Chapter 19

2.3K 55 4
                                    


Chapter 19

Gamble For Love

NAPAHAWAK na lamang ako sa dibdib ni Hugh at mahigpit na kumapit doon. I felt him softly lick my lower lips, asking for access.

Pero imbis na pagbigyan siya ay mahina na lamang akong napadaing nang matauhan sa ginagawa naming dalawa. Mahina ko siyang tinulak dahilan para mapalayo ang kanyang labi mula sa akin.

Nakapikit pa rin ako habang mahigpit pa ring nakahawak sa kanyang damit. Ramdam ko pa rin ang mabibigat niyang paghinga na marahang humahampas sa aking mukha.

Gago, anong ginagawa ko?! Jade, anong ginagawa mo?!

"Jade..." rinig ko ang mahina nitong pagtawag sa aking pangalan kasabay ng marahang paghaplos ng kanyang hinlalaki sa aking pisngi. Kahit hindi ko pa nasisilayan ang kanyang mukha ay halata naman sa kanyang boses ang pagkalito.

Pucha, ang tanga ko!

Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang gulong-gulo nitong mukha. Ang kanyang mata ay punong-puno ng pagtataka.

Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso nang makita itong naguguluhan.

Mas tinulak ko pa siya palayo sa dibdib dahilan para mapabitaw siya sa aking pisngi. Umiwas ako ng tingin dito, hindi na kayang tignan pa ang maamo nitong mata.

"Mali 'to, Hugh..." bulong ko at ibinaba ang aking kamay mula sa pagkakalapat sa kanyang dibdib.

Sinubukan kong lunukin ang bara sa aking lalamunan at tumalikod mula sa kanyang direksyon. Tinakpan ko ng dalawa kong palad ang aking mukha. I silently screamed at myself.

Bakit ko 'yon ginawa? Masyado akong nagpadala sa nangyayari! I was too caught in the moment that I didn't even think if it was right or wrong!

Mahina kong hinila ang aking buhok dahil sa sobrang inis sa sarili.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swing at hinarap si Hugh. Nakatingin pa rin ito sa akin. Gulong-gulo sa aking biglaang reaksyon.

"I'm sorry. Were you uncomfortable?" tanong nito sa akin. Ang kanyang boses ay punong-puno ng pag-aalala.

Napapapikit na lamang ako at sunod-sunod na umiling. Bakit siya pa ang nag-sosorry? Hindi naman siya ang may problema eh. Ako yung may problema!

"Hindi!" Biglaan akong napatigil nang mamalayan kung gaano kalakas ang aking boses. "Hindi 'yon ganoon, Hugh. Ba't ka nag-sosorry? Hindi ka dapat nag-sosorry," mahina kong sabi.

His brows furrowed a little and didn't even think to move on where he was standing. "Then what is it, Jade?"

Naglabas ako ng mahinang buntong-hininga habang pabalik-balik ng lakad. Muli kong tinakpan ang aking mukha gamit ang aking kamay at saka mahinang sumigaw doon.

Sinubukan ko munang kalmahin ang aking sarili. Anong sasabihin ko?

Unti-unti na lamang akong nilalamon ng kung ano-anong isipin. Humarap ako doon at napatigil na lamang nang makita itong mapasensya pa ring naghihintay sa aking sasabihin.

"Hugh— Let me—" patigil-tigil ako sa pagsasalita. My thoughts are so unorganized! I frustratedly groaned. "Can you— Just forget about what happened tonight, okay?"

Mas lalo ko lamang namura ang aking sarili sa loob-loob ko. Mas pinapalala ko lamang eh!

Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang maaamong mata kasabay ng kanyang kaunting pag-atras. He opened his mouth, wanting to say something, but ended up just nodding at me.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now