Chapter 42: Diary

136 12 0
                                    

Aika Blythe Porter

"Lola Ylping, tulong~~hmpargh" umiiyak ako habang hawak-hawak nina Chet at Hirold ang braso ko. Panay ang kawag ko at paggalaw ng katawan para makatakas pero malakas sila, hindi ko kaya.

"Paano ulit iyon?" Pabulong na tanong ni Matt. "Huhubad kami parehas tapos?"

"Ano... basta patong ka kay Sofia," sabi ni Chet. "Tapos kiss mo siya sa labi, gano'n" sinunod ni Matt ang sinabi ni Chet. Panay ang luha ko ngunit hindi ako makasigaw ng maayos dahil nahihirapan ako sa bigat ni Matt. Panay lang ang aking iyak.

"Tigilan niyo iyan!" Umiiyak kong ibinagsak ang ulo sa lupa nang marinig ang boses ni Hero. Nagkasunod-sunod ang luha ko. Lumuwang ang pagkakahawak sa akin nina Chet at Hirold.

Bigal ay lumipat ng senaryo. Naputol ang senaryong iyon ngunit alam ko ang naging kasunod. Sumunod na senaryo ay nasa van ang batang ako. Walang takot kong hawak ang baril.

"Ito ang una mong misyon Sofia. Kaya dapat ay galingan mo. Kakain tayo sa restwaran kapag nagtagumpay tayo" inosente akong tumango. Malinaw naman sa akin ang gagawin. Kahit kinakabahan ng kaunti ay nagawa kong kontrolin ang emosyon. Kaya ko nang pumatay... sigurado ako.

"Opo" nakangiti kong sagot kay Kuya Tyron. Ngayon ay Christmas Eve, nakikita ko pa ang mga pailaw sa mga lansangan. Ang sabi ni Papa Liam ay kakain kaming sabay-sabay kapag nagawa namin ang aming misyon.

Nahasa akong matulog ng late sa gabi dahil pina-practice ako ni Papa tungkol sa pakikipaglaban. Ang sabi niya ay magagamit ko ito kapag may may nang-away sa akin.

In-ampon ako ni Papa Laxus at binigay kay Papa Liam. Ayaw raw sa akin ni Papa Laxus pero bakit niya ko in-ampon? Ano man ang dahilan niya ay okay lang. Mabait naman sa akin si Papa Liam eh.

"Dito ka na muna, sunod ka after ten minutes" bilin ni Kuya Tyron. Huminto ang van sa isang magarbong mansyon na may tatlong palapag.

"Sige po" pag-sang-ayon ko. Ngumiti sa akin si Kuya Tyron at ginulo ang buhok ko saka sila lahat lumabas ng pinto ng van. Tumingin ako sa suot.

Itim na leggings, itim na rubber shoes at puting t-shirt. Ayoko mag-jacket dahil mainit. Mamaya ko na isusuot ang bonnet kapag nasa labas na ako. Tumingala ako sa bubong ng van at ngumuso.

Hindi ako sumunod sa takdang oras. Walong minuto pa lang ang nakakalipas ay sinuot ko na ang bonnet at lumabas ng van. Inosente akong lumabas at naglakad paloob ng mansyon.

"Anak, pakiusap, lumayo ka na! Please, don't listen to them! We can handle ourselves! Please Luhence, escape! That is a command, my son!"

Kumunot ang noo ko nang mapamilyaran ang boses ni Tito Gio. Nang iangat ko ang tingin sa second floor ay agad kong namukhaan si Hero. Kinabahan ako ng makita ang pagluha niya.

Mabilis kong inayos ang suot na bonnet at tumakbo pataas. Agad kong hinablot ang pulsuhan ni Ysmael at hinila siya. Patakbo ko siyang inilayo at inilabas.

Alam kong sumunod si Kuya Theo at Kuya Yen kaya mabilis kong itinago sa malaking puno si Hero. Pigil ko ang hininga at alam ko ring ganoon din siya. At nang makalayo ang dalawa ay kinausap ko siya

"Pakiusap Ysmael, huwag kang lalabas dito hangga't walang dumarating na pulis" bulong ko sa kaniya. Iniingatang huwag marinig nila Kuya

"S-Sofia?" Kumpirmasyon niya sa aking identidad. Kabado akong ngumiti at ginulo ang buhok niya.

"Pasensiya na, Ysmael. Iyong habilin ko, please, gawin mo ah. I love you, My Hero" hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero kiniss ko siya sa lips. Katulad ng mga nakikita ko na ginagawa ng mga gerlpren nina Kuya Theo. Umalis ako nang nakapikit siya at saka tumungo sa van para kunin ang jacket ko. Inalis ko ang kaba at pumunta sa loob ng mansyon. Umawang ang bibig ko nang makita ang kwarto. Wala nang buhay si Tito Gio at tagos ang bala mula sa noo. Si Tita Shanah at Ate Shalliah ay lumuluha habang may takip sa bibig. Nakatali sila gamit ang makapal na lubid at magkatalikuran. Ipinutok ni Kuya Tyron ng limang beses sa tiyan ni Tita Shanah ang hawak na baril. Umagos ang malapot at mapulang dugo na ikinatigil ko.

Supreme Series #1: The AssassinationDove le storie prendono vita. Scoprilo ora