Chapter 22

2.4K 37 1
                                    


Chapter 22

Drunk In Love

KINABUKASAN, imbis na dumiretso ng aking condo ay sumabay ako kay Hugh papunta sa kanyang bahay. Kahit gabi na at kakagaling ko lamang sa trabaho ay mas gusto ko pa ring pumunta sa bahay nito.

Nabalitaan ko rin kasing nandoon si Archie! Iniwan daw ni Hana 'yong aso noong tanghali. Halos isang linggo ko na ring hindi nakukulit 'yong aso kaya gusto ko ring makita.

Nakatambay lamang ako sa sala ni Hugh kung saan tahimik kong pinapanood ang kumakain na aso.

Narinig ko ang mga yabag na nanggaling sa loob at nang lumingon ako roon ay bumungad sa akin ang lalaking may hawak-hawak ng tsinelas na pambahay.

"Here. Take your heels off and wear this," sabi nito at nilapag sa aking harapan ang tsinelas.

Hindi ko kasi hinubad ang aking heels dahil sabi niya sa akin kanina ay huwag ko na raw iwan ang aking sapatos sa may pintuan at baka ngatngatin lamang ni Archie. Sinalubong kasi kami nung aso kanina pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.

Ngayong kumakain na ito at wala na sa akin ang atensyon, pwede ko nang tahimik na hubarin ang aking heels.

Agad bumalot ang ginhawa sa aking paa nang mahubad iyon. Naramdaman ko si Hugh na umupo sa aking tabi habang nanatili pa rin ang tingin sa akin.

Tumitig ako pabalik dito at itinaas ang aking binti sa sofa. "Galing ka lang bar 'no?" tanong ko dito.

Sinundo niya kasi ako pagkatapos na pagkatapos ng aking trabaho.

Nakasuot pa rin siya ng itim na dress shirt, ang mahaba nitong manggas ay nakatiklop hanggang siko, at nakapares dito ay itim na pambaba. Nakaayos din ang kanyang buhok. Masyado pang formal ang kanyang ayos kung nanatili lang siya sa kanyang bahay buong araw.

Tumango ito at saka nilahad ang kanyang palad sa aking harapan. Napatingin ako doon at agad din namang nilagay ang aking kamay doon.

Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Ang isa kong kamay ay napahawak sa kanyang braso para hindi tuluyang bumagsak sa kanya.

"Mhm... I always come home from work, Jade," bulong nito.

Dahil nga hinila niya ako palapit sa kanya ay mas malapit na ang aming mukha ngayon. May mallit na ngiti sa aking mukha habang unti-unting bumababa ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi.

Pumikit ako at dahan-dahang lumapit pa sa kanyang mukha. Marahan kong idinampi ang aking labi sa kanya. Naramdaman ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi sa aking ginawa.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakatitig pa rin ito sa akin. Agad nagtagpo ang aming mga mata dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

Nakapatong na ako sa couch, halos nakaluhod na sa kanyang harapan para lamang maharap ito nang ayos. Habang ang kanyang kanang paa ay nakatapak pa rin sa sahig at ang kaliwa naman ay nakaangat nang kaunti sa sofa.

"Amoy alak ka eh," bulong ko rito at muling pumikit para halikan ito sa kanyang labi. Inangat ko ang aking kamay ay nilagay iyon sa kanyang pisngi.

Agad naman itong tumugon sa aking mga halik. Banayad at hindi gaanong kaagresibo. Nalasahan ko pa ang kaunting alak sa kanyang bibig. Uminom siguro 'to. Humiwalay ako nang sandali sa kanya at isinandal ang aking noo sa kanya.

"You taste like alcohol too," singit ko sa pagitan ng kanyang mga halik.

Naramdaman kong pumalibot ang kanyang braso sa aking maliit na baywang at hinila ako palapit sa kanya. Natawa na lamang ako nang mahina nang ilihis niya nang kaunti ang aking palda para mapaupo nang ayos sa kanyang hita.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें