Chapter 45: Surprise .2

132 11 2
                                    

Aika Blythe POV

Hindi ko alam kung bakit narito si Rhuzelle. Kasalukuyan siyang nasa platform at nakasuot ng kulay pulang dress na masyadong maikli at hapit sa katawan. Ang mukha niya ay matindi ang kolorete na bumagay naman sa kaniya. Mataas ang takong niyang kulay itim.

Ang ikinataka ko ay bakit tinawag niya My Luhence Ysmael Sevrious ang asawa ko. Kaibigan ko siya at hindi naman tama ang makaramdam ng selos diba?

"Sofia..." taka kong tiningnan si Luhence. Masama ang tingin niya kay Rhuzelle na hindi naman maalis ang tingin sa kaniya. Nagpanting ang tenga ko at kusang kinabahan.

Sofia? Hindi ako tanga. Two years ago ba ay nagpanggap si Rhuzelle na Sofia para patayin si Luhence? Bigla ay kinabahan ako sa presensiya ng kaibigan ko.

"Oh, no. I am not Sofia, my name is Rhuzelle Grozen. The lady beside you was Sofia" umawang ang bibig ko at bumigat ang paghinga. Nagkatinginan kami ni Luhence na ngayon ay salubong ang kilay, igting ang panga at matalim ang titig sa akin.

"Alliyah, alisin mo na rito si Rhuzelle. She's not good--"

"Of course, you can't do that," naputol ang sinasabi ni Damon nang sumingit roon si Rhuzelle. May hawak siyang bomba sa kaniyang kamay. Lumabas mula sa gilid ang tatlong lalaki na may hawak na armalite at nakatutok sa kung saan-saan. Tuloy ay naglabas ang Corpse Lily Organization ng kani-kaniyang baril. Ang kaninang romantikong paligid ay nagkaroon ng mabigat na tensyon. Napalunok ako habang nakatingin kay Rhuzelle.

'Anong binabalak mo?'

"Kasi kapag ginawa mo iyan, sabay-sabay magkakalasug-lasog ang katawan na'tin dito Damon Sevrious," nakangiting banta ni Rhuzelle kay Damon saka tumingin sa akin at kay Ysmael. "Two years ago, I came to your life as Sofia. It was commanded by Sir Liam to introduced myself to you as Sofia but I am not Sofia," tumingin sa akin si Rhuzelle at ngumisi. Tumibok sa kaba ang puso ko. "Ask Aika who was Sofia"

Nanginig ako sa takot nang hawakan ni Luhence ang braso ko. Hindi naman mahigpit ang hawak niya pero agad akong nanghina. Hindi ko na mapigilan ang pamumuo ng luha ko.

"Aika..." mariin niyang tawag sa pangalan ko. Naluluha akong tumingin sa kaniya. Masyadong madilim ang awra niya at ang pagtingin ay parang tinutusok ang aking kaluluwa. Lalong nagsalubong ang kilay niya kaya napailing ako sa kawalan ng sasabihin. Parang nilagyan ng zipper ang bibig ko. Parang may bara sa lalamunan ko para hindi makapagsalita.

"May mga bata sa Guardian Angel Organization na ipinapangalan sa mga Cartoon Characters liban nalang sa mga bata na iniwan sa ampunan pero may pangalan naman na nakalagay," tumingin ako kay Rhuzelle. Patuloy akong umiling pero tinawanan niya lang ako na parang hindi kami magkaibigan. Na parang hindi kami nagturingan bilang magkapatid. "Diba? Blake? Sofia?" Napatingin ako kay Kuya Blake. Walang emosyon ang mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dria.

"Magkapatid sila," nagpalitan siya sa amin ng tingin. "Aika and Blake are siblings, right?"

"Rhuz, please?" Sinubukan kong lumapit sa kaniya para magmakaawa na tumigil ngunit isa sa kanila ang tinutukan ako ng armalite.

"I admitted that you are the protagonist in this story. Na lahat ay dapat maging pabor sa iyo, Aika. Pero two years ago, ako ang mahal ni Luhence. Ako ang kasama niya at ikaw? Wala ka dapat sa posisyon na iyan kung tinanggap ko lang proposal niya sa akin," halu-halo ang pakiramdam ko. Ang sakit, selos, at lungkot. Ang tinuring kong kapatid ay tinuklaw ako. "Pero masyado akong naging loyal sa BloodVelt Organization kaya ending? Ikaw ang ipinadala ni Sir Liam"

Tumingin ako kay Luhence. Nakayuko lang siya pero ramdam ang madilim niyang awra. Parang may itim na usok ang nakapalibot sa kaniya.

"December 25, 2010," para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad akong tumingin kay Rhuzella. Mala-demonyo siyang tumawa. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Nagtuloy-tuloy iyon sa pagdausdos. "Sevrious Massacre---"

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now