Chapter 21

2.4K 55 0
                                    


Chapter 21

Fall Harder

LUMIPAS ang ilang araw na halos araw-araw pa rin kaming nagkikita ni Hugh. Kakatapos ko lamang ng isa na namang nakaka-stress na araw. Dahil nga kinailangan naming umulit ng isang beses sa isa naming trabaho, yung iba naming dapat gagawin sa linggong iyon ay natambak ngayon.

Hinihilot ko ang aking sentido kasabay ng paglabas ko ng mahinang buntong-hininga. Tumingin ako sa gawi ng dalawa kong kaibigan na kasabay ko ring lumabas mula sa building ng kompanya.

Katulad ko, stress na stress din sila sa trabaho. Pare-parehas naming napagdesisyunan na diretso na lamang na umuwi dahil sa sobrang pagod.

Kumaway ako sa dalawa kong kaibigan at saka naglakad papunta sa parking lot. Habang papunta roon ay nakarinig pa ako ng busina na nagmula sa isang sasakyan sa aking gilid.

Handa na sana akong iangat ang aking kamay para murahin ito dahil akala ko ay nangbabastos nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin.

Napatingin ako sa gawi noon at agad naman nawala ang aking inis nang makita kung sino ito. "Hugh!" tawag ko sa kanya.

Agad kong tinahak ang direksyon palapit sa kanyang kotse at agad din naman niyang ibinaba nang tuluyan ang bintana ng sasakyan.

"Do you want to come over?" bungad niya.

Napatingin ako sa aking likuran, sa direksyon ng parking lot kung saan nakaparada ang aking kotse. "Sa bahay mo? Dala-dala ko ang kotse ko. Convoy na lang tayo?" makulit kong tanong dito at tinuro pa ang aking kotseng nakaparada sa gilid.

"My house is a bit farther away from here though?" sagot nito.

Napaawang ang aking labi at saka tumango-tango. "Oo nga. Mahal ang gas!" natatawa kong sagot. "Sa condo ko?"

Nanatili itong tahimik na nakatingin sa akin na para bang may ibang iniisip. "My condo is near here. It's just a few minutes away. Do you want to go there?" he offered.

Lumiwanag ang aking mukha sa tuwa at saka makulit na tumango. "Bili muna tayong pagkain bago pumunta doon? Gutom na 'ko!" aya ko sa kanya.

Hinintay ko muna siyang makapagparada ng kanyang kotse sa gilid para sabay kaming pumunta sa bilihan. Inaya ko siyang bumili ng burger sa fastfood. Pinaupo lang niya ako sa gilid habang bumibili siya.

Sinabihan ko siyang gusto ko ng chicken sandwich at fries. Libre na raw niya kaya naghintay na lamang ako sa isang gilid.

Nang matapos itong mag-order ay bumalik lang din kami sa sari-sarili naming kotse. Hinayaan ko siyang manguna para susundan ko na lamang ang kanyang kotse.

Katulad nga ng sinabi niya, ilang minuto lamang ay nakarating na kami doon. Sobrang lapit lang niya sa company building namin!

Sabay kaming pumasok ng kanyang condo at agad bumungad sa amin ang madilim na paligid. Binuksan niya ang ilaw at saka ako inaya papasok.

Luminga-linga ako sa buong paligid. Mas home-y ang feeling ng condo niyang ito kaysa sa pinakabahay niya. Halos iisa lang din ang pinanggagalingan ng hangin, ang kanyang balcony, kung saan nagsisilbi na rin ito bilang bintana. Nakasarado iyon at nakatakip pa doon ang blinds.

"Never been here for a few days so it's kind of messy," mahinang banggit ni Hugh at dumiretso sa loob.

Sobrang simple lamang ng kanyang condo. May maliit na sala, kung saan nakalagay ang TV at halos pang-tatlong tao na gray na couch. Puro puti at gray ang mga gamit niya sa loob, pati na rin ang carpet.

Maliit lang din ang kanyang kusina at may dalawa pang ibang pintuan sa loob. Isa siguro ay para sa kanyang kwarto at isa para sa banyo.

"Ang cute nitong condo mo! Very cozy. Mas gusto ko dito kaysa sa bahay mo," sabi ko at saka hinubad ang aking heels sa may pintuan.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now