Chapter 39 (Part 1 of 2)

3K 49 1
                                    


Chapter 39 (Part 1 of 2)

Closure

MALAKAS ang kabog ng aking puso habang nakatitig pa rin sa kanyang maamong mukha. Nakatingin pa rin siya sa lalaking nambastos sa akin.

"Anong problema mo, pare? Kita mong nag-uusap pa kami eh," rinig kong nagbabantang sabi ng lalaki kay Hugh dahilan para mapatingin ako dito.

Bahagyang kumunot ang aking noo sa narinig. "Gago ka ba? Anong nag-uusap? Eh paali—" 

Naputol ang aking sasabihin nang bigla kong maramdaman ang kamay ni Hugh sa aking kamay. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at saka marahang hinaplos ng kanyang hinlalaki ang akin. Bumagsak ang aking tingin doon kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso.

Hindi na ako nagreklamo pa nang maramdamang marahan niya akong hinihila sa kanyang tabi. He made sure that half of his body was blocking mine from the rude man, but still wanted me to be involved in their conversation.

Hinayaan ko lamang magpatinaod ang aking katawan sa kanyang ginawang paghila. As if I was hypnotized by his mere presence beside me.

Nakatingin pa rin ako sa kamay naming magkasiklop nang marinig ko ang boses nito.

"She was already trying to walk away from you, if you didn't notice. She was uncomfortable," mahinahong saad ni Hugh. 

Paulit-ulit ang marahan niyang paghaplos sa aking kamay, sinisiguradong ayos lang ako. I interwined my fingers with his, locking my hands on him. Ang kabila ko namang kamay ay kusang umangat at humawak sa kanyang braso.

Binalik ko ang aking tingin sa lalaking kausap nito at kitang-kita ko ang pagkainis sa kanyang mukha sa mahinahong paraan ng pakikipag-usap sa kanya ni Hugh.

Eh, naghahanap lang ata 'tong gago na 'to ng away eh!

"Pakialam mo ba? Unang-una, ano mo ba siya, ha? Pakielamero ka lang atang gago ka eh!" lumakas pa nang kaunti ang kanyang boses kasabay ng pangduduro niya kay Hugh.

Napaawang ang aking labi nang makita ang pangduduro niya. Inangat ko ang aking kamay at dinuro din ito pabalik. "Aba, gago ka talag—"

Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Hugh dahilan para manahimik ako at mapatingin sa kanya. Sinilid niya ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pambaba.

Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay nang hindi na ito nagsalita pa. Ilang segundo ang lumipas hangga't sa mapansin ko na lamang ang iilang lalaking nakasuot ng itim na damit na lumapit sa amin.

"I don't have to be her man to know that she's being disrespected by a pervert like you," sagot ni Hugh sa kaninang tanong nito.

Mas lalo lamang humigpit ang aking hawak sa kanyang kamay nang makita ang mga naka-itim na lalaking lumapit sa bastos na lalaki.

"Ban him from coming here," maawtoridad na dagdag ni Hugh sa security at agad namang tumango ang dalawang lalaking nakaitim.

Mabilis na kumunot ang noo ng lalaking bastos habang pilit na hinihila ang kanyang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng security. "Tangina, ano ba! Bitiwan niyo nga ako!" malakas niyang sigaw.

"Pasensya na po, Sir, pero bawal po ang mga bastos na tulad niyo dito," walang pakialam na sagot ng isa.

Halos kaladkarin na siya ng dalawang lalaki para lamang mailayo mula sa amin at madala palabas ng bar. Sinundan ko ito ng tingin at nang hindi ko na sila makita pa ay bumalik ang aking mga mata sa aking katabi.

Bumaba ang akng tingin sa kamay naming magkasiklop at mabilis iyong binitiwan. Tumikhim ako at saka nagbigay ng kaunting espasyo sa pagitan naming dalawa.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now