Chapter 25: Wedding .1

159 9 0
                                    

Aika Blythe POV

"You look nervous" tiningnan ko si Blake na hindi ko namalayang nasa likod ko. Narito ako sa likod-bahay ng Isla. Dito sa Isla Esmeralda gaganapin ang reception namin ni Luhence. I'm excited at the same time, nervous. Sabi ni Luhence ay triple pa ng mga tao ang darating sa wedding kaysa noong engagement party.

Tiningnan ko ang beach kung saan nagkalat ang mga staffs at organizer na inaayos ang paggaganapan ng reception.

"A little bit" I answered while analyzing those people who are preparing the venue.

"Natural na siguro ang ikasal. I am happy to the both of you. Congratulations Queen" binalikan ko ng tingin si Blake. Nasa tabi ko na ito at nakagalukipkip ang mga braso. Nakapako ang tingin sa mga staffs.

'Queen'

"Blake, 'di ba ikaw ang nakakita sa'kin nakaraan no'ng mawala ako?" Tanong ko. Tumango siya saka sumagot.

"Yes Queen" he answered politely.

"Hmm, how did you know where am I located?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti nang labas ang ngipin. I found him cute but creepy at the same time.

"Noong tinawagan ako ni King para sabihin na nawawala ka, agad akong nag-drive papunta sa mall na sinabi niya. Pero nakita kita doon sa may sidewalk na parang may iniinda. I luckily found you" kwento nito. Tumango-tango ako dahil sa aksidenteng pagkakita niya sa akin.

"G-Gano'n ba? Salamat nga pala"

"Always welcome Queen. That is my duty as an auxiliary of you and King" nakangiting saad niya kung saan halata roon ang pagiging totoo. Iniangat niya ang kamay at pinatong sa aking ulo sabay gulo ng buhok ko.

'W-What was that?'

"Mauna na ko Queen. It is better for you to rest than standing here. Mapapagod ka lang. Ala-sais ang wedding ah, bye" tumalikod siya sa'kin at naglakad palayo. Nakamot ko ang pisngi dahil sa iniasta niya.

'That's...weird'

Yhuan POV

"Everything looks perfect King" komento ni Alliyah habang pinagmamasdan ang Isla na paggaganapan ng wedding. Ang Isla Esmeralda naman ang paggaganapan ng reception.

'Grabe... ang gwapo ko!'

Humangin bigla ng malakas! Tila hindi sang-ayon sa inisip ko!

'Gwapo nga ko eh!'

"It should," inilibot ni King ang mata sa lugar. Base sa pagtingin ay parang ini-imagine niya na ang mangyayari mamaya. "Predator will come in my teritory so be ready auxiliary. Your duty isn't to protect me but protect my Queen at all cost, understand?" tumango kami.

"Pero King, matagal nang panahon simula nang may makalaban ang CLO. Tingin ko ay tumigil na ang mga kalaban niyo na banggain tayo" napaisip ako sa ainabing iyon ni Kierxten.

Tama, matagal nang walang kumakalaban sa C.L.O dahil magmula nang mawala ang tatay ni Luhence, iginalang nila ang pamamalakad nito dahil malaki ang respeto nila kay King Gio kaya nakakapagtaka na may kakalaban ngayon sa King kung kailan nasa magandang selebrasyon siya.

"Nananahimik lang sila pero hindi ibig sabihin ay tumigil na. It's my celebration, my wedding. Lalabas sila ngayon dahil isang magandang moment ito para sirain ang kasiyahan ko" seryosong aniya. Tama naman.

"King, about Queen Aika's case, paano kung bumalik na ang alaala niya?" Alliyah asked. Napaisip naman ako at lihim na kinagat ang dila sa naisip.

'Syempre hihingi ng advice si Aika sa'kin hanggang sa maging malapit kami sa isa't-isa. Jojowain ko siya tapos kami ang may happy ending pero dahil mas mahal ko ang buhay ko at kahit pa chix si Queen, itataboy ko siya kasi nga babarilin naman ako ni King. Kuntento na ko kay Driana miloves'

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now