Chapter 18

2.5K 52 0
                                    


Chapter 18

His Lips On My Mind

NANATILI akong nakatitig kay Hugh habang bahagyang nakaawang ang aking mga labi. Ilang beses pa akong pumikit-pikit, hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas mula sa kanyang labi.

Tumawa ako at saka umiwas ng tingin. Inangat ko ang aking kamay at pabiro siyang hinampas sa braso. "Gago, 'wag kang mag-jojoke ng ganyan," sagot ko. I awkwardly laughed and looked back at him.

Nanatiling seryoso ang mukha nito dahilan para mapatigil ako sa pagtawa.

Huh?! Seryoso siya doon? Tangina, anong pumapasok sa isip nito at kung ano-ano na ata ang naiisip at sinasabi? Okay pa ba siya? Hindi ko naman siya ginayuma para gawin niya 'to, ah?

Imbis na pansinin pa ang sinabi niya ay binalewala ko na lamang iyon. Hindi ko ba alam kung nasasabi lang niya ang mga 'yon dahil masyado siyang nadadala ng kanyang nararamdaman. Ayaw kong pagsisihan niya ang iba pa niyang sasabihin kaya pilit kong iniba ang aming pinag-usapan.

Klinaro ko na naman sa kaniya na wala akong maibibigay sa kanya.

Imbis na ipagpatuloy ang ginagawang trabaho ay pinauwi ko na lamang siya. Halos abutin na siya ng ala-una dito! Weird naman kung papatulugin ko siya sa condo ko.

Natulog na rin ako pagkatapos masiguradong nakauwi nang ayos si Hugh. Ilang oras lang din ang naging tulog ko at gumising na rin ulit para pumasok ulit ng trabaho.

Humarap ako sa malaking salamin na nasa aking bathroom counter at inilalapit pa nang todo doon ang aking mukha. Pilit ko kasing inaayos ang aking itsura dahil mukha pa akong bangag sa sobrang kulang ng tulog.

Nang maayos nang kaunti ang aking sarili ay dumiretso na rin naman ako sa trabaho. Binati ko pa ang iba kong kasamahan at dumiretso rin sa aking cubicle.

Nandoon na si Nica, seryosong nakatingin sa monitor ng computer. Kinakagat-kagat pa nito ang loob ng kaniyang bibig dahil masyado siyang naka-focus sa ginagawa. 

Nang maramdaman ang aking presensya sa gilid ay agad naman niya akong nilingon at tinigil nang panandalian ang ginagawa. 

"You were with Hugh last night?" her gentle and angelic voice asked.

Tumango ako at saka umupo sa upuan. Humawak ako sa gilid ng kanyang cubicle at hinila ang aking sarili palapit sa kanya. Gumulong naman ang aking upuan.

"Yup!" makulit kong sagot.

Pinaningkitan ako nito ng kanyang mata at binigyan ng makahulugang titig. Pinagtaasan ko ito ng kilay, nagtataka sa kanyang tingin.

Umiling lamang ito at saka naglabas ng mahinang buntong-hininga. "Looks like you two are enjoying each other's company, huh?" tanong nito.

Agad akong napatigil at saka dahan-dahang inilayo ang aking sarili mula sa kanya. Umiwas ako ng tingin dito at bumaling sa aking computer.

"B-Bakit? Galit ka ba?" dahan-dahan kong sagot. 

Sa dinami-dami ng kinatatakutan ko, isa na doon ang galit na Nica. Sa halos labing-limang taon na naming magkasama, ilang beses ko na siyang nadatnang galit. Tangina, mas malamig pa sa pinakamalamig na lugar kung magalit 'yan! Hindi ka papansinin!

Kumunot ang noo nito at saka umiling. "No. Just be careful, the two of you," maiksi niyang sagot.

Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit parang nandoon siya kagabi at narinig lahat ng pinagsasabi ni Hugh? Gago, pyschic na rin ba 'tong anghel kong kaibigan?!

Binalewala ko na lamang iyon at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. Lumipas ang oras hangga't sa mag-lunch break na kami. Katulad ng lagi naming ginagawa, sabay-sabay kaming kumain na tatlo. 

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon