Chapter 32

2.6K 43 1
                                    


Chapter 32

Wait For Me

MALIIT ang ngiti akong nakatitig sa screen ng aking telepono habang hinihintay ang reply ng aking mga kaibigan. Tinanong ko noong isang araw si Hugh kung ayos lang bang sumabay ako sa kanya sa kanyang mga exercises.

Mabilis lang naman itong umoo at sinabi pang pwede daw akong pumunta sa kanyang bahay para sa gym. Kakaayos lang kasi ng gym ni Hugh sa bahay niya. Kung dati ay nagpupunta pa siya sa bahay ni Hana para doon, ngayon ay may sarili na siyang kuwarto sa kanyang bahay para doon.

Inaya ko rin sina Maia at Nica kung gusto ba nilang sumama. Hindi na ako nagulat pa nang humindi sa akin ang dalawa.

Weekends na naman kaya alam kong sa bar ang diretso ni Maia. Para ngang doon na siya halos tumira! Tapos halos linggo-linggo ay iba ang dinadala niya sa hotel.

According to her, ayaw daw niyang dinadala ang mga nasusungkit niya sa condo niya. Mas lalo lang daw niyang naaalala ang kailangan niyang pag-move onan. Apat na buwan na rin ang nakakalipas simula ng lahat ng gulo.

Hindi na kami nagulat pa nang tuluyan na talaga silang maghiwalay ni Andre. Kahit pilit kong gustong sabihin kay Maia ay lagi niya akong pinuputol. She said that it was for the better. Noong una pa lamang naman din ay gusto na talaga niyang makipaghiwalay. She said that they had hundreds of other reasons to do so.

Hindi ko na lamang inalam ang iba pa niyang rason. Sa kanilang dalawang mag-asawa na lamang iyon.

Buong akala ko ay magpapaliwanag agad si Kurt, pero mukhang may iba pa itong balak. Hindi ko alam. Wala na 'kong alam kung anong gagawin sa nangyari noon.

Si Nica naman ay alam kong mas pipiliin niyang manatili sa loob ng kaniyang apartment. Baka kasama na naman niya si Jaydee o baka nagbabasa na naman ng libro.

Okay lang naman na humindi sila. Halos araw-araw na din naman kasi kami magkakasama dahil sa trabaho. Nagsasawa din kami sa mukha ng isa't-isa 'no!

Naghanda ako ng aking pang-exercise. Nagsuot ako ng black leggings at sports bra. Pinatungan ko iyon ng jacket dahil sobrang aga pa at malamig-lamig pa sa labas. Inipit ko ang aking mahabang buhok at lumabas na rin ng condo.

Pagkababa ko pa lamang sa lobby ay agad ko nang nakita ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng condo building.

Nakasuot lamang siya ng puting t-shirt at itim na shorts. Nakaitim pa itong cap na tinatabunan ang kanyang mukha. Nakasandal ang likod niya sa kotse habang nakatitig sa kanyang cellphone.

Agad sumilay ang ngiti sa aking labi at mabilis na lumapit dito. "Hugh!" tawag ko sa kanyang atensyon.

Agad siyang napatingin sa aking gawi at nginitian pa ako. Sinilid niya ang kanyang cellphone sa kanyang shorts at umayos ng tayo.

"Good morning!" makulit kong bati sa kanya nang makalapit ako. "Ang aga mo, ah? Akala ko ba five-thirty? Five palang eh."

"You told me that you couldn't go back to sleep anymore," sagot nito.

"Oo nga. Nightmares," saad ko.

Alam naman niya. Alam naman nina Maia, Nica, at Hugh.

"Let's go?" mahina niyang tanong.

Muli ko siyang nginitian at makulit na tumango. Tatalikuran ko na sana ito para maglakad papunta sa kabilang direksyon dahil doon ang papunta sa park nang bigla kong maramdaman ang kanyang kamay sa aking palapulsuhan.

Marahan niya akong pinigilan dahilan para mapatigil ako. Tumingin ako pabalik sa kanya at pinagtaasan ito ng kilay.

"Bakit? 'Di ba mag-jojogging tayo sa park? Dito naman 'yong daan sa park, ah?" naguguluhan kong tanong.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now