Chapter 34

2.6K 57 1
                                    


Chapter 34

In Love

NAGMAMADALI akong pumasok sa loob ng bar ni Hugh habang hinahanap-hanap ng aking mata ang iba ko pang mga kaibigan. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang makita sa isang couch si Nica at Jaydee.

Mayroon silang kaharap na dalawa pang lalaki na tanging ang likod lamang nila ang nakikita ko, ngunit ang isa'y alam ko na agad kung sino. Ang isang lalaki ay nakasandal ang likuran sa couch habang ang isa ay may hawak-hawak na baso ng alak, nakapatong ang siko sa tuhod.

Bago pa ako makalapit sa kanila ay mabilis kong napansin na tumayo si Andre at naglakad palayo. Kumunot ang aking noo, nagtataka kung bakit siya umalis. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanilang couch ay malakas akong bumati sa lahat.

"Hoy, sorry late ako!" sigaw ko sa gitna ng malakas na tugtog sa loob ng bar. Lahat ng kanilang atensyon ay napunta sa aking gawi.

Inuna ko munang binati si Nica. Nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ni Jaydee habang nakadantay naman ang braso nito sa balikat ni Nica. I leaned in nearer to her and kissed her on her cheek. "Amoy alak!" pang-aasar ko kay Nica. She just let out a soft giggle at what I said.

Nang tumalikod ako mula sa kanila ay unang bumungad sa akin ang nag-iisang lalaking nakaupo sa kabilang gilid ng couch. Ang kanyang mga mata ay nakatingin na sa akin. Mabilis na nagtagpo ang aming mga mata kasabay ng paglawak ng aking ngiti.

"Hugh!" bati ko sa kanya. 

Nakita ko kung paano ito tumawa nang mahina habang nakatitig pa rin sa akin. Kuminang pa ang mga mata nito nang panandalian itong tamaan ng ilaw. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso habang palapit ako dito.

Pinanood niya ang aking bawat galaw hangga't sa tuluyan na akong tumigil sa kanyang tapat. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at kusang umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko na kayang titigan siya nang matagal sa mata! It feels like my heart is about to explode just by the way he looks at me.

Nilipat ko ang aking tingin sa maliit na table na nasa likuran at kumuha ng isang shot ng alak. "Libre ba 'to?" tanong ko sa kanya, hindi pa rin tumitingin sa kanyang gawi.

Hindi ko na ata kayang tumingin pa sa maaamo niyang mata. Sobrang lakas na ng tibok ng aking puso, halos lumabas na ito mula sa aking dibdib.

Umupo ako sa tabi ni Hugh at nilapit sa aking labi ang baso. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang init ng alak na bumababa sa aking lalamunan.

Naagaw ang aking atensyon nang magsalita ang aking katabing lalaki.

"Jade, that's tequila. You're going to get drunk easily if you keep on drinking that," paalala niya sa akin na para bang hindi ko alam kung ano 'yong ininom ko.

"Ha? Okay lang! 'Di ko naman balak maglasing. O kung malasing ako, e 'di tatawag nalang ako ng uber, papahatid ako sa condo," sagot ko.

Nang sumulyap ako sa kanyang gawi ay matiim na itong nakatitig sa akin. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang ekspresyon nito sa mukha. Galit ba siya? May nasabi ba akong mali? Biglang nag-iba ekspresyon niya.

"Galit ka? Ba't ka nagagalit?" kinakabahan kong tanong at tumawa pa nang mahina. Wala naman kasi talaga akong sinasabing masama!

"I'm not mad," simple niyang sagot. Nakita kong kumuha pa siya ng isa pang shot ng alak at nilagay pa sa aking harapan. "Drink more if you want to. I'll gladly take you home," mahina niyang banggit.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya habang inaayos niya ang ilang shot ng alcohol sa aking harapan. Siya rin ang nag-ayos ng asin at lemon sa gilid.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now