubong sa'min. Sasagot sana ako kaso hinatak na ko ni Luhence at nilampasan ang lalaking bumati pati ang mga taong nakangiti. Dumiretso kami sa isang bahay na gawa sa kawayan. Maganda ang bahay. Simple, pero nakakaakit tumira. Ang ganda. Patuloy ako sa pagtingin nang may maalala.

"Luhence, huwag kang gano'n" saway ko pagkaharap sa kaniya. Nakaupo siya sa isang kawayang upuan. Nakapandekwatro at feeling hari sa ganda ng pagkakaupo.

"I didn't do nothing Honey" naguguluhang aniya. Hinarap ko siya at pinag-krus ang mga braso.

"I mean, yung lalaking bumati kanina sa'tin. Sasagot sana ako kaso hinatak mo na ko. Nakakahiya iyon at the same time nakakabastos"  bumuntong-hininga siya na parang hindi ko gets ang ginawa niya.

Supreme Series #1: The AssassinationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt