Chapter Five: Follow Him

204 13 0
                                    

Aika Blythe POV

"Pasundan iyon Kuya" agaran 'kong sabi sa kuyang nagda-drive nitong taxi habang itinuturo ang itim na kotse na sinakyan ni Ysmael.

Uwian na kaya lahat ng empleyado ay pinauwi niya na. Samantalang ako ay nag-uumpisa palang ang tunay na trabaho.

Kailangan kong malaman maski ang maliit na detalye sa buhay niya. I am stuck between following him because I am curious in his identity or to gain information to satisfy me in killing this man.

Madali sa akin ang pumatay lalo na kapag nararamdaman kong deserve ng taong papatayin ko ang patayin siya pero itong si Luhence, there's part of me saying that I need to chase the truth. Follow this man and gain information. Ang pagpatay ay iginagawad lang sa isang tao kung deserve niya talaga. Kung masyado nang malaki ang atraso niya at iyon ang motto ko sa buhay--sa pagpatay.

Magmula nang makita ko ang side niya kanina sa office at mabasa ang article, I am chasing the truth. Finding reasons on killing him.

Huminto ang kotse niya kaya huminto na rin ang taxi.

"Dito na po, Ma'am" sabi ng driver.

"Salamat" Agad akong nagbayad at lumabas. Tumingala ako sa malaking pangalan na nasa itaas. Umiilaw ito ng kulay red.

'Sevrious Rest Bar'.

Ito iyon. Ang sikat at tanging mga high-class na tao lang ang pwedeng makapasok. May ID na ipinapakita bilang kumpirmasyon ng identity. High-class ang security dito at kung gusto mo talagang makapasok ay harapin mo ang naglalakihang bouncer na nagbabantay diyan sa harap.

Luminga ako sa paligid para hilingin na sana ay dumating si Dora at tulungan niya kong makapasok sa loob. Pero ang paghiling kong iyon ay naputol nang makita ang babaeng ipinagkanulo ang katawan sa mga lalaki. Nakatalikod palang ay kitang-kita na ang maumbok niyang pang-upo. Kulay pula ang cycling nitong hapit na hapit sa katawan. Inangat ko ang tingin sa kaniya at doon ko napansin na katerno ng cycling na iyon ang bra niyang kulay pula rin at nagniningning kapag tinatamaan ng ilaw dahil sa makikinang na diyamante. May maskara rin siya na natatakpan ang kalahati ng mukha niya. May feather iyon sa kaliwang banda na kulay pula at puti.

Bigla akong nahiya sa puti at magandang kutis na taglay niya! Blonde ang buhok at sobrang sexy. Babae ako pero grabe iyong katawan niya. Manliliit talaga ako nito lalo na sa height niya!

"Hi Miss" nakangiti kong bati sa kaniya matching wave pa ng kamay matapos lunukin ang hiya at pag-aalangan sa katawan.

"Yes?" Tanong nito at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa saka angat ang kilay na sinalubong ang tingin ko.

'Puro color naman 'yang mukha mo, makainarte 'to!'

Pinilit kong hindi magpadala sa init ng ulo dahil may pabor akong hihingin sa kaniya.

"Pahiram naman ng damit mo" sabi ko agad dahil iyon ang aking pakay. Tumingin siya sa paligid at saka tumawa ng sobrang lakas! Nakakairita sa pandinig

"Oh poor little girl. Sorry but this is too precious for a person like you. Back off bitch. Get out from my sight" mataray n'yang sabi na hindi tinaggap ng maganda kong tainga. Agad kong hinila ang buhok niya dahilan para umatungal siya sa sobrang pagkabigla.

"Ouch! You are hurting me!?" Nagpapalahaw niyang sabi pero hindi ko siya pinansin.

"I am talking with you in a nice way bitch" gigil kong sabi sabay suntok sa panga niya. Mas maliit man ako sa kaniya, malutong naman ang kamao ko. Kayang magpatumba ng matatangkad na tulad niya. Lihim akong natawa nang bumagsak sa lupa ang tulog na babae.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now