Chapter 15: What Happened?

206 14 0
                                    

Aika Blythe POV

"Hon," isang malamyos na tinig kasabay ng paghaplos sa aking pisngi ang nagpagising sa aking diwa. Dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng aking mata. Dumapo iyon sa maiitim na mata'ng nakapako sa'kin. May nakaukit na ngiti sa kaniya'ng labi. Kumabog ang aking puso nang siya ang mabungaran ng aking mata. "Good Morning" bati niya.

"G-Good Morning din" bati ko pabalik at halos pabulong. Masyado siya'ng malapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko.

"Sorry for waking you up but I want you to join me on breakfast. Para na rin makainom ka ng gamot at maglilibot pa tayo. I promised it to you, right?" Malambing niya'ng sabi. Sa baba ng tono niya ay parang hindi siya marunong sumigaw. Sa ngiti niya ay parang hindi niya kayang magalit. At sa mga mata niya, parang sincere ang lahat ng sinasabi niya.

Lumunok ako ng laway bago nagsalita. "S-Sige". Inilahad niya ang kaniya'ng kamay kaya inabot ko iyon bilang pang-alalay. Boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa magkalapat naming kamay. Kakaiba ang tibok ng puso ko.

Umupo ako sa kama. Medyo nanghihina pa rin ako pero kaya ko namang kumilos. Mabuti na rin siguro iyon para ma-ehersisyo ko ang katawan ko'ng laging nakahiga. Inilapat ko ang paa sa sahig at tatayo na sana nang bitiwan ni Luhence ang kamay ko at pumunta sa isang shoe rack. Inilagay niya sa tapat ng paa ko ang isang kulay pink na mabalahibo'ng tsinelas. Nakakatuwa tingnan dahil may DIY Eyes ito. Nang isuot ko iyon ay napangiti ako nang maramdaman ang lambot nito sa paa. Komportable ako.

Muli niya'ng hinawakan ang aking kamay at inalalayan ako sa pagtayo. Nanginig ang aking tuhod dahil sa paninibago. Ipinalibot niya ang kaniya'ng braso sa aking bewang dahilan para maging balanse ang tayo ko. Nakatulong iyon sa nanghihina ko'ng tuhod. Tiningala ko siya at dahil naramdaman niya iyon ay tumingin rin siya sa'kin. Ngumiti ako.

"Salamat" usal ko na ginantihan niya naman ng matamis na ngiti. Naglakad na kami palabas ng kwarto'ng iyon habang nakaalalay siya sa'kin. Hawak niya ang aking bewang habang ang isa pang kamay niya ay nakahawak sa'king kamay.

Dahan-dahan kaming bumaba ng hagdan at dumiretso sa isang pinto. Hindi ko nalibot ng tingin ang lugar dahil nakatingin ako sa sahig. Nakikita ko kasi ang aking repleksyon sa mga puting tiles.

Umangat lang ang aking mata nang makaupo ako sa isang upuan. Doon ko lang nakita na nasa kusina kami. Nalaman ko dahil sa mga utensils na nandito. Malinis, maganda at mabango. Halata'ng maayos siya sa kusina.

"Can you eat? O susubuan kita?" Napatingin ako kay Luhence nang sabihin niya iyon. Nakangiti siya ng tipid at pinaghahandaan niya ko ng pagkain sa plato. Tiningnan ko ang mga nakahain.

'Ano ito? Tapsilog?'

"Tapsilog ito?" Tanong ko. Ang mata niya'ng nakatutok sa paghahain ay dumako sa akin. Seryoso ang kaniya'ng mukha at matiim ang tingin sa'kin dahilan para kabahan ako.

'M-May nasabi ba ako'ng mali?'

"How did you know about this food? May naalala ka ba?" Seryoso'ng tanong niya. Bahagya'ng magkasalubong ang kilay niya at halata roon na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Tell me Hon, may naaalala ka na ba?"

"A-Ahh" nagdadalawang-isip ako kung sasabihin sa kaniya dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Malakas na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ako yumuko. Pinagsiklop ko ang aking kamay at tinusok-tusok ang palad gamit ang kuko. "Kusa lang lumabas sa bibig ko. Nang maamoy at makita ko iyan ay iyon agad ang naisip ko. H-Hindi ko naman alam ang lasa niyan kaya w-wag ka ng magalit" paliwanag ko.

"Aside from the dish, may iba pa ba'ng familiar sa'yo? Bigla ba'ng may gusto ka'ng kainin, gawin o panoorin?" Tiningala ko siya. Masyado siyang seryoso at natatakot na talaga ako sa kaniya. Hindi ko makuha ang punto sa mga tanong niya dahil magulo.

Supreme Series #1: The AssassinationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora