Prologue

11.7K 187 14
                                    


Prologue

MABILISAN akong umupo sa pang-isahang upuan at saka humarap sa counter. Itinaas ko ang aking kamay upang makatawag ng atensyon ng isang bartender. Mabilis naman itong rumisponde sa aking tawag at lumapit sa akin.

I'm currently in Hugh's bar. Nag-order ako ng isang beer dito. Pagkatapos ay habang hinihintay itong makarating ay iniikot ko muna ang aking paningin sa buong paligid.

Dito na ako madalas nagpupunta kung kailangan ko ng... syempre, alak. Alcohol is my friend, but sometimes it can be my enemy too. May love and hate relationship na ata talaga ako sa alak.

Marami-rami na rin ang mga taong nasa loob ng bar. There were some people partying to the loud music coming from the big speakers. Mayroon namang ibang nakikipaglandian lang sa mga hindi nila kakilala. There were some who are already passed out.

Maaga-aga pa nang kaunti kaya hindi pa masyadong puno ang bar. I mean, Hugh's bar is probably one of the most high-end bars around the city, so most of the people here are rich. Hindi basta-basta nakakapasok, kumbaga exclusive.

Hindi ko ba alam kung paano ako nakaka-party dito eh hindi rin naman ako mayaman. I guess, it's just the perks of being close friends with the owner.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa counter nang marinig ang pagkakalagay doon ng beer na aking inorder. Sumimsim ako mula sa baso, unti-unting tumataas ang gilid ng aking mga labi. It has been quite a while since I last drank beer. Parang nakalimutan ko na nga ata ang lasa nito.

Dahan-dahan kong ininom ang beer habang palinga-linga sa buong paligid. Unti-unting kumunot ang aking noo. I want to party so bad already! But, I'm still not drunk enough to have the guts to do it.

It's my own rules about myself. If I want to dance freely in the middle of the crowd, I should at least be a little tipsy.

Yes, I am friendly to others and definitely a lot more out going compared to Maia and Nica. Pero, minsan tinatamaan din ako ng kahihiyan sa katawan 'no! Hindi naman puwedeng puro kapal lang ng mukha ang mayroon ako.

Nagbabalak na sana akong tumayo mula sa upuan, iiwan na sana ang natitirang beer na ininuman ko nang biglaan akong makatanaw ng pamilyar na mukha mula sa malayo. I squinted my eyes to see the person's face clearly through the multiple colored lights shining inside the room.

Agad sumilay ang malaking ngiti sa aking mga labi nang mapagtantuan kung sino ito. Unti-unti itong lumalapit sa akin ng may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. It's Hugh!

Sinundan ko ito ng tingin hangga't sa makaupo ito sa aking katabing upuan. "Having fun partying again, Jade?" pang-aasar nito sa akin habang may malawak na ngisi sa kaniyang mga labi.

Umiling ako sa kaniya at hinarap ito nang maayos. "Bakit? Masama na bang magpakasaya?" tanong ko rito pabalik.

Naramdaman ko ang paghagod ng kaniyang mga mata sa kabuoan ng aking katawan. He was checking my outfit out.

"You should've told me that you're coming over. I could've talked to you while you were drinking. You know I'm always available, right?" anito kasabay ng pagtaas niya ng kilay sa akin.

I laughed at his words as I threw a light punch on his arm.

"Gago, nakakahiya pang tawagin kita. Syempre, busy ka rin sa trabaho mo 'no. At saka, ayos lang naman akong mag-isang umiinom. Maya-maya mawawala din naman ako sa tabi mo, nag-paparty na sa gitna," natatawa kong sagot sabay turo sa dance floor kung saan marami na ang taong sumasayaw.

Sabi ko rin sa sarili ko ay parte na rin ito ng pag-momove on ko. Hindi ko na lilimitahan ang aking sarili dahil lamang broken-hearted ako sa gago kong ex.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga nito kasabay ng pagiging seryoso ng ekspresyon sa kaniyang mukha. "Why are you here alone, Jade? Any problems with your love life again?" he asked with a serious tone.

Agad naman akong napatigil nang marinig ang kaniyang sinabi. Tumawa ako nang mahina at saka umiling.

Wala naman akong literal na love life ngayon. Sadyang, hindi pa ako nakaka-move on nang tuluyan. I still haven't gotten my closure from my last relationship of three years.

At kaya nga nagiging madalas na ang pagkikita namin ni Hugh ay dahil tutulungan nga daw niya akong maka-move on, as a friend.

"You know, love really sucks." Napaangat ang aking tingin nang marinig ang muling pagsasalita ni Hugh. Tumitig ako rito habang nakatingin lang naman ito pabalik sa akin.

"I think I'm starting to like someone. A woman, who I know wouldn't like me back. A woman who still haven't moved on from her past," dagdag nito.

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkalaglag ng aking panga sa gulat. "Talaga?! Bakit? Ang tanga mo naman, Hugh!" I exclaimed.

Napailing na lamang ito sa akin kasabay ng mahina niyang pagtawa. His laugh echoed in my ears. "Coming from you, Jade? Someone who tolerated her boyfriend's bullshit for three years?" pang-aasar nito.

"Hoy! Hindi naman tatlong taon nang ganyan si Jake! Mga dalawa pa lang... Mabait naman siya sa akin noong first year together namin..." sabi ko, unti-unting humihina ang boses sa mga huli kong sinabi.

Jake was really not abusive to me before. I just... don't know what happened.

Binalewala ko na lamang ang mga sinabi ko at saka muling inabot ang natitirang beer sa aking baso kanina. I drank it in one go and looked back at Hugh.

"Bakit ka ba kasi nagmahal ng taong hindi pa pala nakaka-move on sa kaniyang nakaraan? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ka nagmahal ng taong hindi ka naman pala kayang mahalin pabalik?"

⛓️

—zχαnтℓуχ

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now