Chapter Two: Apply

375 24 2
                                    

Aika Blythe POV

Narito na ako sa tapat ng napakataas na building. Base sa pagsi-search ko kagabi, 85 floors ang mayroon dito. At feeling ko, kapag nasa rooftop ako ay malulula ako ng bongga.

Tumingin ako sa hawak kong white folder at saka sa dalawang guard na aged 40 na nagbabantay sa entrance. May mga baril sa gilid ng pantalon nila. Kaiba sa mga normal na guard dahil ang suot nila ay kulay blue na pang-itaas at black pants. Parang lisensyadong pulis sila kung pagmamasdan. Pormal silang tingnan at pati ang pagtayo ay napakatuwid rin.

'Buti nalang at ito ang suot ko tsk'

Tiningnan ko ang dress na suot-suot ko. Pink dress ito na hapit na hapit sa dibdib, bewang at balakang. Ang tela ay manipis lang rin at hanggang taas ng tuhod. V-neck ito kaya kitang-kita ang cleavage ko. Naka-white 3 inches heels din ako. Nakapusod ang aking buhok para hindi matabunan ang maganda kong katawan at may kaunting make-up ang aking mukha.

Bahagya ko pang ibinaba ang aking dress para lumuwa pa ang aking cleavage.

Man is Man.

They still attracted to a woman's body even they don't want to. Nang makuntento sa hitsura ay malandi akong naglakad. Pumipilantik ang aking balakang kapag naglalakad.

"May appointment ba kayo Miss?" agad na tanong ng humarang na guard na may kapayatan. Seryoso ang kaniyang mukha pero kitang-kita ko ang pagsulyap n'ya sa aking mga dibdib pababa sa aking hita. Tila sinusuri ang maganda kong katawan. Kung pasado sa kaniyang panlasa.

"Yes Sir. Maga-apply po kasi ako" malambing at nakangiti kong sabi dahilan para mapalunok si Kuya Guard. Talagang idinaan ko sa malanding boses para maibaba nila ang kanilang depensa.

"Sige na. Papasukin na yan" sabi ng isa pang guard na sakto lang ang pangangatawan. Kinuha niya ang flashlight na nasa guard hall saka inilawan ang buo kong katawan. Mula ulo, leeg, tagiliran, balakang, hita at binti. Walang balat ang hindi inilawan. Lihim akong napangiti dahil sa katalinuhang meron ako. Alam ko ang bagay na iyon. Hindi iyon tunay na flashlight. Sensor iyon ng patalim para malaman kung may patalim ba ako sa katawan.

Itinuro iyon sa amin ni Sir Liam noong bata pa ko.

"Thank You" nakangiti kong turan at saka kekembot-kembot na naglakad papunta sa loob ng company.

Inabutan ko ang mala-5 star hotel na lobby. Ocean Blue na dingding, may mga halaman sa gilid na nagpapaganda ng lugar. Ang bandang kaliwa ay mayroong tubig. Tubig na lumalabas mula sa dingding na sinasalo ng isang fishpond. May mga goldfish sa loob. Napatingin ako sa babaeng nasa front desk. May katawagan ito sa telepono. Maganda ito at pormal ang suot sa kulay brown na di-butones, nakapusod ang buhok at may kaunting kolorete sa mukha. Kung ihahalintulad ko siya sa isang trabaho, pwede siyang flight attendant sa gandang meron siya.

'Pero mas maganda ako siyempre'

"Yes Sir--- I already did it but---- Yes Sir, I'll do my best just don't----" tuloy-tuloy nitong sabi habang nagtatagaktak ang pawis sa noo. Pamumutla at pagod ang makikita sa mukha n'ya. 

'Umagang-umaga, haggard? Buti at mas maganda ako sa'yo. Wala ka sa kalinkingan ko'

"Kainis talaga yon. Argh!" Naiinis niyang singhal. Napangiwi ako dahil sa magkasalubong niyang kilay.

"Ahm, hello, good morning" bati ko para malaman niyang may mala-diyosa na nasa harap niya. Kaagad siyang lumingon sa'kin. Inayos ang mukha at tindig at pilit na ngumiti.

"Oww, Sorry Ma'am for the rude atittude. How may I help you po?" Magalang niyang tanong ng may ngiti sa labi. Mabait naman pala, mukha nga lang suplado ang kausap kaya gano'n ang pananalita niya.

Supreme Series #1: The AssassinationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora