Chapter 20: Engagement Party .2

154 8 11
                                    

Aika Blythe POV

"Oh my Gosh!! Ang ganda ko!" sabi ng bakla pagtapos ko lumabas ng kwarto nang naka-gown. Kulay red ito na tube na hanggang paa at may ribbon sa likod na kulay white.

"Imbyerna ah, saan makukuha ang ganiyang peslak aber?" bumungisngis ako dahil sa kanilang mga sinasabi.

'Okay, lalaki ata ang ulo ko dahil sa pinagsasabi nila hahahaha!'

"Here, look at yourself  Ms. Aika" iniharap sa'kin ni ChimChim ang body size mirror. Si ChimChim ang assistant ni Jemma.

Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Naka-crown ng buo ang aking buhok na may mga strand sa gilid na sadya. May light make up sa aking mukha at nakasabit ang malalaking earrings sa aking tainga. Napangiti ako sa'king hitsura.

'Ang ganda ko shettt!'

"You look so pretty Madamè especially when you are smiling. Keep that curve on your lips, okay?" tumingin ako kay Jemma at sa iba pang nasa likuran ko na pawang mga nakangiti sa'kin.

"Thank you po" taos-puso kong pasasalamat. Sobrang laki ng ngiti sa labi ko na parang walang makakapag pawala nito.

"By the way, highway, nandiyan na si King. Here, ito ang isuot mo" sambit ng isang bakla. Napanganga ako sa inaabot niya.

'He's not serious right?'

"Oh my God baks! Why you're so tanga. Psh"-Bakla 2.

"Sorry Bakla. Jusko, nakakita kasi ako ng hunk. Ang yummy ng hitsura at nasa labas. Oh my nalalaglag yung panty ko!" Napangiti ako nang dahil sa hitsura n'yang namumula pa habang nagsasalita. Umakto pa siyang hinawakan ang garter ng suot niyang short na parang iyon ang panty niya.

"Here Ms. Aika" abot ni ChimChim sa isang kulay silver na 3-inch high heels. Isinuot ko ito. Saktong may kumatok.

"Si King na 'to" patakbong pumunta si Jemma sa pinto at binuksan ito. Pumasok si Luhence bitbit ang isang boquet of flowers. Dumapo agad ang tingin niya sa'kin. Nakanganga niyang pinagmasdan ang kabuuan ko.

'Ang gwapo niya!'

Naka-white tuxedo siya na halos kumikintab pa at halatang bago pati ang black shoes niya. Naka-wax paitaas ang kaniyang buhok at ang aliwalas ng mukha niya. Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin.

"Hi Ms. Gorgeous" nakangiti niyang bati sabay kagat ng ibabang labi. Tumingala ako sa kaniya. Nakangiti siya at ebidensiya ang saya sa kaniyang mga mata. Nahawa ako sa laki ng ngiti na mayroon siya sa labi.

"H-Hello" awkward kong sabi. A-Ano bang dapat i-react?!

Iniabot niya ang hawak niyang boquette ng flowers sa'kin na agad kong kinuha. Nakangiti kong pinamasdan ang boquette na buhat ko na parang sanggol.

Umalingasaw ang bango ng mga bulaklak. Nakakahumaling tingnan ang kulay pink, white at red tulips. Parang may lumilipad na paru-paro sa tiyan ko at parang hinahaplos ang puso ko.

'Ito na ata 'yong kilig'

"Do you like it?" He asked causing me to look at him. Nakatingala ako dahil sa tangkad niya.

"I love it" sagot ko saka hinawakan ang isang white tulip.

"You are more lovely than those" sabi nito sabay kuha ng kamay ko at halik sa likod ng aking palad.

Nag-init ang aking pisngi dahil sa ginawa niya. Nakatingin siya ng deretso sa aking mata. Tila kumikinang ang mata niya dahil sa saya. Do I make him happy? If yes, my heart flutters. Seeing him happy make me happier.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now