Chapter 20

2.7K 51 1
                                    


Chapter 20

Lips Almost Touched

DUMATING ang Sabado na magkaayos na kami ni Hugh. Masarap sa pakiramdam dahil sa wakas ay wala na rin akong iniisip-isip pa.

Hindi pa rin ako makapaniwala na seryoso siya sa lahat ng sinabi niya. Sino ba naman kasing matinong tao maniniwala doon? Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon!

Dahil nga nagka-ayos na kaming dalawa ay balik na naman kami sa pagkikita. Ngayong araw, inaya niya akong pumunta sa kanyang bahay. Ipagluluto na naman daw kasi niya ako.

Pagkagising na pagkagising ko pa lamang ay nag-ayos na agad ako ng aking sarili. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos nang sobra. Sa bahay lang naman daw kami ni Hugh. 'Di na naman daw kami pupunta sa iba pang lugar para gumala.

I wore a simple black lace spaghetti top and tucked it in my maong shorts. Kinuha ko lamang ang aking gray cardigan at sinuot iyon. Pinaresan ko iyon ng black na sling bag at puting sapatos.

Nag-drive ako papunta sa kanyang bahay. Dumaan muna ako sa isang cafe at nag-order ng kape at iilang breakfast. Nang matapos akong kumain ay tumuloy na rin ako papunta sa bahay nito.

Ang kanyang bahay ay nasa isang subdivision. Medyo mahigpit pa nga ang security pero mabilis lang din akong nakapasok nang ma-confirm kung sino ang pupuntahan ko.

Pinarada ko ang aking kotse sa labas lamang ng kanyang bahay. Nang bumaba ako ng kotse ay tinahak ko ang daan papunta sa itim na gate.

Pinindot ko ang doorbell habang tinitignan ang labas ng kanyang bahay. Hindi gaanong kalaki ang kanyang bahay. Tama lamang para sa isang tao.

Halos magkasing-laki ang pinakabahay at saka ang kanyang garahe. Dalawang kotse ang nakaparada doon, isang puti at isang itim.

It was a modern house. Mayroon ding maliit na pool sa gilid. Berdeng-berde ang kulay ng damo na nakapaligid sa bahay.

Ilang segundo lamang ang lumipas hangga't sa makarinig ako ng ingay mula sa loob. Kita ko ang pagbukas noon at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang unang lumabas ng bahay.

Lumawak ang ngiti sa aking labi kasabay ng pagkahol ng asong tumatakbo papunta sa aking gawi. "Archie!" maliit ang boses kong tawag sa aso.

Mas lalo lamang itong naging makulit nang marinig ang aking pagtawag sa kanyang pangalan. Kawag nang kawag ang kanyang buntot at umupo sa harapan ng itim na gate, hinihintay na pagbuksan ako.

Inilipat ko ang aking tingin kay Hugh na nakangiti na sa akin. Nang makalapit ito sa akin ay agad niyang binuksan ang gate. Papasok na sana ako sa loob nang mas maunahan pang lumusot ni Archie sa maliit na awang.

Sinalubong ako ng aso at tumalon-talon pa sa akin. Hinawakan ko ang dulo ng aking cardigan at ibinalot iyon sa aking katawan. Ayaw ko nang madumihan ni Archie yung damit ko tulad noong dati!

Nilaro ko si Archie hanggang unti-unti na itong kumalma para makapasok ako sa loob.

"Archie said surprise," bati sa akin ni Hugh. Natawa ako sa sinabi nito at saka sinarado ang gate.

"Dito ka na ba nakatira sa bahay ng tito mo, ha, Archie? Parang balak mo na atang tumira dito!" pang-aasar ko sa aso habang hinahagod siya sa ulo.

Kumahol naman ang aso na para bang naiintindihan ako. Tumayo ito at saka lumapit pa sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang kagatin niya ang dulo ng aking cardigan. Hinila niya iyon nang kaunti habang naglalakad papunta sa pintuan ng bahay dahilan para mapasunod ako dito.

"Archie, susunod naman ako!" natatawa kong saad sa aso. Hindi niya iyon binitawan hanggang sa makapasok na kami sa loob.

Mas nauna pa kaming nakapasok sa loob kaysa sa sariling may-ari ng bahay. Nang makapasok sa loob ay agad din naman akong binitiwan ni Archie at naglakad papunta sa kanyang kulay gray na dog bed.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now