Chapter 17: A Hint

178 12 0
                                    

Aika Blythe POV

"Hoy, anong ginagawa niyo sa kaniya?!" umiiyak kong sinundan ng tingin ang sumigaw. Isang may katangkarang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa amin.

"Bakit sino ka ba ha?!" sigang tanong ni Chet. Busangot ang mukha niya habang masama ang titig sa lalaking dumating. Isa siya sa nambu-bully sa akin at laking pasalamat ko dahil may dumating upang iligtas ako.

"Okay ka lang?" tanong niya nang makapalapit sa kinauupuan kong damo. Hikbi ang naging sagot ko sabay pahid ng aking pisngi'ng basang-basa ng aking luha.

Bumuntong-hininga ang lalaki saka tumayo upang harapin sila Chet."Anong kailangan niyo sa kaniya?" Tanong niya rito nang walang takot sa mga lalaking kaharap

"Tss. Bakit ibibigay mo ba, ha?" Salubong ang kilay na tanong ni Harold. Halata ang galit dahil hindi nila nakuha ang gusto sa akin.

"Sabihin niyo nalang" naiinip na sabi ng lalaki. Napahikbi ako sa tapang na mayroon siya.

"Kinukuha namin yung bente na binigay sa kaniya ni sister" nakasibangot na sagot ni Chet. Binalingan niya ko ng masamang tingin kaya yumuko ako dahil sa takot.

"Tss. Parang bente lang nangbu-bully kayo?" Naroon ang inis sa tono ng bata'ng lalaki. Nakita ko ang pagkuha niya ng kung ano sa likod ng pantalon niya. "Oh! Oras na makita ko ulit kayo, isusumbong ko na kayo sa mga sister. Tss. Alis!" masungit na taboy ng bata kaya ikinagulat ko ang pagtakbo nila Chet na may ngiti sa labi. Marahil natuwa sa ibinigay ng lalaki.

Humarap sa'kin ang lalaki at napatingin ako sa nakalahad niyang kamay.

"S-Salamat po" sabi ko pagtapos kunin ang iniabot n'yang kamay. Ngumiti ito sa'kin.

"Okay lang. Next time, ibigay mo nalang kung ano ang hinihingi nila para di ka nasasaktan" maamo niya'ng sabi. Nakakagaan ng loob ang gaan ng boses niya.

"Ayoko po ibigay ito. Nag-iipon kasi ako para pag nakalabas na ko ay magpapatayo ako ng negosyo sa labas para marami akong pera" determinado kong sabi. Nagulat siya.

"Sa tingin mo makakalabas ka pa dito?" Kunot-noong tanong niya. Tumango ako saka pinunasan ang natira'ng luha sa aking pisngi

"Opo. 'Yon ang sabi ni sister eh pero di niya sinabi kung kailan" nakatitig lang sa akin ang lalaki. Tumango-tango siya na parang naintindihan ang punto ko. Ngumiti ako na ginantihan niya ng mas maamong ngiti.

"I'm Hero" pakilala niya

"Sofia ang pangalan ko"

Napabalikwas ako mula sa mahimbing na tulog sa malambot na kama. Napahawak ako sa likod ng aking ulo nang maramdaman ang sakit no'n.

'Ako ang batang babaeng iyon. P-Pero bakit Sofia? Aika ang pangalan ko. At kamukhang-kamukha ko ang Sofia na iyon. May bangs nga lang siya at may salamin doon sa panaginip ko'ng  iyon pero nasisiguro ko'ng ako iyon. Pero sino si Hero? Si Chet at Harold? At nasaan ako that time? Nakakulong ba ko noon?'

"Honey are you okay?" Napatingin ako kay Luhence nang pumasok siya sa pinto. Doon ko lang napagtantong nasa kwarto ako. Nasa bahay na ata kami at nakauwi. Nakatulog ata ako sa byahe.

"O-Okay lang. M-Medyo sumakit lang ang ulo ko" sagot ko. Bumakas ang pag-aalala sa gwapo niya'ng mukha.

"Tsk! Time to eat so you can take your medicine. Hindi nakakabuti sa'yo ang pag-iisip ng kung anu-ano. Don't stress yourself, Hon" naroon ang pangangaral sa tono niya.

"Opo" nakangiti kong sabi para hindi na siya mag-alala.

Inalalayan niya kong makapaglakad hanggang sa makapasok kami ng kusina na may mga nakahain ng mga pagkain. Nilagyan niya ang aking plato.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now