Chapter Four: Picture

237 19 0
                                    

Aika Blythe POV

"Take care of the things here. We'll be back. Kung ano lang ang hawak mo ngayon, iyon at iyon pa rin ang dapat mong hawak pagdating namin. Understand?" sabi ni Luhence pagkaakyat at pagkabigay ko ng coffee'ng binili ko sa baba. Hindi naman nakakapagod pero naiirita ako sa mga utos na ibinabato niya sa'kin. Ginagawa niya kong tuta, bwiset!

Pasalamat siya't natitiis ko pa ang ugali niyang 'yan kung hindi, talagang itutulak ko siya mula sa sliding door para mabiyak ang bungo niya kapag napunta siya sa ground floor.

"Yes" sagot ko habang nakatingin at inaaral ang sangkatutak na papel na nakapatong sa office desk niya. Kasalukuyan kong inookupa ang swivel chair niya.

Interesado ako sa mga papel na hawak ko dahil ayon kay Sir Liam ay bilyon ang kita ni Luhence sa loob lang ng isang araw dahilan para hindi ko mapansin ang pag-alis nila sa harap ko. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Kahapon ay kumita ang kumpanya ng 13 billion galing sa mga branches mula sa iba't-ibang bansa. Inilipat ko ang papel saka pinakatitigan ang kita bago ang kahapon. 12 billion naman iyon. Nangunot ang noo ko sa laki ng pera.

'Kasama na ba pati ang underground business niya? O iba pa 'yon?'

Itinuon ko ang tingin sa ocean blue na dingding saka nag-isip.

'Kung ganito kalaki ang pera niya, saan napupunta? Saan niya ginagamit? Bakit masyadong malaki?'

"Tsk" ingit ko saka kinagat ang ibabang labi. Muli kong pinagtuunan ng pansin ang mga papel na hawak. Masinsinan kong pinaghiwa-hiwalay ang clothing department, appliances department at school supplies department. Paulit-ulit lang ang naka-imprentang titik at hindi ako makahanap ng reliable evidence. Kunot na kunot ang noo ko habang bahagyang gumagalaw ang labi at bumubulong-bulong.

Habang patagal nang patagal ang pag-aanalyze ko sa mga papeles ay nakaramdam ako ng hilo. Sa ganito kalaki niyang pera, hindi ba siya natatakot na ma-holdap? Ma-kidnap?

'Mafia Lord siya, paano siyang matatakot?'

Inimis ko ang mga papel saka inayos ang trabaho. Tinitingnan ko nalang ang title saka ilalagay sa respective group nito. Wala akong mapapala bukod sa mamangha sa pera'ng pumapasok sa bangko niya kada-araw.

Hindi ko namalayan ang oras. Napatingin ako sa wall clock na nasa itaas ng pinto at doon ako nakaramdam ng gutom at pagod. 8:30 ako nagsimula at ngayon ay 11:30 na. Gano'n karami ang inayos ko. Ipinantay ko ang mga papel saka ko inihilig ang likod ko sa swivel chair para magpahinga.

Nakaupo man ay napagod ang utak ko kababasa at kaka-analyze sa mga iyon!

Isang picture frame sa office table ang biglang nahagip ng mata ko. Kusa akong napangiti nang makita ang family picture na iyon. Kinuha ko ang picture frame saka bumalik sa pagkakasandal. Nakangiti kong hinawakan ang babasaging frame na iyon.

'Who are them?'

"Woah, ang kyut naman. Ang sarap tingnan" nangingiti kong sabi habang pinagmamasdan ang family picture. It feels special and heartwhelming scene. Their faces have a genuine smile making me smile too because of this photo.

Isang lalaki na nakapolo ng white, may necktie na black at black pants pati black shoes. Nasa aged 45+ na siguro. Tumingin ako sa batang lalaki na katabi nito. Ang cute din dahil matambok ang pisngi at namumula-mula pa. May katabaan ng kaunti. Nakasuot s'ya ng simpleng polo na blue, black pants at white rubber shoes. Katabi ng batang iyon ang isang batang babae na nakapink na dress na hanggang binti at white na doll shoes. Nakatali ang may kahabaang buhok and she looks like a doll. Panghuli ay isang babaeng nasa 40+ aged, naka-pink din na dress na katerno sa bata pero naiba sa sapatos dahil white heels naman ang suot nito.

Supreme Series #1: The AssassinationOnde histórias criam vida. Descubra agora