Chapter 29: Love Making

183 12 0
                                    

WARNING! NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES

Aika Blythe POV

Inilinga ko ang paningin sa paligid. Wala pa si Luhence kaya naisipan kong magluto muna ng hapunan. Paniguradong pagod siya mula sa trabaho.

Dalawang linggo matapos ang nangyari sa wedding. Narito kami ngayon sa South Ancheior Village at dito na raw kami titira ayon kay Luhence. Exclusive ang village at wala kang makikitang pakalat-kalat sa daan. Tahimik at presko ang hangin dahil nakakalat ang damo at puno sa mga likod-bahay.

Maganda ang bahay na pinili ni Luhence. Ang interior ay sky blue at white ang naghahalong kulay. Mamahalin at brand new ang mga gamit.

Napagpasyahan kong magluto ng Sinigang na Baboy sa tulong ng YouTube. Buti at kumpleto sa rekados ang ref.

Habang hinihintay kong kumulo ang niluluto ko ay tumunog ang pinto. Senyales na narito na si Luhence. Agad akong nagtungo sa pinto at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Agad sinakop ng mabango niyang amoy ang aking ilong.

"Miss na miss?" Natatawang aniya. Tumawa ako saka siya tiningala. Ang gwapo niya pa rin! Fresh na fresh ang makinis niyang mukha. Parang hindi galing sa trabaho dahil sa sariwa pa rin ang asawa ko.

'...asawa ko'

"Nag-drink ka ba ng medicine mo?" Tanong niya pagkahiwalay ko ng yakap sa kaniya. Hinubad niya ang coat at inilagay sa sandalan ng sofa saka siya umupo roon.

"Yes po. Kaninang tanghali, Daddy," wala sa oras siyang napatingin sa akin dahil sa huling salita na sinabi ko. Hindi naman sa salita mismo kung hindi sinadya kong lagyan iyon ng gasgas para maging seductive.

"What the..." nanlalaki ang mata niya at hindi talaga makapaniwala. Natatawa ko siyang iniwan at nagpunta sa kusina.

Nanonood kasi ng erotika sa google kaya ko nalaman ang mga ganoon! HAHAHAHA

Saktong kumukulo na ang pinalalambot kong karne. Tinimplahan ko muna ng pampalasa at nang masigurong masarap ang lasa ay inilagay ko na ang sitaw, kangkong at labanos.

"Anong niluluto mo?" Bigla ay sumulpot si Luhence. Saglit ko siyang tiningnan na nakaupo sa isang upuan at nakapangalumbabang nakatingin sa akin. Iniwas ko na ang tingin ko.

"Sinigang Daddy" sinundan ko iyong tawa.

"Aika Blythe!" Kinagat ko ang ibabang labi saka tinakpan ang niluluto. Binisita ko ang rice cooker. Luto na rin ang kanin. Naghanda na ko ng kakainin namin.

"Wait lang ah" paalam ko habang naghahain. At nang matapos ay umupo na ako sa tabi niya. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko bago ko pa man ito magalaw.

Pagtapos ay sabay na kaming kumain. 

"How's work Hon?" I asked while we are eating. "And how's my food? Good ba?"

Tumawa siya. "Work is still on going while the food is delicious" natatawang sabi niya saka tumingin sa'kin. Napatingin ako sa labi niya nang dilaan niya iyon saka niya nilapit ang mukha sa akin at....

Hinalikan ako!

Hindi dampi at talagang gumagalaw. Pinagsawaan niya ang ibabang labi ko habang ako ay parang tangang nanlalaki ang mata! Hindi naman bago sa amin ang mag-kiss pero bago sa akin ang halikan niya ko sa harap ng pagkain!

I felt my cheeks burned. Humiwalay na siya sa kiss saka nakangising tiningnan ako nang mata sa mata. Sobrang lapit niya ngayon at naduduling na ko.

"Masarap naman. Mas masarap nga lang kapag sa labi mo tinikman" lumayo siya pagtapos no'n at kumain na parang walang ginawa! Napapalunok akong tumuloy sa pagkain. Para akong nanghina. To the point na parang nanginginig ang kamay ko.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now