Chapter 21: Engagement Party .3

156 8 4
                                    

Rhuzelle POV

"Aika?" Napatingin kami kay Humpprey nang sabihin niya ang pangalang iyon. Hawak niya ang beer sa kanang kamay habang nakatingin sa TV na nasa kaniyang harapan. Narito kasi kami sa condo ko dahil birthday niya so dito ang venue. Halos kasisimula lang namin.

Napatingin kami sa TV nang sabihin niya iyon. May isang reporter na nagsasalita pero ang camera ay nakatutok sa dalawang pamilyar na mukha.

'Luhence and... Aika?'

''Narito tayo ngayon sa Batangas para saksihan ang Engagement Party ng The Most Richest and Successful Owner of Sevrious Company. Ayon sa inyong nakikita, tama, totoo ang inyong nakikita. Mr. Luhence Ysmael Sevrious with this beautiful lady beside him is his fiancè, Ms. Aika Blythe Porter. Base sa sinabi ni Mr. Sevrious, ngayong darating na linggo ang kanilang kasal pero wala siyang tiyak na lugar na sinabi. Antabayanan natin ang nalalapit na kasal ng dalawang ito''

Napanganga ako sa aking narinig.

'What the fuck? What do you think you are doing Ai? At... bakit si Luhence?'

"Oh God" Shainah said while her lips is partly opened. Tulad ko ay nagulat rin sila sa narinig. Tumingin ako kay Luke dahil alam kong nasasaktan siya.

"L-Luke?" Tawag ko. Blangko ang kaniyang mukha at deretsong nakatingin sa TV. Igting ang panga at sarado ang kamao.

"P-Pare, okay---hoy, saan punta mo?" Tanong ni Cabrix nang biglang tumayo ito. Akmang lalabas siya ng pinto nang pigilan siya ni Humpprey at Cabrix.

"Let me go" Luke said in monotone. He is deadly serious!

"Saan ba kasi punta---" Luke cutted Humpprey's words when he spoke.

"Pupuntahan ko siya. Kailangan ko siyang m-makausap" tumulo ang luha ni Luke. Naging dahilan iyon para matahimik kami. Kung nasasaktan ako, mas nasasaktan siya. Girlfriend niya ang ikakasal sa ibang lalaki.

Luhence face appeared in my mind.

'Luhence, nakalimutan mo na ba ko?'

"Pare, baka may dahilan si Ai---" naputol ang sasabihin ni Cabrix nang harapin siya ni Luke nang nanlilisik ang mata. Tila sa tinging iyon ay sinisisi niya si Cabrix kung bakit nasa ganoong sitwasyon siya.

"Dahilan? Anong dahilan? Is it still about the assassination? Kasi kung iyon pa rin, paano ako? H-Hindi ko maiintindihan si Ai kung bakit kailangan niyang gawin ito? Hindi niya ba naiisip na, nandito ako? Na masasaktan ako na uunahin niya ang misyon niya kaysa akin?" Umiiyak na turan ni Luke. Pinunasan niya ang luhang tumutulo.

"Kilala natin si Aika. Let's calm for a while. Magtiwala tayo sa kaniya Luke" I said. Trying to calm down the tension roaming in this room.

"How can I calm Rhuz? How? Kung ikakasal siya sa iba, paano ako? Nawala siya nang higit sa isang buwan tapos mababalitaan ko ito? I can't calm as of a thought that my girl is in the other man arms" hindi ako nakapagsalita. Naintindihan ko siya.

A heavy sigh was released. I looked at Shainah. Her eyes was full of sadness, guilt and disappointment and I know what's goin' on here. Is she have an idea with it?

"Anong kinalaman mo dito Shainah?" Ako ang dapat na magtatanong pero naunahan ako ni Luke. Agad lumapit si Cabrix sa kaniya. "Are you both have an idea with it?"

"Yes/Wala" sabay na sagot ni Cabrix at Shai. Nagtinginan ang dalawa. Yumuko si Shai.

"Okay, ahm, we're sorry. H-Hindi namin agad sinabi" Cabrix explained but a punch hit his face. Humpprey punched his face making him sat on the floor as of the impact. Agad siyang dinaluhan ni Shai habang ako ay agad hinawakan si Humpprey sa braso para pigilin.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now