Chapter 11

3K 69 7
                                    


Chapter 11

Mahal Pa Ba?

"ARE you really still in love with Jake? Or are you just in love over the thought of the past him?" sabi niya. "You're stuck with the past him, Jade. The man that you once fell for in the past is not the same man that hurts and abuses you today."

Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Hugh. His words. It struck me hard. 

Mahal ko pa rin ba siya o natatakot lang akong mawala ang kung anong mayroon kami? Am I just scared to waste what we have, all of the memories, all of the time we spent together.

Mahal ko pa rin ba siya dahil sa kung anong ugali niya ngayon at hindi kung ano siya dati?

"I'm sorry if I offended you, but you just kept on talking about your past with him. You were smiling a lot... when you were narrating your first year with him," he said. "But that smile slowly faded as you continued."

Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha mula sa aking mata. Mabilisan ko iyong pinunasan at muling uminom sa beer na hawak. 

Sinubukan kong lunukin ang bara sa aking lalamunan na tila ayaw matanggal kahit ano pang gawin ko.

"Are you okay, Jade?" maingat na tanong ni Hugh.

Rinig ko ang paggalaw nito sa aking tabi, hinarap ako nang maayos. Tumango ako sa kaniya at tumawa nang mahina.

I can't believe that I haven't realized those things in the past years I am with Jake. I can't believe that I've been blinded and kept on fooling my own self.

"Tangi. You just made me realize a lot of things," natatawa kong sagot dito.

Nang iangat ko ang aking tingin ay una kong napansin ang madilim-dilim nang paligid. Ganoon ako katagal nagkwento sa kaniya ng kung paano ang naging relasyon namin ni Jake?

Lumingon ako sa unahan at nakitang ibang palabas na ang nasa TV. Sunod akong tumingin sa aking gilid at bumungad sa akin ang lalaking halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Hala, gago, ba't parang sobra ka naman atang guilty sa mga sinabi mo? Gagi, okay lang ako. Maganda nga yung ganyan eh, sinasampal niyo ako ng katotohanan," sabi ko sabay tawa. "Tingnan nalang natin kung matatauhan na ba ako this time."

"I'm sorry. We're not that close yet I already commented a lot on your relationship with him," ulit nito.

Kumunot ang aking noo nang marinig itong nag-sosorry na naman. Inangat ko ang aking kanang kamay at pabiro siyang hinampas sa kamay. 

"Close na tayo, 'no! 'Di kita papapasukin sa condo ko kung hindi tayo close," sagot ko rito. "Promise, okay nga lang yung ganyan. Pakisampal pa ako ng maraming katotohanan, ha?" 

Mahabang katahimikan ang pumalibot sa amin pagkatapos kong sabihin iyon. He was just looking at me as if he's weighing the situation.

I let out a sigh and placed my head on top of the small coffee table in front of us. 

"Gustong-gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko nang mag-move on, hindi ko lang alam kung paano at kung kaya ko ba..." mahina kong saad.

Masyado akong nasanay na kapag maghihiwalay kami ay ilang araw lang ay magbabalikan ulit. I've been used to getting back with him after a few days of breaking up. Sanay akong bumabalik siya sa akin at tinatanggap ko pa rin naman siya. 

Kampante akong may babalik at babalik sa akin. Pero ngayon, hindi ko nalang alam. He cheated on me. He got a lot more violent. Hindi ko nalang talaga alam kung ano pa ang gagawin ko.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now