Chapter 48: Ending

187 13 0
                                    

Luhence Ysmael POV

Tulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa babaeng nakatalikod sa akin at nakaharap ang gintong baril kay Uncle Laxus. Tandang-tanda ko pa na pareho kaming binigyan ni Daddy ng baril. Ang silver ay akin habang gold kay Shalliah.

Shalliah Yrenne Sevrious.

She's breathing and alive. Her long chestnut brown hair is what I am seeing right now. I am so emotional because I thought my whole family was being killed but here she is. Shalliah is in front of me like I am just dreaming.

"Shalliah..." tiningnan ko si Uncle Laxus na nanlalaki ang mata at animong nakakakita ng multo.

"Yes Laxus, I'm healthy," tumawa ang kapatid ko. Parang nawala ang dinaramdam ko sa katawan gayong alam kong mayroong bala na nakatagos sa dibdib ko. "Hindi ako maayos na nabaril ng tauhan mo dahil kay Sofia and thanks to her," hindi ako tumingin kay Aika. Nakatingala lang ako kay Shalliah. "Muntik na kong mamatay at sa murang edad ay nakipag-laban ako kay Satanas. Sa tulong ni Dr. Clavejo, nabuhay ako. Tatlong taon akong na-comatose at dalawang taon nawalan ng alaala dulot ng trauma na ibinigay mo sa akin. Ngayong nagkita tayo, oras na para maramdaman mo kung paano makipag-hatakan ng kaluluwa kay Satanas" ikinasa ni Shalliah ang baril.

Nang tingnan ko si Laxus ay napalitan ng ngisi ang hitsura niya. Kalaunan ay tumawa siya na parang hibang.

"Kayong magkapatid ay umaasta na maraming nalalaman," aniya saka inihagis sa malayong lugar ang baril niya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa at matamang tumingin kay Shalliah. "Siguradong husgado niyo na kung gaano ako ka-demonyo diba? Samantalang hindi niyo alam ang rason kung bakit ko ginawa iyon"

"Kapangyarihan lang ang habol mo diba?" Napatingin ako kay Aika. Doon ko lang napansin na nasa tabi niya si Zylex na nakatingin rin kay Laxus. Naririnig ko pa rin ang ilang putukan pero mahihina na. Hindi ko lang alam kung nasaan na sina Uno. "Kaya mo nagawang patayin ang mga magulang nila ay para maangkin ang kayamanan nila. Gusto mo maging Supreme at hindi mo nagawa iyon dahil sa magulang nila"

Sarkastikong tumawa si Laxus. Nakangisi niyang tiningnan si Aika. "Bakit kasi magbabasa ka na lang ng diary ng iba, lalaktaw-laktawan mo pa? Rush Hour?" Umiiling siyang tumingin kay Shalliah. "Paano ba ko napunta sa puder niyo? Bakit ako naging Sevrious? Ampon ako diba?" Hindi kami nagsalita. "Kumabit lang naman ang lolo niyo sa nanay ko. Pinagbuntis ako ng nanay ko at matapos akong ipanganak, pinatay niya," umawang ang bibig ko. Hindi ko naman makita ang reaksyon ni Shalliah. "Inampon nila ako para iwas issue sa pamilya ninyo. Ginusto ko ang kapangyarihan ninyo, hindi para sa akin lang. Oras na makuha ang kapangyarihang gusto ko, wawasakin ko lahat ng pinundar ng lolo't lola ninyo. Isisiwalat ko ang ka-demonyo-han ng nila. Iyon ang balak ko," aniya. "Hindi ako ang demonyo rito sa una pa lang. Biktima ako ng mapag-manipula'ng pamilya ninyo"

I did not met my lolo and lola since then and I don't know what's in their mind to be like that. They are more than a monsters!

"At kung hindi ko masisingil ang magulang niyo, parurusahan ko nalang ang mga apo nila" bigla ay humugot siya ng isang swiss knife mula sa bulsa. Walang alinlangan niyang tinira si Aika na agad sinalag ni Zylex na siyang tinamaan sa braso.

"Oh, fùck!" Singhal niya. Bumaling siya kay Laxus saka sinapak sa mukha. Sapul! Muli sanang sasapak si Zylex nang makakuha ng kahoy si Laxus at hinampas siya sa likod. Napaupo si Zylex ngunit hindi nagpatinag. Tinangka niyang sumipa ngunit hinampas ni Laxus ang binti niya dahilan para mapaupo siya at magsisigaw sa sakit.

"Kuya, take away Aika from here" tumingin ako kay Shalliah at agad binalot ng pag-aalala ang puso ko nang maramdaman ang balak niya.

