Chapter 40: Bahay-Ampunan

145 10 0
                                    

Cabrix POV

Nang makausap si Aika ay pumunta na ko sa unit para i-assemble ang kailangan kong gamit para sa assassination ng isang sikat na model sa America. Drug dealer kasi kaya kailangan ng todasin.

Bukod doon, kailangan kong i-divert ang atensyon ko. Kailangan kong hindi maisip si Shainah...

'Na naisip ko na naman'

Napako ang tingin ko sa side table nang makita ang picture naming dalawa noong first year anniversary namin. Napangiti ako kasabay ng pamumuo ng luha.

'Bakit Shai? Ano bang nagawa ko para saktan mo ko ng ganito? Ginawa ko lahat ng sa tingin ko ay magugustuhan mo pero bakit... bakit ipinaramdam mo sa akin ito?'

Bago pa ko lamunin ng kalungkutan ay isinukbit ko na ang bag at kinaladkad ang maleta ko paalis ng unit.

'I love you and it seems you don't anymore. Now, I will do my best to forget you. To forget the important gem in my life'

Humpprey POV

Ibinuga ko ang usok mula sa bibig ko matapos humithit ng sigarilyo. Mula sa balkonahe ay nakikita ko si Rhuzelle na humihithit ng marijuana. Ang totoo ay sabay kaming humihithit noon, ang hindi ko maintindihan ay bakit ganito ang resulta sa kaniya nang paghihiwalay namin gayong siya ang tumapos sa relasyon namin?

Napailing ako sa inis saka tinapon ang sigarilyo ko. Kumuha ako ng jacket at saka naglakad paalis ng unit.

God knows I tried my best to forget Rhuzelle. I tried my best not to see her pero kung ganitong sinisira niya ang buhay sa hindi malamang dahilan, hindi ko siya matitiis. All I want is the best for her but she chose to do the opposite.

Nang makarating sa hotel building niya na katabi lang ng hotel na tinutuluyan ko ay hindi na ko nag-atubiling magtanong sa front deck dahil alam ko naman ang unit number niya. Pagsakay ng elevator ay pinindot ko ang 5th floor at nang makarating ay itinype ko ang password sa Room 45, ang condo unit niya.

Agad sumakop ang hindi magandang amoy sa ilong ko. Hindi ito ang Rhuzelle na nagustuhan ko. Nagkalat ang amoy ng marijuana sa paligid. Nakakalat ang mga pinagbihisan niyang damit.

Tinungo ko ang kwarto ni Rhuzelle kung saan nakita ko siyang pinapaligaya ang sarili. Gumagawa ng makamundong gawain.

"Luhence hmm, ugh, hubby" nagdedeliryong sabi niya. Kinilabutan ako pero lamang ang selos.

'Akin lang dapat! Pangalan ko lang dapat ang sinasabi niya!'

Tiniis ko ang nakakasulasok na amoy. Sinipa ko ang nakasinding kandila dahilan para mamatay iyon. Natigil si Rhuzelle sa kaniyang pagda-daliri at namumungay ang matang tiningala ako. Tanging sports bra lang ang tumatakip sa katawan niya.

"What are you doing here?" Pabulong niyang tanong. Hindi ko iyon pinansin at hinablot ang braso niya patayo. Hinila ko siya papunta ng banyo pero hinatak niya ang kaniyang braso sa akin. "Get out!"

"Take a bath" I said calmly and looking directly at the most beautiful eyes I've ever seen.

"Get out, Humpprey," gigil niyang sabi. "Break na tayo kaya wala ka nang karapatan na mangialam sa buhay ko"

"Desisyon mo lang ang nasunod Rhuzelle," walang emosyon kong sabi. Nagpamulsa ako at seryoso siyang tiningnan. "Dalawa tayo sa relasyon kaya dapat dalawa tayong magde-desisyon"

"What do you mean, Humpprey?" She asked while glaring.

"Mamahalin pa rin kita," seryoso kong sabi. Natigilan siya at umawang ang bibig. "Kahit wala na tayong dalawa"

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now