Chapter 26

2.2K 35 5
                                    


tw: physical abuse

Chapter 26

By Partners

ILANG araw ang lumipas simula ng lahat ng nangyari. Sa mga nakalipas na araw na nagkabalikan kami ni Jake ay hindi na niya ako pinagbuhatan pa ng kamay.

Lagi niya akong binibigyan ng kung ano-anong regalo. Minsan pa nga ay pagdating ko'y madadatnan ko na lamang siyang nagluluto.

It was like he was back to the old him. Like nothing happened.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang malaman namin na buntis si Maia. Dahil doon, hindi na kami masyadong nagpupunta ng mga bar. Dahil nga may bata na siyang dinadala ay sinamahan namin siya ni Nica sa pag-iwas sa alak.

Mas mabuti na rin siguro 'yon. Sigurado kasi akong sa bar ni Hugh ang punta namin kung sakaling mag-aya sila. Iyon na kasi ang bago nilang paborito bar.

Nagulat na lamang kami ni Nica nang ilang linggo lamang pagkatapos ipagpaalam ni Maia kay Andre ang tungkol sa bata ay bigla na lamang naming nabalitaan na ikakasal na sila.

Tangina, kakaiba talaga ang mga mabibigatin na tao! Dalawang linggo lang ang binigay na oras sa kanila ng magulang ni Andre para ayusin ang kasal.

Kahit akong a-attend lang ng kasal ay hindi kayang maghanap ng susuotin sa loob ng dalawang linggo na iyon eh!

Mabuti na lamang at sa ilang linggong nagkabalikan kami ni Jake ay hindi na niya ako muling pinagbuhatan pa ng kamay. Para naman wala akong pasa at sugat sa kasal ng kaibigan ko 'no!

Gaganapin ang kasal nina Maia at Andre sa isang beach. Tanging sina Nica at Maia lamang ang kasama ko, hindi na sinama pa si Jake.

Ayaw ko na rin siyang isama dahil una, ayaw naman talaga sa kanya ni Maia. Pangalawa, paniguradong nandoon si Hugh. Isa siya sa pinakamalapit na kaibigan ni Andre at ayaw kong sirain ang kasal nila dahil lang sa boyfriend ko.

Nag-iimpake ako ng aking mga damit para sa ilang araw naming pananatili doon. Isang malaking travelling bag lang ang balak kong dalhin.

Naramdaman ko na lamang ang presensya ni Jake sa aking likuran habang sinisilid ko sa loob ang aking mga damit. Lumapit ito sa akin at niyakap ang kanyang braso sa aking baywang. Hinalikan niya ako sa gilid ng aking buhok at hindi na bumitaw pa sa pagkakayakap.

"Mag-iingat ka doon," malambing niyang bulong sa akin.

Tumango ako at sinimulan nang isarado ang aking mga gamit. "Hindi naman ako lalangoy nang sobra doon! Baka nga kumain lang ako nang kumain," sagot ko sa kanya.

Nang maisarado ko na nang tuluyan ang aking bag ay naramdaman ko na lamang siyang hinigit ako nang mas malapit sa kanyang katawan. Mabilis niya akong pinaikot para makaharap nang ayos sa kanya. Napahawak ako sa braso niya para hindi mabuwal.

"Don't do silly things, okay?" makahulugan nitong sabi.

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at saka tumango. Napapikit ako nang makita ang paglapit nito sa aking mukha at ang marahang pagdampi ng kanyang labi sa akin.

Nagkita-kita kami nina Nica sa condo ni Maia. Nandoon na rin si Tita Olivia, ang nanay ni Maia na kasama rin namin papunta sa lugar kung saan gaganapin ang kasal.

Dala-dala lamang namin ang kotse ni Maia. Palitan kami ni Nica ng pagmamaneho dahil matagal-tagal rin ang byahe.

Nang maihatid na namin si Maia sa kanyang hotel room ay nagpasya kami ni Nica na maglakad-lakad malapit sa may tubig.

Papalubog na ang araw at kitang-kita ang naghahalong kulay kahel at asul na langit. Marahang humahampas ang malamig na hangin sa aking mukha at nililipad ang aking mahabang buhok patalikod. Ang magaspang na buhangin ay pumapasok sa loob ng akung tsinelas at hinahagod ang aking paa.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now