Chapter 37

2.6K 60 2
                                    


Chapter 37

365 Days

"GOOD morning sa'yo, Hugh!" malawak ang ngiti kong bati sa kanya.

Bumungad sa akin ang inaantok nitong mga mata na para bang ilang segundo na lamang ay babagsak na siya sa kama. Mukha itong nakadapa sa kanyang kama habang nakapatong ang baba sa kanyang palad.

Iginala ko ang aking paningin sa kanyang likuran. Pansin kong mukhang nakauwi na siya sa bahay nila dahil sa background niya. Kulay puti ang dingding at halatang bagong sikat pa lamang ang araw sa kanila dahil sa sobrang liwanag niyang paligid.

"Nakauwi ka na?" tanong ko sa kanya.

Marahan itong tumango kasabay ng pagsilay ng pagod at maliit na ngiti sa kanyang labi. "Yeah. I landed about thirty minutes ago. Just got home and immediately called you," he whispered in his husky voice.

Patago kong kinagat ang aking pang-ibabang labi, pinipilit na pigilan ang aking sarili na hindi mapangiti sa narinig kong boses. Ang sexy niya kasing pakinggan! He sounded so sexy it made my heart beat faster than usual.

Pinatong ko ang aking cellphone sa lamesa at nangalumbaba rin sa harapan noon. Naglabas ako ng mahinang buntong-hininga habang nakatitig sa kanyang pagod na mukha.

Nahalata ko rin na iyon pa rin ang suot niyang damit, tulad ng suot niya noong umalis siya. Hindi pa nga siya naliligo o nag-aayos at tinawagan niya agad ako. Patago akong napangiti nang maisip iyon.

"Pagod ka?" malambing kong tanong at kiniling ang aking ulo sa gilid. Muli itong tumango bilang sagot. "Sabagay. Halos ilang oras din ang byahe mo. Pahinga ka na," utos ko sa kanya at umayos ng upo.

Nanatili akong nakatitig sa kanya, ang aking mga mata ay gumagala sa bawat sulok ng kanyang mukha. Mabilis itong umiling at binago ang kanyang ayos. Humiga na ito nang ayos sa kama at sinandal ang kanyang ulo sa headboard.

"No. I still want to see and hear you..." mahina ang boses niyang sagot.

Tumawa ako nang mahina dahil sa narinig. "Gago, kung nakikita mo lang ang sarili mo. Mukha ka na kayang zombie sa sobrang pagod ng mga mata mo!" natatawa kong sagot sa kanya.

Bahagya namang nagsalubong ang dalawa nitong kilay sa sinabi ko. "Do I look that tired that you just compared me to a zombie?" nagtatampo niyang tanong.

"Oo. Pinakapoging zombie," pagbawi ko. I earned a soft chuckle from him.

"Did you already open the bag I gave you?" pag-iiba niya ng topic. Tumango ako bago excited na tumayo mula sa upuan.

"Wait! Kunin ko lang!" tuwang-tuwa kong sabi at umalis sa harapan ng aking cellphone.

Mabilis lamang akong naglakad papunta sa aking kwarto at hinanap ang paper bag na inabot niya sa akin bago siya umalis. Nahalungkat ko na iyon kaya wala nang mga papel na nakapalibot sa laman nito.

Nang makuha ko iyon ay tumakbo ako pabalik sa aking cellphone at nadatnan ko itong tahimik lamang na naghihintay sa akin, nakatitig pa rin sa kanyang telepono.

Inangat ko ang aking kamay at pinakita sa kanya ang pamilyar na paper bag. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi nang makita iyon.

"Tada! Nabuksan ko na siya kanina, bago ako pumasok ng trabaho," pagpapaliwanag ko at nilabas ang isang may kalakihang jar na puno ng iba't-ibang kulay ng papel. "May instructions ka ba para dito? Ano ba dapat gagawin ko?" nagtataka kong tanong.

Nakatingin pa rin ako sa lagayan habang iniikot iyon. Hindi ko naman kasi iyon binuksan nang tuluyan at baka mali pa ang magawa ko.

Tumawa ito nang mahina habang taimtim pa ring nakatitig sa akin. Kahit sa screen ko lamang siya nakikita ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang mga titig na para bang kasama ko lamang siya sa aking tabi.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now