Chapter 14:Awake

181 15 0
                                    

3rd Person POV

1 month after~~~

Alas diyes na ng gabi nang makarating si Luhence sa kaniya'ng  mansyon. Pinark niya ang kotse sa bodega saka lumabas. Dala ang susi ay ipinasok niya iyon sa keyhole saka pumasok. Binuksan niya ang pinto at tuluyang pumasok sa madilim na salas. Walang tao sa mansyon dahil binigyan niya ng misyon ang mga auxiliary. Inalis niya ang kaniyang coat at ipinatong ito sa couch. Niluwagan niya ang kaniyang necktie at saka nagpamewang. Pumikit siya at saka napabuntong-hininga.

'Nakakapagod'

Dumilat siya. Dumapo ang tingin niya sa family picture na nakapatong sa center table.

'Aey Daddy, malapit na. Happy 10th death year anniversary. I hope you're here to see my achievements and compliment my awards. As of now, I'm the most popular and wealthiest businessman all over the world'

Sobra niya nang nami-miss ang pagmamahal na ibinibigay ng mga magulang niya at paglalambing ng kaniya'ng kapatid noong nabubuhay pa ang mga ito. Mag-isa siyang bumagsak, mag-isa siyang umiyak. Mag-isa siya'ng nagdusa mula nang mawalan siya ng pamilya.

Bago pa malamon ng lungkot ang isip niya, nakapamulsa siya'ng umakyat sa 2nd floor para tingnan si Aika Blythe na isang buwan nang natutulog.

Nang makapasok siya roon ay ang tunog ng machine ang bumungad sa kaniya. Lumapit siya sa babae saka hinaplos ang noo nang may tipid na ngiti sa labi.

Hindi niya alam kung kailan gigising si Aika. Malapit na ang 10th death year anniversary ng pamilya niya. Maayos naman ang tibok ng puso niya at normal lang ang paghinga. Nakaka-recover na ang katawan niya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.

"When you will awake huh?" He huskily asked while caressing Aika's cheeks.

Aika Blythe POV

"When you will awake huh?" Isang maaligasgas ngunit kaakit-akit na boses ang gumising sa natutulog ko'ng diwa. Nararamdaman ko rin na may humahaplos sa aking pisngi na nagbibigay ng init sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata na sa una'y nanlalabo pa. Hindi ko gaano'ng maaninag ang mukha pero nasisiguro ko'ng lalaki ito dahil sa boses niya kanina at sa buhok nito'ng nakatayo.

Ikinurap ko ang aking mata hanggang sa umayos na ang lahat ng aking nakikita. Isang lalaki na itim ang buhok na kumikintab pa. Ang kaniya'ng kilay ay makapal at ang mata niya ay matalim kung tumingin. Nakakaakit ang mata niya'ng itim na itim ang eyeballs at ang kaniyang pilik-mata ay makapal ngunit nakataas. Matangos ang ilong niya na parang inukit at ang labi niya ay sakto lang ang kapal at mapula.

'Sino ka?'

Hindi ko alam kung bakit walang boses na lumabas sa aking bibig. Ang lalaki'ng nasa harap ko ay matama'ng nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Hindi ko siya kilala. Wala akong maalala'ng kahit ano. Parang bakante ang pagkatao ko at hindi ko alam kung bakit.

'Anong nangyayari?'

"Hon" sambit ng lalaki sa malambing na tono. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang kakaibang tibok ng puso ko nang marinig ang salita niya. Naroon ang kaba at... saya?

'Hon? What did he mean by hon? Is that the name of mine or a nickname? What the hell happening in my sorrounding!?'

"Honey, are you okay? Is there anything you feel? Tell me, may kailangan ka ba?" Nag-aalala niya'ng tanong at aaminin kong may tuwa akong naramdaman nang mahimigan ang pag-aalala'ng iyon sa boses niya.

'Pero sino siya? Bakit-Hon siya nang Hon? Anong ginagawa ko rito at bakit wala akong boses? Parang nanunuyo ang lalamunan ko'

"S-Sino ka?" Paos ko'ng tanong. Bigla ay lumabas ang isang ngiti na nagpalabas sa pantay at mapuputi niya'ng ngipin. Hindi ko na makita ang mata niya sa sobra niya'ng pagkakangiti. Hindi ko maintindihan kung natutuwa siya sa boses kong hindi maintindihan o dahil sa tanong ko.

Supreme Series #1: The AssassinationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt