Chapter 24: Below and Under the Sky

145 9 0
                                    

Aika Blythe POV

Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Nasa hindi pamilyar akong kwarto. Nasaan ako?

"You awake" napatingin ako sa kanan nang may magsalita.

'Luhence'

'Ai, tell us what is your plan? Para aware kami. Para alam namin kung bakit kailangan mo pang magpakasal sa kaaway mo. Sa lalaking nakatokang patayin mo'

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ang sinabi ng kumidnap sa'kin.

"Hon, anong masakit?" lumapit sa'kin si Luhence nang may nag-aalalang mga mata. Nakatitig lang ako sa kaniya. Patuloy kong hinahalungkat ang isip kung bakit... bakit kailangan ko siyang patayin? Bakit ganoon na lang ang pag-aasam ng mga taong iyon na makausap ako at sabihin ang isang misyon? Misyon na hindi ko maalala. At sa lalaking nasa harap ko ngayon na may maamong mukha.

"Luhence, nasaan tayo?" Tanong ko. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko habang ako ay nanatiling nakahiga sa kamang malambot. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyon na may kasamang pisil.

"Nawala ka kanina sa mall. Ipinahanap kita. Nakita ka ni Blake na nawalan ng malay. Anong nangyari? Bakit ang layo ng narating mo?" Alalang tanong niya dahilan para lalo akong malito. Bakit sa kabila ng kabutihan niya, ganoon ang mga salitang binitiwan ng mga taong iyon?

"K-Kasi, may nag-aya sa'kin kanina. Sinamahan ko siya t-tapos hindi ko namalayan na napalayo na ko" pag-uusisang mata ang natanggap ko. Natural, utal-utal ako. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya, senyales na hindi totoo ang mga sinabi ko.

"You are lying," napatingin ako sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. "It's late. Kailangan mong kumain at uminom ng gamot" aniya saka tumayo. Hindi rin siya nakatingin sa'kin dahilan para kumirot ang puso ko.

Ayoko.

Ayokong mag-ayaw kami dahil lang dito. Ayoko ng cold treatment niya. Nangako ako na pananatilihin ang ngiti sa labi niya.

"Luhence," tumingin lang siya sa'kin na may pilit na ngiti. "S-Sorry pero n-natatakot akong malaman mo" yumuko ako matapos sabihin iyon. Gusto kong magsabi pero ayokong masira no'n ang relasyon namin. We are happy before those kidnappers kidnapped me.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya saka muling pag-upo sa tabi ko. Hinaplos niya ang aking pisngi dahilan para bumaling ang aking tingin sa kaniya. He leaned on his body and kiss my forehead with full of love making me feel safe. Making me to feel easy. Making me to feel that he understand me.

'Paano ba nila sinabi ang lahat ng iyon? Luhence is an angel. He makes me feel safe. Making me feel the love. Making me feel not to bother and worry. Assassination? I don't have a heart to assassinate this man. My loveable soon to be husband'

Inilayo niya ang aking noo sa kaniyang labi saka ako tiningnan ng deretso sa mata nang may lungkot roon. I feel someone pinched my heart because of his eyes full of sadness.

"Since the day that my family left me, nobody trusted me anymore. They easily judge me without trying to consult why did I do that and what happened before I did that," nakonsensya naman ako dahil sa sinabi niya. "Do not stress yourself too much. Tara na, kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot at makapagpahinga ulit. Tomorrow is our wedding"

"I love you" hindi ko alam pero bukal sa loob ko ang pagsabi no'n. Hindi lang bilang salita kung hindi bilang kami. Wala man akong matandaan, nasisiguro kong wala akong dapat ipag-alala dahil hindi siya aasta ng ganito sa harap ko kung masama siyang tao.

"I love you too," napangiti ako nang makita ang ngiti niya nang matanggap ang tatlong salitang iyon.  "Let's go" Inalalayan niya kong makatayo hanggang sa mapunta kami sa kusina. Nagluto siya ng makakain.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now