Chapter 13

2.6K 48 3
                                    


Chapter 13

Friend

"CONGRATULATIONS on your newly opened bar, Hugh."

Hinigpitan niya ang hawak niya sa aking kamay at saka ngumiti. He interwined my fingers with his and nodded.

"Tara na?"

Hinayaan ko na lamang siyang hilahin ako papasok ng kaniyang bar. Ang mga taong kanina'y kasama lamang namin sa labas ay mas nauna nang nakapasok kaysa sa aming dalawa.

Nang makapasok sa loob ay bumungad sa akin ang malamig na paligid. Ang mga tao ay nagsipuntahan sa kani-kanilang mga kaibigan. Binati rin kami ng malakas-lakas na tugtog na matagal ko nang naririnig kahit nasa labas pa lamang.

Nakatayo pa rin sa aking harapan si Hugh habang hinihila ako sa aking kamay. Iginala ko ang aking tingin sa buong paligid at agad iyon dumapo sa unahan, kung saan nakapwesto and tatlo pang kaibigan ni Hugh.

"Where do you want to go?" bulong ni Hugh sa akin tainga. Nakalapit na pala ito sa akin dahil hindi ko siya maririnig nang maayos dahil sa malakas na tugtog.

"Nasa unahan sina Andre at Jaydee! Pwede na naman ako doon," sagot ko.

Tumango ito at agad din naman niya akong iginaya papunta sa unahan. Habang papunta kami roon ay ilang beses pang naharang si Hugh ng iba niyang kakilala.

Maraming iba't-ibang tao ang bumati sa kaniya. May isa pa nga ata akong nakitang pamilyar na mukha. Artista ata o baka model? Grabe, sobrang bibigatin na ba nitong mga kakilala ko? Pati artista ay kaibigan niya na?

Parang nakakahiya tuloy na ako pa ang sinasamahan ni Hugh. Makikita pa ng mga tao na nakahawak pa siya sa aking kamay habang kinakausap sila. 

Kung alam ko lang na makakahadlang pa pala ako sa pakikipag-usap niya sa iba niya pang kaibigan edi sana dinala ko dito sina Nica at Maia. Baka kasi iniisip lang niya na mag-isa ako kapag umalis siya sa tabi ko!

Ilang tao pa ang nadaanan namin na ilang beses din siyang binati. Nang makarating na kami sa harapan ay agad kaming binati ng tatlong lalaking nakasandal sa counter ng bar.

Si Andre ay hawak-hawak pa rin ang basong kanina pa niya hawak. Pero ngayon ay mukhang napa-refill niya na ang kaniyang inumin. May maliit na ngising nakapaskil sa kaniyang labi nang makalapit kami sa kanilang tatlo.

Si Jaydee naman ay may malawak at mapaglarong ngiti habang nakatingin sa amin. Yung ngiti na handang-handa nang asarin ang kaniyang kaibigan. Habang si Kurt ay wala na namang emosyong nakatingin lamang sa kaniyang harapan.

"Here comes, Mr. Popular Guy!" pang-aasar ni Andre.

Narinig ko ang pagtawa ni Hugh at saka umiling. Si Hugh ba ang pinakamaraming kakilala sa kanilang apat? I guess so. He's very friendly and nice to everyone.

Tumayo nang maayos si Jaydee at saka lumapit sa gawi namin. Inangat niya ang kaniyang kanang kamay at saka inakbayan si Hugh. Lumayo ako nang kaunti sa kanilang dalawa at binitiwan na rin ang kamay ni Hugh.

"Kumusta ang pakikipaglandian sa labas, sikat kong kaibigan?" pang-aasar ni Jaydee.

"Kumusta ang pag-iisip kung paano lalapitan ang aking kapatid, torpe kong kaibigan?" hirit pabalik ni Hugh.

Napatigil si Jaydee nang marinig ang sagot ni Hugh. Si Andre at Kurt naman ay natawa na lamang nang malakas. 

"Tangina, foul ka na, ha!" sagot ni Jaydee sabay bitaw mula sa pagkaka-akbay kay Hugh.

Bumalik si Jaydee sa tabi ni Andre at umorder na lamang ng sarili niyang inumin. Muling ibinalik ni Hugh ang kaniyang tingin sa akin.

He placed his hands inside the pockets of his pants and walked towards me. 

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now