Chapter 9

3.2K 64 2
                                    

Chapter 9

Park

ILANG araw na ang lumipas simula ng huling maghiwalay kami ni Jake. Sa tingin ko ay mag-iisang linggo na rin? Hindi ko sigurado.

Everything went by in just a blur. Sobrang busy ko sa trabaho, lalo na't may tinatapos kaming project ngayon.

Mas mabuti na 'yon, hindi ko na siya masyadong naiisip. Umiiyak pa rin naman ako sa gabi, kapag wala na akong kasama at mag-isa ako. Kapag nararamdaman ko na ang kalungkutan dahil sa tahimik kong paligid.

Hindi na naman siguro 'yon maiiwasan pa. Kakagaling ko lang sa break 'no. Syempre, mas nakakapangtaka kung hindi ako nalulungkot.

I guess, hindi na lang din ako masyadong mahihirapan na kalimutan siya dahil sa inaakto niya sa mga nakaraang araw na kami pa, parang mas gusto ko nalang din kumawala.

Nakakasakal at hindi ako makagalaw sa relasyon namin. Mas mabuti na 'tong ganito. Mas pipiliin ko nalang ang sarili ko sa ngayon kaysa sa kaniya.

Bagong-bago akong uwi sa aking condo, galing pa sa trabaho nang biglaan kong maramdaman ang pag-vibrate ng aking telepono sa loob ng aking bag.

Mabilisan ko munang binuksan ang aking condo at pumasok sa loob bago tinignan kung sino ang tumatawag.

Bumagsak ang aking balikat kasabay ng pagtakas ng malalim na buntong-hininga mula sa aking bibig nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Papa calling...

Nanatili akong nakatitig sa aking telepono, nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba.

Ano na naman kayang kailangan nito sa akin? Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam, tapos ngayon biglaang tatawag. Paniguradong kailangan lang nito ng pera.

Muli akong naglabas ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pagsagot ko sa tawag. Inangat ko ang telepono sa aking tainga at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng aking condo.

Sa una ay wala akong naririnig na nagsasalita. Puro lamang iyon mahihinang bulungan.

"Hello?" bungad ko.

"Ayon, merown na! Jace? Jade? Baka Jane? Jane, ikaw ba 'to? Yung anak ni Arthur?" malalim at magaspang na boses ng isang lalaki ang bumungad sa akin.

Kung ano-ano pang pangalan ang kaniyang nabanggit at sa huli ay hindi pa rin ito tumama. Sobrang labo rin ng pagkakasabi niya na para bang nakatungga na ng ilang bote ng alak.

Hindi na ako nagtaka pa at naupo na lamang sa couch ko na nasa sala. Kaibigan siguro 'to ni Papa.

"Opo, ako po 'yon. Ano pong kailangan sa akin ni Papa?" magalang kong tanong dito.

Kahit may galit ako kay Papa ay mas pinipili ko pa ring maging magalang sa kaniyang mga kaibigan, lasing man 'yan o hindi. Labas na sila sa away naming dalawa.

"A-Ah, ikaw nga!" biglaan nitong sigaw at kasunod noon ay ang mahina niyang tawa. "Arthur, yung anak mo natawagan ko!" rinig kong sigaw niya sa kaniyang mga kasama.

"Bobo ka ba?! Syempre matatawagan mo 'yan, eh ginamit mo cellphone ni Arthur eh!" sagot ng isa pa, na sigurado rin akong hindi boses ni Papa.

"Hello, ano pong kailangan ni Papa sa akin? Kung tumawag lang di po kasi kayo para lamang manggulo, ibababa ko na lang po ito. Marami pa po akong trabaho at walang oras para sa gan—"

"Hindi, hindi! 'W-wag mong ibababa. Pakisundo naman si Arthur. Putangina, bagsak na!" sagot niya sabay halakhak.

Napairap na lamang ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Nag-usap na kami ni Papa dati na hindi ko na siya susunduin sa mga kainuman niya! Hindi niya ako alagad na agad-agarang makakapunta sa kaniya tuwing bagsak na siya sa sobrang kalasingan!

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now