Chapter 15

2.6K 49 1
                                    


Chapter 15

Judgment

ISANG buong buwan na simula nang makapagbukas si Hugh ng kaniyang bar. Mas napapadalas lamang ang aking punta doon dahil doon na kami madalas nagkikita ni Hugh. Patuloy pa rin naman ng padala si Jake ng kung ano-anong bagay.

Kapag weekdays ay ako ang nag-aadjust at pumupunta sa kaniya dito sa bar. Minsan ay sinasama ko si Maia at Nica pero kahit sila ay nagiging abala na rin sa kani-kanilang sariling gustong gawin.

Minsan nga ay kasama pa ni Maia si Andre. Totoo nga yung sinabi nila. Fuck buddies nga lang ang balak nila. Akala ko marupok silang dalawa at magiging sila pa sa huli.

Si Nica naman ay may sariling problemang inaasikaso. Katulad na lamang ng dati, madalas niyang problema ang panggastos ng kaniyang mga kapatid. Siya pa rin kasi ang nag-proprovide sa mga kapatid niya dahil umaasa lang rin sa kaniya ang nanay niya.

Kapag naman weekends ay si Hugh ang kusang pumupunta sa aking condo. Katulad na lamang ngayon, biglaan na lamang siyang sumulpot sa labas ng aking condo.

Bagong gising pa lamang ako dahil medyo napuyat din ako kagabi kaka-ayos ng report ko para sa trabaho kaya medyo na-late na rin ako ng gising ngayon. 

Nagising na lamang ako dahil sa malakas na pag-ring ng aking telepono. At katulad nga ng inaasahan ko, si Hugh ang tumatawag.

Antok na antok pa akong lumabas ng kwarto habang sinusuklay pa ang aking magulong buhok. Nang buksan ko ang pintuan ng aking condo ay bumungad sa akin ang lalaking ayos na ayos. 

Nginitian ko ito at saka sinenyasan na pumasok sa loob. May bitbit itong paper bag sa kaniyang kamay.

Pinanood ko itong maghubad ng kaniyang sapatos at pumasok sa loob ng aking condo. "Ano 'yan?" mahina kong tanong sabay turo sa paper bag na hawak niya.

Itinaas niya iyon at saka ngumiti sa akin. "I bought you breakfast," maiksi niyang sagot.

Humikab pa ako at saka umupo sa tapat ng kitchen counter. Hinihilamos ko ang aking palad sa aking mukha nang maramdaman ko ang presensya ni Hugh sa aking likuran.

Naramdaman ko na lamang ang kaniyang kamay sa taas ng aking ulo at saka ginulo iyon nang kaunti. "'Wag mong galawin, Hugh! Magulo na nga eh, mas guguluhin pa," saway ko rito.

Tumawa lamang ito nang mahina at saka inilapag sa aking harapan ang pagkain na binili. Sinilip ko ang loob noon at nakakita ng dalawang balot ng tapsilog at hotsilog. 

Agad namang napawi ang pagkakunot ng aking noo at napalitan iyon ng ngiti sa aking labi. "Thank you!" makulit kong sabi rito at kinuha na mula sa loob ang pagkain.

Binuksan ko ang dalawang balot ng pagkain at inilapag ang isa sa harapan ni Hugh. "Akin 'tong tapsilog, ha," paalam ko.

"Eat what you want, Jade. That's all for you," sagot niya.

Napataas ang aking kilay sa narinig. "Kumain ka na sa bahay mo?" tanong ko.

Tumango ito at umupo sa aking katabing kitchen stool. Tumuhog ako ng maliit na piraso ng tapa at inilapit sa kaniya.

Nang tumingin ako sa gawi nito ay nakatitig ito sa akin at kinagat ang nakatuhog na tapa. 

"Sarap?" tanong ko. Tumango ito bilang sagot. "Okay. Naninigurado lang ako na walang lason. Kapag meron, eh di parehas tayong patay," dagdag ko.

Narinig ko itong tumawa nang mahina sabay iling. Tumawa rin ako at nagpatuloy na sa pag-kain. Nakatingin lamang ito sa akin habang kumakain ako. Minsan ay binibigyan ko siya ng ulam para naman hindi siya ma-bored.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now