Chapter 38

2.9K 51 2
                                    


Chapter 38

365th Day

"BAKA hindi ko masagot mga tawag mo ngayon, ha? Magbe-beach kami nina Maia!" malawak ang ngiti kong paalam sa kanya.

Marahan itong tumango sa akin habang may maliit na ngiting nakapaskil sa kanyang labi. "Take care, okay? Don't forget your sunscreen," paalala niya sa akin.

Natawa naman ako sa paalala nito. Bumalik ako sa aking cabinet at kinuha pa ang ilan kong damit na napiling dadalhin.

Siya na ata talaga ang sunscreen reminder ko.

Masunurin akong tumango habang tumatawa pa rin nang mahina. "Nauubusan na 'ko ng sunscreen sa kakapaalala mo. Sponsored ba 'yan?" pagbibiro ko.

"Would you like me to? I can buy you some," sagot niya dahilan para bahagyang umawang ang aking labi.

"Gago, joke lang. I'm an independent woman! 'Di ko kailangan ng lalaki para bilhan ako ng sunscreen," I joked that just made him laugh.

Sunod-sunod kong sinilid sa aking travel bag ang ibang damit. Huli kong kinuha ang tatlong iba't-ibang kulay ng pares ng two piece bikini.

Tahimik lamang si Hugh sa kabilang linya. Nilingon ko ito habang inaayos ang tiklop ng mga bikini tops.

Nadatnan ko siyang tahimik na nakatitig lamang sa akin. Halata na ang pagod at pagkaantok sa kanyang mga mata. Gabi na kasi sa kanila. Habang ako, ngayong umaga pa lamang nag-aayos ng aking mga gamit.

Ilang beses pa akong nagnakaw ng tingin sa kanyang gawi, hinihintay na sitahin niya ako. Kumunot ang aking noo nang matapos na ako sa pag-aayos ng aking mga bikini ay hindi pa rin ito nagsasalita.

"Hoy, okay ka lang ba?" tanong ko rito.

Bahagyang umangat ang dalawa niyang kilay sa bigla kong tanong. Tumango siya bilang sagot. "Why wouldn't I be?" nagtataka niyang tanong.

Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at mas lumapit pa sa aking telepono na nasa lamesa. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" painosente kong tanong.

Bahagyang kumunot ang noo nito, lalo lamang naguluhan.

"Wala talaga?" tanong ko pa. Muli itong umiling. "Grabe, hindi mo 'ko pagbabawalan na mag-bikini? Wala ka bang mga linyahan ng 'Jade, huwag kang mag-bibikini. Ayaw kong may makakita sa'yong ganoon ang suot,'" sabi ko sa isang maliit at mapang-asar na boses.

Nawala ang pagkakunot sa kanyang noo nang marinig ang aking sinabi. "Do you want me to say those?" tanong niya na ikinatigil ko.

"H-Hindi naman. Weird lang. Alam mo na..." I trailed off, pertaining to my past relationships.

"Then I won't. You're fine wearing anything you want, as long as you're confident and comfortable in it," marahan niyang sagot sabay ngiti sa akin.

Tuluyan na akong napatitig sa kanya dahil sa sinagot niya. Ramdam ko kung paano bumilis ang kabog ng aking puso sa narinig.

Ngayon lang ako nakarinig noon sa taong dini-date ko. Lahat sila, nakikita palang na nagbabaon ako ng two piece ay halos sumabog na sa galit. Minsan, sa sobra-sobra nilang paggaganoon sa akin ay nakakasakal na rin.

Pero si Hugh...

Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi nang marinig iyon. I can feel warmth enveloping my heart because of him.

"Thank you," I genuinely whispered.

Ilang minuto pa akong nakipag-usap sa kanya. Nang mapansin ko ang oras ay agad akong nagpaalam dito at nag-ayos na rin ng sarili.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now