Chapter 8

3.5K 79 3
                                    


Chapter 8

Archie

NAGISING na lamang ako nang maayos ang higa sa aking kama. Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid at wala nang iba pang nakitang tao sa loob ng aking kwarto.

Umupo ako nang ayos sa kama at agad napangiwi nang makaramdam ng mahapding feeling sa aking leeg. Agad akong napahawak doon at napailing na lamang nang maalala kung saan iyon nanggaling.

Nang bumaba ang aking tingin sa aking katawan ay unang-una kong napansin ang isang band-aid sa aking palapulsuhan. Kunot-noo kong tinuknap iyon at agad nakita ang maliit na sugat.

"Ah, nasugatan siguro ako nang hindi ko alam..." bulong ko sa sarili ko.

Bumangon din ako pagkatapos kong ibalik ang band-aid sa pagkakadikit. Nakakita pa ako ng isang sticky note sa taas ng aking cellphone at nakalagay doon ang mga bilin nina Nica at Maia. Sinabihan din nila akong kung kailangan ko ng kasama ay tumawag lang daw ako sa kanila.

Sobrang aga palang sa umaga ay nagising na ako. Tuloy-tuloy kasi ata ang aking tulog simula nang maihatid ako nina Maia sa aking condo, at halos mag-sisix na siguro noon ng gabi. Kaya ngayon ay nagising ako nang sobrang aga.

Nag-ayos lamang ako ng condo ko buong araw at inalagaan din ang aking sarili. Nang matapos akong makapaglinis ay agad din akong naubusan ng gagawin.

Usually, I spend my Sundays with Jake. Sometimes, we attend the church then go on a date. Kaso, wala na kami ngayon, so wala na rin akong magagawa pa?

Napagpasyahan kong umattend nalang muna ng morning mass at nang matapos ay agad din akong bumalik sa condo. I ate lunch and got bored... again.

Dahil sa sobrang kaburyuhan ay napagpasyahan kong i-chat nalang sa aming group chat sina Maia at Nica.

Kukulitin ko nalang muna sila. Wala akong magawa eh.

Jade: heyy do u want to go to a bar tonight??

Mabilis lang din naman akong nakatanggap ng reply mula kay Nica dahil mabilis lang din siyang nag-seen.

Nica: bar? are you sure about that? we have work tomorrow.

Jade: yeah. idc i wanna get wasted tonight

Maia: count me in.

I unconsciously squealed when I saw Maia's reply. Yes! Sabi na nga ba eh, ang dali-dali kausap nitong si Maia.

Jade: YESS!! thanks, maiaa

Nica: ugh, fine i'm also coming.

Natawa na lamang ako nang makita ang reply ni Nica. I can hear her angelic, yet sassy voice saying those words.

Ibinaba ko ang aking cellphone sa lamesa at naghanap ng mga gagawin. Mamayang gabi pa kami magkikita-kita, kaya kailangan ko pa ring i-entertain ang aking sarili para makatagal ako sa buong hapon.

Napunta ako sa panunuod ng movie sa Netflix, pero mabilis lamang akong nagsawa. I ended up going for a run to the nearest park in my neighborhood. Buti na lamang at hindi gaanong matindi ang sikat ng araw ngayon. It was quite windy.

Suot-suot ang aking kulay gray na jacket at ang kulay itim na leggings ay nag-jogging ako sa park na malapit sa aking condo building.

As much as possible, kailangan ko ng pangpaalis ng stress. Kailangan kong matanggal sa aking utak ang mga ginawa at ang sitwasyon namin ni Jake.

Masyado na siyang madaming naibigay na stress sa akin. Tama na.

Nakasalpak rin sa aking tainga ang aking wireless earphones habang may mahinang kanta na tumutugtog sa background.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum