Chapter 5

4.2K 86 3
                                    


Chapter 5

With You Until Dawn

"DO you... want to go for a walk?" nahihiya nitong tanong.

I saw how his adam's apple bobbed as he turned his face away from me. Tumikhim ito kasabay ng paghawak ng kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang batok. Isinilid niya ang kaniyang kanang kamay sa loob ng kaniyang itim na pantalon habang hinihintay ang aking sagot.

Napalunok na lamang ako at saka tumingin din sa ibang gawi. "Bakit? Sasamahan mo 'ko?" mahina kong tanong dito.

"I just realized that I also need to sober up. I don't drive when I'm drunk or just a little bit tipsy," mahina niyang sagot.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtalon ng aking puso sa loob ng aking dibdib nang magkatinginan kami sa mata ng isa't-isa.

Tumikhim ako at saka tumango. "Sige. Samahan mo akong maglakad-lakad habang nag-iisip kung paano ako makakauwi," sagot ko sabay tawa.

Hinintay niya akong makatayo mula sa aking inuupuan bago siya nagsimulang maglakad. Tumigil muna ito at may kinuha sa loob ng kaniyang kotse. Isang bote ng tubig na hindi pa nabubuksan, ang kaniyang cellphone, at ang susi ng kaniyang kotse.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. All I did was follow him. Mukha naman siyang mabait na tao at saka... natatandaan ko nga siya na nakausap ko siya sa bar noon.

Kaya sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan naman siguro siya?

Dahil nga hindi ko rin nadala ang aking cellphone ay hindi ko na rin alam ang oras ngayon. Umalis ako ng condo ko kanina mga dalawang oras pagkatapos kong makauwi mula sa trabaho. Baka mga alas-onse na rin ngayon? Matagal-tagal din akong nanatili sa loob ng bar.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pagtingin ko sa lalaking katabi ko. Buti pa siya, may suot-suot na jacket.

He was wearing a blue maong jacket with a white shirt peeking at the outside. Pinaresan niya iyon ng kulay itim na pantalon at ng kulay puting sapatos.

Napahawak na lamang ako sa dulo ng aking maluwag na puting t-shirt at ibinalot ang aking kamay gamit iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka inamoy ang malamig na simoy ng hangin.

Nagsitaasan ang lahat ng balahibo sa aking katawan nang biglaang humangin nang malakas. The cold night breeze caressed the top of my skin, making me shiver in cold.

"Paano mo ako nakilala kung si Nica at Maia lang naman pala ang nakausap mo nang matagal-tagal?" paninimula ko ng topic.

Hindi ako maglalakad dito ng puno ng katahimikan ang paligid 'no! Ang awkward noon, ayaw ko ng ganoon.

Mas okay nang ako nalang ang dumaldal nang dumaldal kaysa naman tahimik lang kami parehas.

"I took the two of them home. They said they didn't bring a car with them, so I offered to give them a ride," maiksi nitong sagot. Kumunot ang aking noo nang hindi marinig na sinagot niya ang aking tanong.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," banggit ko.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "While driving them home, Imo and I talked. I... realized that she was the woman my other three friends were talking about from the dating app," sagot niya at muling tumawa nang mahina. Pinasadahan pa niya ng hawak ang matangos na tungki ng kaniyang ilong at sumilyap nang sandali sa aking gawi.

Agad akong nataranta nang biglaang magtapat ang aming mga mata dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Imo mentioned you to me. She said that the friend that she took out of the bar was fetched by her boyfriend. Nabanggit din niyang nakisabay lang silang dalawa sa inyo ng boyfriend mo, kaya wala talaga silang dalang sasakyan," pagpapaliwanag pa niya.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now