Chapter 14

2.5K 52 3
                                    


Chapter 14

Love Sucks

PINANOOD ko ang mga tao habang abala sila sa pagpapaalam sa kanilang kaibigan. Nakaupo pa rin ako sa bar stool habang pinapanood si Hugh na kausapin ang kaniyang mga bisita.

Ramdam ko na ang sakit ng aking ulo na may kasama pang pag-ikot ng aking paningin. Antok na antok na rin ako, gustong-gusto nang umuwi, pero ayaw pa akong payagan nina Hugh, Maia, at Nica na umuwi nang mag-isa.

Inilipat ko ang aking tingin sa katabi kong babae. Nakasalampak na ang mukha ni Nica sa counter top ng bar at hindi na kinaya ang antok.

Si Maia naman ay nasa kabilang bar stool, busy sa kaniyang cellphone. Umalis na rin kasi si Andre kaya wala na siyang makakalandian. Hindi ko alam sa kanila.

Unti-unti nang napipikit ang aking mga mata dahilan para kurutin ko ang aking sarili sa braso. Luminga-linga ako sa aking paligid at napansin ang ibang taong nag-aalisan at ang iba naman ay nagsisipasukan pa lamang.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa aking harapan, kung saan mayroong bartender sa isang gilid. Inangat ko ang aking kamay at agad naman itong lumapit sa akin.

"One shot of vodka, please," mahina kong sabi.

Tumango naman ito ngunit agad din napatigil nang tumingin sa aking likuran. Kumunot ang aking noo at saka inilipat ang aking tingin sa likod. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita si Hugh at Maia.

"Don't give her more alcohol, please. Give her water instead," utos ni Maia sa bartender habang taimtim na nakatingin sa akin. Mukhang papatayin niya na ako sa matatalim niyang titig eh!

Tinignan ko ang bartender, hinihintay kung susunod ba siya kay Maia. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Maia at sa huli ay tumigil iyon kay Hugh.

Itinaas ko ang aking kamay at saka iyon iwinagayway sa harapan ng bartender. Nginitian ko ito, sinusubukang kunin ang kaniyang atensyon.

"Mojito nalang, kuya," bawi ko. Mas hindi na 'yon nakakalasing! Baka naman hindi pa nila ako payagan!

Tumingin sa akin nang sandali ang bartender at saka muling inilipat ang tingin sa aking likuran. Napairap na lamang ako nang makita itong dahan-dahang umiling sa akin.

Nang tumingin ako sa aking likuran ay binigyan ko ng masamang tingin ang may pakana kung bakit ayaw akong bigyan ng inumin. "Inaantok na 'ko, Hugh! Kailangan ko ng pangpagising!" nagtatampo kong angal sa kaniya.

Napailing-iling na lamang sa akin si Maia habang si Hugh ay natawa na lamang nang mahina. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at inilagay ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang pambaba.

Nakakunot pa rin ang aking noo habang nakatingin sa mga mata nitong mapaglaro. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin at saka umiling.

"Stop pouting and just drink juice, Jade," he whispered.

"Kailangan ko ng pangpagising, Hugh," madiin kong ulit dito.

Muli itong umiling at tumawa nang mahina. Inilayo niya ang kaniyang mukha mula sa akin. Inangat niya ang kaniyang kamay at iniligay sa taas ng aking ulo. Naramdaman ko iyong marahan niyang hinahaplos.

"Alcohol would just make you sleep faster, Jade. If you don't want juice, then get her a bottle of water, please," magalang nitong utos sa bartender.

Agad nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang inutos nito. Humarap ako sa bartender at agad itong nadatnan na kukuha na ng tubig.

"'Wag! Mag-jujuice na lang ako. 'Wag tubig. Ayaw ko ng tubig," pagpigil ko sa bartender. Agad naman itong tumango at kumuha na ng juice.

Nang makaalis ito ay muli kong binigyan ng masamang tingin ang dalawa kong kaibigan.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now