Chapter 18: Preparation

168 10 6
                                    

Yhuan POV

"Good Morning King"

"Good Morning"

"Good Morning King"

Batian ang namutawi pagkapasok ng gwapong nilalang... ako. Joke si King pala pero di naman nagre-response sa kanila. Blangko ang mukha nito at diretso lang ang tingin.

Ikaw ba naman istorbohin sa date nyo eh di ka ba naman mababadtrip? Tsh AHAHAH!

"Where is he?" Tanong ni King kay Gamu. Nagbabantay dito sa hideout.

"Nasa gaming area niyo po King" sagot ni Gamu

Umalis nang walang salita King sa kaniyang harap.

"Oh Musta pre? Parang medyo bumabata ka?" Agaw ko sa atensyon niya. Insert the sarcasm.

"Loko. Sumunod ka na nga lang kay King. Nababadtrip ako sa mukha mo eh" natatawa niyang sabi. Umawang ang gwapo kong bibig dahil sa hindi makatarungang sinabi niya.

"Wow ah. Ikaw pa nabadtrip? Blessed ka na nga pre eh kasi tingnan mo," iminuwestra ko ang matipuno kong katawan" "kausap mo ang gwapong nilalang sa harap mo dba"

"Tsh. Imahinasyon mo gago ang pangit! Gising ka na ba talaga o nananaginip ka na naman? Lagi ka nalang may dalang aircon eh 'no" aniya.

"Tss. Ewan ko sa'yo. Ang panget mo gago WAHAHHA"

"Ganiyan talaga kapag malaki ang muta sa mata. Alis na nga. Nawawala ako sa mood eh"

Siniringan ko muna siya bago ako sumunod sa gaming area ni King. Ang gaming area ay ang palaruan ni King. Walang bola. Walang jumping rope. Walang ring. Walang kahit anong laruan dahil ang naroon ay pana, espada. Latigo, bomba. At kung ano-ano pang armas. Ito ang gaming area niya.

Binuksan ko ang gintong pinto at inabutan si King na hawak sa panga ang lalaking nakuha namin kanina. Halata roon ang higpit.

"Alam mo bang, sampung beses na kong may rason para patayin ka na dito... ngayon?" Walang emosyon na tanong ni King. Takot ang rumehistro sa mukha ng lalaki.

"Nakikiusap ako Luhence. K-Kailangan ako ng pamilya ko. N-Nagipit lang talaga ako" utal na ani ng lalaki.

Ilang beses nang nahuli ang lalaking ito na nagnanakaw sa company ni King. May mga pinatay na rin siyang tauhan ni King at ilang beses na rin akong sinuntok ng gagong yan. Putsa, yung gwapo kong mukha sinuntok lang ng panget na yan. Asan ang hustisya diba?

"Die or Command"

Pinagkrus ko ang aking braso at tumingin sa kanilang dalawa. Pag die magtatanong ulit kung; easy, moderate or hard tapos pag command naman edi, hard na command ipagagawa sa'yo tapos pag hindi mo nagawa, isa sa auxiliary ang papatay sa'yo.

"C-Command"

"Bring me the Black Diamond Pearl Necklace. You have 6 hours to bring it to me"

Napanganga ako. Ang Black Diamond Pearl Necklace ay matatagpuan sa North America at nakasecure sa isang museum because that thing is rare. Bibihira ang Black Diamond sa mundo tapos 6 hours lang ang time allotment para makuha iyon ng lalaki. Eh travel palang from America to Philippines eh 2-3 hours na tapos magpa-plano pa siya kung paano kukunin ang Black Diamond.

Putsa, mag-Die ka nalang tapos easy mode lang hehehe.

"P-Pero---"

"No more buts. Untied him. 6 hours is too much. Bring it to me"

Walang sali-salitang umalis sa harap si King. Napailing nalang ako...

'Ang gwapo ko'

"Ihanda mo nalang sarili mo. Bye"

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now