Chapter 39: Photo Album

138 12 0
                                    

Aika Blythe POV

Tatlong linggo matapos ang nangyari ay laging wala si Luhence sa bahay. Ang tanging kasama ko sa mansyon ay ang apat niyang auxiliary na bantay-sarado sa akin.

Ngayon ay panay suka ko. Nagising nalang ako na parang hinahalungkat ang sikmura ko. Tuloy ay nagmamadali akong  pumunta sa CR at doon inilabas ang lahat ng laman-loob ko.

It is not the first time. Isang linggo ng ganito ang nangyayari sa akin at tulad ng mga nakaraan ay napaupo ako sa tiled-floor na sahig. Hina'ng-hina ako at gusto ulit matulog pero hindi na pwede. Kailangan ko makakakalap ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa asawa ko.

Nababahala man sa sitwasyon ng kalusugan ay binalewala ko iyon. Ayokong mag-alala si Luhence. Siguro dahil lang ito sa pabago-bagong klima.

Lumabas ako ng silid at bumaba ng kusina kung saan naabutan ko si Kierxten na nagluluto. Sina Alliyah at Yhuan naman ay tutok sa laptop nila.

"Good Morning Queen," bati niya. Ngumiti ako at sumilip sa kaniyang niluluto. Nanubig ang bagang ko nang makitang champorado iyon. Iyon kasi ang sinabi kong lulutuin niya lagi sa umaga para sa akin. Ayoko kasi ng amoy ng bawang at kung anu-anong may kinalaman sa paggi-gisa dahil nasusuka ako. Ayoko ng amoy. "Malapit na ito" nakangiting aniya habang hinahalo ang pagkain. 

"Kumain ba si Luhence bago umalis?" Tanong ko. Ipinagtimpla ko ang sarili ng gatas saka umupo sa island counter.

"Hindi po pero ipinagdala ko siya ng pagkain kay Blake. Kakaalis niya lang kanina at pabalik na siguro iyon" tumango-tango ako saka humigop ng mainit na gatas.

Sa nakalipas na tatlong linggo ay hindi natigil ang panggugulo nila kay Luhence.  Minsan ay uuwi si Luhence na may dugo sa damit, iyon pala ay tinambangan siya pero wala namang sugat. Napahamak nga lang ang ibang tauhan niya. Madalas na rin ang death threats na pinapadala rito sa bahay at sa kumpanya niya. Halos hindi ko na siya makita dahil maaga siya uuwi at madaling araw na babalik. Swertehan kung maabutan ko siya sa pag-uwi kaso hindi kaya ng mata ko.

Inilapag ni Kierxten ang champorado sa harap ko. Tulad ng sinasabi ko ay may evaporada iyon sa taas kaya lalo akong natakam. Batid kong pumasok na rin sina Alliyah at Yhuan para kumain.

"Good Morning Queen" bati nilang parehas. Tumingin ako sa kanila at ngumiti saka kumain. Balak kong umalis ngayon para mag-report sa BVO. Ang totoo ay report-report-an lang ang gagawin ko. May balak akong tingnan at kumpirmahin na tanging sa opisinang iyon ko lang mahahanap ang sagot.

Nang bumalik ang alaala ko, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Shainah na may butas pa. Na may alaala pa kong hindi nagbabalik tulad ng mga pangyayari 15 years ago. Ngayon ko gustong malaman. Ngayon ko gustong makuha ang sagot.

Luhence Ysmael POV

Drinking wine while fixing some papers is what I am doing right now. Kaunti lang ang nasa building ngayon dahil hindi ko hinayaang pumasok ang lahat ng empleyado. Ilang beses na kasing nangyayari ang pagpapaulan ng bala. Hindi naman ako nababahala sa kalagayan ko, mas nababahala ako sa mga inosenteng buhay na nadadamay.

May kumatok ng tatlong beses sa pinto at alam ko na kung sino iyon. As what expected, Rhuzelle Grozen entered the office wearing unappropriate clothes. I mean, kulang na lang ay ipakita niya ang maselang parte.

"Nandito ka na naman" iritado kong sabi. Pagbalik ko ng kumpanya, doon nag-umpisa ang pagpunta-punta niya rito. Kung anu-anong dala at sinasabi na hindi ko naman pinapansin. Nasa block list na siya ng kumpanya kung saan bawal siyang makapasok pero matinik ngang talaga ang babaeng ito dahil may sarili siyang pinto.

"Yes of course" she put a pink paperbag in my desk but I did not gave an attention to that. Wala akong pake sa babaeng iyan kung humihinga ba siya sa harap ko or what. Ang gusto kong gawin ay ayusin ang mga papel ng empleyado ko dahil hindi sila ligtas rito.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now