Chapter 33

2.5K 51 3
                                    


Chapter 33

Heal

MONTHS have passed already. I continued attending my therapies and focusing more on taking care of myself.

Kakatapos lang din ng huli kong therapy ngayon. And I can say that I am healing well. I may not still be ready to enter a relationship for now and still want to focus on myself, but for the most part, I'm doing great.

"Nics, tara, mag-bar tayo. 'Wag ka nang mag-alala sa babayaran. Libre na namin," aya ko kay Nica na tahimik lamang nagbabasa ng libro sa isang gilid.

"Bar? Ask Maia. I'll be okay wherever you want to go," walang emosyon niyang sagot at muling ibinalik ang kanyang tingin sa binabasa.

Agad kong tinawagan si Maia at mabilis lang naman itong sumagot. Katulad ng inaasahan ko, umoo lamang sa akin si Maia kaya agad ko namang inaya si Nica na magbihis na kami.

"Jade, calm down. Are you okay though? I mean, will you be comfortable there?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nica.

Makulit akong tumango habang naghahalungkat sa loob ng aking kabinet, naghahanap ng damit na susuotin.

"Oo. Okay na 'ko, Nica. Kailangan ko nalang ng kaunti pang time para maka-move on, but I'm mostly fine," I said, assuring her.

Patuloy ako sa paghahalungkat ng mga damit sa loob ng kabinet. Tinulungan pa ako ni Nica at nang makakita kami ng gusto namin ay mabilis lamang kaming nag-ayos.

Pumili ako ng isang puting dress at nagsuot na rin ng heels. I curled my dark brown hair into wavy loose curls and added some accessories.

"Can I call Jaydee to join us?" mahinang tanong ni Nica habang nagsusuot ng contact lens.

"Oo naman! Sa bar tayo ng kaibigan niya pupunta kaya isama mo talaga," makulit kong sagot.

Nang ibaling ko ang aking tingin kay Nica ay nakita ko itong naglalagay na lamang ng kaunting liptint. Mula sa repleksyon sa salamin, kung saan siya nakaharap ay kitang-kita ko ang pagkinang ng kulay gray nitong mata.

"Nics, ang ganda mo," wala sa sarili kong sabi.

Napatingin ito sa akin at agad napangiti nang maliit. "Thanks."

Ang simple lang naman noong ayos niya, pero ang ganda niya talaga. Bagay sa kanya ang may contact lense. Hindi na niya ginalaw pa ang kanyang maiksing itim na buhok at hinati na lamang ito sa gilid. Wala rin siya halos makeup, pero dahil makinis na talaga ang balat nito ay mukhang mayroon siyang nilagay.

She just curled her eyelashes and put a pinkish tint on her plump lips and she's already good to go. "I called Jaydee already. He can pick us up," mahina niyang paalala.

Tumango lamang ako sa kanya at dumiretso na sa aking kabinet para kumuha ng isang maliit na sling bag. Nang dumating na si Jaydee sa labas ay agad naman kaming bumaba ni Nica para salubungin ito.

Mas nauna nang naglakad kaysa sa akin si Nica at malawak ang mga ngiting sinalubong ang kanyang boyfriend. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Jaydee habang taimting nakatitig kay Nica.

I can feel my heart swelling just by looking at the two of them. Ang cute lang nila... Sa tropa namin nina Maia at sa tropa nina Hugh, sila lang ang tumagal nang ganito. Magpipitong buwan na siguro silang naglalandian.

Kita ko kung paano tumingkayad si Nica para yakapin si Jaydee. Pinalibot naman ni Jaydee ang dalawa niyang braso sa maliit na baywang ni Nica at mahigpit itong niyakap pabalik.

Naglabas ako ng mahinang buntong-hininga at saka lumapit na nang tuluyan sa kanila. "Hope all po," mahina kong pang-aasar.

Mabilis lamang nagtama ang tingin namin ni Jaydee at agad naman silang bumitaw mula sa pagkakayakap sa isa't-isa. "Uy, Jade, nandyan ka pala?" pang-aasar pabalik sa akin ni Jaydee.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now