"No," nanlaki ang mata niya. Saglit niyang tiningnan si Zylex bago ako tingnan muli. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong balikat. "I won't leave you here"

"No, listen Kuya," magkadaop ang mga mata namin. "Aika is pregnant. This place isn't a haven for her. You also need a medical assisstance"

"Paano ka?" Akma siyang magsasalita nang maunahan ko. Hinawakan ko ang braso niya. "Ayokong mawala ka sa paningin ko Liah. I can't stand a year without an alliance again. I don't wanna bad thing happen to you. Umalis na tayo ng sabay rito. Leave Laxus alone. Please"

"I understand your worry but I need to take a revenge for our parents. Laxus should be killed right now. Wag na matigas ang ulo. Babalik ako sa'yo ng buo," umiling ako nang umiling. Ayoko man ay kusang bumabalik sa isip ko ang gabing iyon sa New York. Ang masaksihan ang pagpatay sa magulang ko ang mismong kinatatakutan ko. Ayokong maulit iyon. "Si Sofia, kailangan ka niya Kuya. Dala niya ang pamangkin ko. Dala niya ang anak mo. They need a father and husband right now. Ilayo mo sila rito"

"Shalliah!" Zylex shouted. Nang humarap si Liah ay nasangga niya gamit ang braso ang hinagis na vase ni Laxus. Ako ang kinabahan nang makita ang dugo sa braso niya.

"Take your wife away from here!" Huli niyang sabi bago sumugod kay Laxus na pinipigilan ni Zylex. Gusto ko siyang samahan lumaban ngunit napatingin ako kay Aika nang hawakan niya ang braso ko. Magulo ang buhok niya at namumutla na rin ang mukha.

"Umalis na tayo"

Aika Blythe POV

Nakaramdam ako ng pananakit ng puson nang tinangka kong sumugod para salagin ang vase na tatama kay Shalliah. Napigil iyon ng tila pinilipit ang puson ko. Nakakaramdam na rin ako ng hilo dahil sa amoy ng paligid.

"Umalis na tayo" gusto kong sabihin ang tunay na dahilan pero nakikita ko ang dugo niya na umaagos mula sa dibdib dahil sa tama ng baril. Ayokong magdulot iyon ng masama sa kaniya.

"S-Si Shalliah" iyon ang nakikita kong pag-aalala sa kaniya.

"King," bigla ay sumulpot si Blake. Agad niyang hinawakan ang braso ni Luhence saka iniakbay sa kaniya. Iniakbay ko naman ang isang braso niya sa balikat ko. Kahit gusto ko nang umiyak at sumigaw sa sakit ay tiniis ko. Mahalaga ang magamot si Ysmael. "Nandiyan ang medic. Kailangan na'ting makaalis dito. Nagtanim sila ng bomba at nagkaroon ng shortage si Dos para i-defuse ang mga iyon. Kailangan na na'ting umalis"

"Ano?! Argh!" Nag-aalala kong tiningnan si Luhence nang dumaing siya. "Kailangan mong isama si Liah. Baka masaktan siya" it touches my heart. I feel the love of him for his sister.

"King, napag-usapan na namin ito. Kayo ang kailangan--"

"Makinig ka Blake," tumigil kami sa mismong harapan ng building. Mas lalo akong nahilo sa amoy ng pulbura. Dagdag pa ang maiingay na sirena ng police mobile. "Si Shalliah, kailangan niya ng tulong nidhekeiwnsks"

Hindi natitigil ang pagsasalita ni Luhence pero wala na kong marinig. Napaluhod ako sa lupa habang sapo ang aking tiyan. Pakiramdam ko ay may lumalabas na likido sa maselan kong parte.

'Baby'

Napahiyaw na ko sa sakit. Naramdaman ko ang paghawak ni Luhence sa mukha ko ngunit malabo na ang mata ko para makita pa ang mukha niya.

Hanggang sa tuluyan nang mawala ang aking ulirat.

Luhence Ysmael POV

"Si Shalliah, kailangan niya ng tulong. Kalaban niya si Uncle Laxus--" natigil ako sa pagsasalita nang mawala ang pagkakaakbay sa akin ni Aika. Napatingin ako sa kaniya na nakaluhod sa lupa habang sapo ang tiyan. Halata sa mukha niya na may iniindang sakit dahilan para mawala ang alalahanin ko at matuon ang atensyon kay Aika. Lumuhod ako at hinawakan siya sa braso pero para siyang lasing at hindi na ko makita.

"Aika, honey?" I said as I caressed her cheeks but... she lost her consciousness. Gumapang ang kaba sa puso ko.

I know I have gunshot but I carried her in a bridal style. Lakad-takbo akong umalis ng building ngunit wala pa sa kalsada ay bumigay na ang aking katawan. Pareho kaming sumalampak sa sahig .

"King, Queen!" I heard Kuwatro's voice. Hinawakan ko ang kamay ni Aika at habol-hiningang ipinatong ito sa aking dibdib.

"Stay alive... please. Baby, Honey..." and everything went black as I felt someone hold my arm.

Supreme Series #1: The AssassinationOnde histórias criam vida. Descubra agora