Chapter 30

2.6K 34 8
                                    

tw: violence, depiction of suicide

Chapter 30

All Of Her Pain

PAGOD na pagod akong pumasok sa loob ng aking condo. Unang bumungad sa akin ang madilim na paligid. Naglabas ako ng mahinang buntong-hininga. Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Jake?

Iniikot ko ang aking paningin sa kabuoan ng aking condo. Ganoon pa rin ang ayos nito. Sobrang tahimik at madilim. Tanging ang ilaw lamang sa labas ng condo ang nagbibigay liwanag sa loob.

Nakita ko pa rin ang mga gamit nitong nakapatong sa counter top ng kusina.

Nang ilagay ko ang aking sapatos sa gilid ng aking pintuan ay dumiretso na ako sa loob. Bigla na lamang akong napatigil nang bigla akong makaramdaman ng lalaking yumakap sa akin.

Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya na akong bitiwan pa.

Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib at hinayaan lamang ito sa kanyang ginagawa. Pagod na 'ko. Wala akong lakas para makipag-away pa sa kanya.

Naramdaman ko na lamang ang isa sa kanyang kamay na unti-unting umaangat at nilagay niya iyon sa likod ng aking ulo. Mas sinandal pa niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang mabibigat nitong paghinga.

Paulit-ulit niyang hinahagod ang aking likuran.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Bitiwan mo na muna ako, Jake. Pagod na 'ko," walang emosyon kong sabi sa kanya.

Mas lalo ko lamang naramdaman ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin. Paulit-ulit itong umiling. "Sorry... Sorry, Jade. Hindi ko sinasadya. Please, sorry..." bulong niya.

Rinig na rinig ko ang pagsisisi sa kanyang boses habang sinasabi niya ang mga 'yon. Pero hanggang kailan siya magsisisi? Isang linggo? Tatlong araw? O baka naman isang araw lang ang kailangan niya?

Hindi na siya natuto. Paulit-ulit nalang. Sabi nang sabi na hindi niya na uulitin, na hindi niya sinasadya. Tangina, nakakapagod.

"Pagpahingahin mo nalang muna ako, Jake. Pagod na 'ko," ulit ko. I tried my best for my voice to not break.

"No... Mag-usap muna tayo. I'm sorry. Hindi ko na uulitin," sagot pa nito.

I softly scoffed upon hearing it. Kung hindi ba ako nagalit, may balak pa siyang ulitin ito? Kung hindi ba siya sisitahin, gagawin at gagawin niya ulit? Kung hindi ba namin nalaman ang totoo, wala siyang balak ipaalam sa amin.

Hindi manlang ba siya lalamunin ng kanyang sariling konsensya? He's like... a monster. A numb one. Walang pakiramdam. Gusto niya, siya lang. Lagi nalang siya ang dapat makikinabang.

"Hindi mo dapat 'yan sinasabi sa akin, Jake. Kay na Maia, Andre, at Kurt mo 'yan sabihin. Hindi ako ang dapat mong hingian ng patawad," mariin kong sagot.

"P-Pero, gusto kong magkaayos tayo-"

"You already fucked up, Jake. The least you can do is to hold yourself accountable for what you did," inis kong sabi.

Inangat ko ang aking kamay at inilagay ito sa aming pagitan. Mahina ko siyang tinulak palayo pero hindi ito nagpating. Mas lalo lamang niya hinigpitan ang kanyang yakap.

"No, no, no... Jade, no!" frustration was evident in his voice. Bigla ko na lamang narinig ang kanyang paghikbi kasabay ng pag-vibrate ng kanyang katawan sa akin.

Bumagsak ang aking balikat sa narinig. Muli ko itong sinubukang itulak palayo, pero ngayon ay mas malakas na. Inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas at tinulak ito dahilan para tuluyan siyang mapabitaw.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now