Chapter 16: I'm Here

187 14 0
                                    

Aika Blythe POV

"Sino iyon?" Lutang kong tanong habang nakatingin sa glass wall ng restaurant at nakamasid sa dalawang papalayong pigura ng lalaki at babae.

Napatingin ako kay Luhence nang hawakan niya ang kamay kong nakalagay sa mesa. "Honey, don't mind them. Napagkamalan ka lang nila, okay?" His voice was low. And I think he can't shout. Tumayo siya at inalalayan rin ako na makaalis sa kinauupuan ko. Naglakad kami palabas ng restaurant pagtapos niya'ng magbayad.

"Pero kilala nila ako at di ko sila maalala" naguguluhan at nalulungkot kong tanong habang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling kamay. Ito ang ayaw ko. Parang butas ang pagkatao ko na maging ang sarili ko ay hindi ko kilala. Parang kalahati ng pagkatao ko ang ibinasura at ayaw ipakita.

'Sino ba ako? Siguro artista ako at ang mga dumating kanina ay mga fans ko. Dahil hindi ko sila makilala ay nalungkot sila. Pero kung naaksidente ako at isa akong artista, bakit hindi nila nabalitaan na naaksidente ako? Weird'

Nabalik ako sa reyalidad nang may humawak sa kamay kong naglalaro. Inangat ko ang tingin kay Luhence na nakatingin sa akin. Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami at nakahinto sa pinto ng kotse niya.

He's harmless

"Huwag mong pilitin ang sarili mo'ng alalahanin ang nakaraan. Makakasama lang sa'yo. Wait patiently for the right time. I am here and will guide you throughout the journey" aniya saka hinawakan ang aking batok at dinampian ng isang magaan ngunit mainit na halik ang aking noo.

Napapikit ako habang nasa ganoon kaming sitwasyon. He kissed me on my forehead making me smile as of the butterflies flying in my stomach. Hindi ko siya makilala pero lagi siya'ng nandiyan para pagaanin ang loob kong bumibigat kapag naalala ko ang nawalang memorya. Sa mga ginagawa niya ay hindi ko maiwasang mahulog. Sa piling niya, ligtas ako.

Inilayo niya ang kaniya'ng mukha saka diretso kaming nagtitigan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero... ang gwapo niya. Ang magkalapit naming mukha ay pinapasaya ang puso ko kahit naghuhurimintado.

Pinagbuksan niya ko ng pinto. Pumasok ako roon at nag-seatbelt. Umikot siya papunta sa driver's seat saka nag-seatbelt rin. Pinaandar niya ang kotse. May mga napagkwentuhan kami ukol sa nakaraan at natutuwa ako dahil nagkwe-kwento siya tungkol sa amin.

Aniya, simula bata ay magkakilala na kami. Sabay kaming nag-aral. Mayroon daw akong gusto sa kaniya at niligawan ko daw siya pero hindi ko daw alam na may gusto rin siya sa'kin. Pinatigil niya daw ako sa panliligaw sa kaniya at siya ang pumalit. Wala pa daw isang minuto matapos niya'ng umamin ay binigay ko na daw ang oo ko sa kaniya. It was college days daw back then at nang lumipas ang limang taon ay inaya niya ko magpakasal kaso nga lang ay nagkaroon ng aksidente.

Tumatawa siya habang nagke-kwento at hindi ko alam kung bakit. Naku-cute-an nga ko sa lovestory namin tapos siya ay tinatawanan lang.

"Thank you" pasalamat ko dahil sa kaniyang pag-alalay sa'kin pababa ng kotse. Inilibot ko ang aking paningin at doon ko napagtanto kung nasaan kami.

'Sementeryo'

"I just want to visit my family here" napatingin ako kay Luhence pero wala sa'kin ang kaniyang paningin. Diretso siyang nakatitig sa daan pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniya'ng mga mata kahit may ngiti sa labi niya. "Let's go" sabi nito habang nakalingon sa'kin at nakangiti. Hinawakan niya ang aking kamay.

"Sige" ang tanging lumabas sa bibig ko. Sabay kaming naglakad papunta sa loob ng sementeryo. Maliit at berdeng-berde ang mga damo sa paligid. May mga puno rin na nagsisilbing proteksyon sa sinag ng araw pero umaga naman na. Masarap at malamig ang hangin na dumadampi sa'king balat. Sa unang tingin ay parang park ang paligid pero walang mga slide or swing at dahil na rin sa mga lapida na nasa lupa ay matatawag talaga itong sementeryo.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now