Chapter 47: Saved .2

137 15 0
                                    

Luhence Ysmael POV

Pagbukas ng elevator ay bala ng baril ang tumama sa dibdib ko. Agad akong napaupo sapo ang aking dumudugong dibdib. Inangat ko ang tingin kay Uncle Laxus na nakangisi habang nakatutok ang kaniyang baril sa akin. Halata ang tuwa sa mata niya.

"Ahh!" Napatingin ako kay Aika at namuo ang pag-alala sa puso ko nang makitang sinugod niya si Uncle Laxus at pinatama ang kamao sa panga dahilan para mapaupo ito sa sahig. Akmang dadaganan ni Aika ang tiyuhin ko nang magpaputok ang isang tauhan ni Laxus na tumama sa balikat niya.

"Aika!" Pinilit kong tumayo upang daluhan ang asawa kong nakaupo sa sahig at namimilipit sa sakit ngunit hindi ko kaya.

'Shit, my babies'

Masama kong tiningnan si Laxus na nakatingin sa amin habang nakangisi at hinihilot ang panga.

"Iyang kamao mo, mana kay Liam" naiiling niyang sabi. Tumingin siya sa isang tauhan niya at may isinenyas. Nang makitang papalapit ang tauhan ni Laxus ay sinubukan kong tumayo ngunit sa ikalawang pagkakataon ay bala ng baril ang tumama sa balikat ko.

"Ysmael!"

"Ano bang gusto mo?!" Sigaw ko kasabay ng pag-ubo ko ng dugo. Pakiramdam ko ay hinahapo ako at nahihirapang huminga. "Just say what you want and I will gave those shits to you! Just don't hurt them!"

Sarkastikong tumawa si Uncle Laxus. Tila natutuwa siya sa mga naririnig. Inilibot ko ang tingin sa lobby. Madilim sa labas at may mga tauhan siyang nakapalibot sa amin. Ilang auxiliaries ang nagtatangkang tulungan kami ngunit sa isang patama ng baril ng mga alagad ni Laxus ay agad silang naghihingalo. Pakiramdam ko ay may lason bawat bala ng Theomus Org.

"Pera ang kailangan ko, Ysmael. Kapangyarihan na dapat sa akin pero sa'yo napunta," tumingin ako kay Uncle Laxus. "I want power, I want slaves. I want to be Supreme just like you but all of them has been vanished because of your father!"

"And you killed my father already!" I shouted back. Pinilit kong tumayo at tiningnang maigi si Laxus. "Hindi pa ba sapat ang patayin mo ang magulang ko para parusahan mo ko ng ganito? You even established two organization just to assassinate your own nephew! I trusted you like Attorney Alquezar but you proved me wrong!"

"I don't need your trust, hindi ko makakain iyan!" Sigaw niya. "No one can see me with just trust, letse!" Hindi ako nakapagsalita. Habol ko ang hininga habang nakatingin ng masama kay Uncle Laxus. I saw and read the diary in the sling bag of Aika. This cruel human killed my family because of power.

Why people are so greedy in money? They want money a lot even it means humiliation towards their fellowmen. It's like, money gave oxygen to them that's why they treasure it more than their fellowship.

It is hard to absorb but the world is focused on money more than the others.

Natauhan ako nang makitang itutok ni Uncle Laxus ang baril niya sa tiyan ni Aika. Awtomatikong niyakap ni Aika ang tiyan. Sinubukan niyang tadyakan ang kamay ni Uncle Laxus pero isang malakas na pagbatok ang ginawad ng tauhan sa kaniya.

"Aika!" Masama kong tiningnan ang tauhan na iyon ngunit ngumisi lang ang gago.

"Matagal ko nang gustong burahin sa mundo ang batang ito. Demanding sa buhay na akala mo'y di ko pinakain. Pero alam ko kasi magagamit ko siya laban sa'yo kaya nag-tiyaga ako," ngumisi si Laxus. "Hindi naman siguro kabawasan sa kayamanan mo kung mawawalan ka ng mag-ina, hindi ba?"

Those words makes my heart beats in an unnatural pace. My family is my gem and I won't let anything bad happen to them.

"No!" Tinangka kong lumapit pero tinadyakan ako ni Laxus dahilan para mapaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung bakit ikinainis ko ang pagkawala ng presensiya nina Uno gayong ako ang nagsabi ng mga gagawin nila.

Supreme Series #1: The AssassinationWhere stories live. Discover now