Chapter 12

2.7K 55 5
                                    


Chapter 12

Chance

"LET me help you, Jade. Let me help you move on from your ex," he said with a serious tone.

My eyes widened a little upon hearing his words. Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng unti-unting pagbilis ng tibok ng aking puso. Nilukob na ng kaba ang aking buong sistema dahil sa biglaan niyang sinabi.

Natawa ako nang mahina kasabay ng mahina kong paghampas sa kaniyang braso.

"Gago, lasing ka ba? Sa pagkakaalam ko, ako yung lasing sa ating dalawa," natatawa kong sagot sa kaniya.

Anong sinasabi nito? Bakit biglaan namang ganoon ang sinasabi niya? Okay pa ba siya?

Hindi manlang ito ngumiti sa akin kahit kaunti. Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

Iniiwas ko ang aking mga mata mula sa kaniya at saka tumikhim. "Seryoso ka ba talaga? Pucha, lasing ka rin ata eh!" muli kong pagbibiro.

Narinig ko itong tumikhim at ngayon naman ay siya na ang umiwas ng tingin sa aking mata. He placed his hand inside the pockets of his pants and awkwardly shifted his weight. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"As a friend, Jade. I want to help you as a friend," sagot nito.

Napahawak ako sa aking dibdib at saka nakahinga nang maluwag. Naglabas ako ng kabadong buntong-hininga at saka tumawa nang mahina.

"Akala ko kung ano na. Pucha, kinabahan ako doon!" sigaw ko sa kaniya.

He softly laughed and lightly shook his head to the side. "I saw how you reacted earlier when you saw Jake in here. I want to genuinely help you, as a friend."

Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango. "Thank you, Hugh. Ibig sabihin mo ba ay maraming beses mo pa akong ipagluluto?" makulit kong tanong sa kaniya.

Tumango ito. "If good food can help you stop thinking about him, then who am I to refuse?"

Umuwi na rin siya pagkatapos naming magpaalam sa isa't-isa. I'm glad that someone is there to help me. Alam niyang nahihiya na ako kayna Nica at Maia. Masyado siyang mabait!

Sumunod na araw ay mayroon na akong pasok. Lunes na rin kaya maaga akong gumising para sa trabaho.

Suot-suot ang simpleng kulay puting blouse at itim na palda ay naglakad ako palabas ng aking sala. Nakaipit na sa mataas na ipit ang aking mahabang buhok at nagsuot na lamang ako ng itim kong sapatos.

Lumapit ako sa pintuan at nang buksan ko 'yon ay ang unang-unang bumungad sa akin ay isang lalaking nakatayo sa harapan ng aking pintuan.

Napatigil ako mula sa paglabas at agad napansin ang hawak-hawak niyang mga kulay pulang rosas. Ibinalik ko ang aking tingin sa kaniyang mukha at nadatnan ko itong nakangiti na sa akin.

"Good morning, Jade," bati niya sa akin.

"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong sabay turo sa mga bulaklak na hawak niya.

"Flowers for you," sagot niya.

Napatitig na lamang ako sa kaniyang kamay na hawak-hawak ang bouquet. Gumapang ang aking tingin sa kabuoan ng kanyang katawan, tinitingnan kung mukha ba siyang nakainom o ano. He looks fine. Mukhang hindi ito nakainom.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

Ano na naman ba ang trip niya at nagdala pa siya ng bulaklak para sa akin? Break na kami, 'di ba?

"Jade, please, I want to talk to you..." pagmamakaawa nito.

Napakamot na lamang ako sa aking sentido nang maalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Nakalimutan ko 'yon, ha? Nagpunta nga pala siya dito kagabi at nagmamakaawang makipagbalikan ako sa kaniya.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now