Chapter 6

3.7K 74 4
                                    


Chapter 6

Reminiscing the Past

I let out a loud sigh as I repeatedly shook my head to the side. Tumingin ako sa lalaking katabi ko. Tahimik lamang siyang nakatitig sa kawalan.

It's already dawn. Inabot na kami ng madaling araw dito. "Hoy, sabi mo magpapa-sober up ka lang?" pang-aasar ko sa kaniya. Pabiro ko pa itong siniko sa kaniyang braso.

He scoffed as a small smile slowly appeared on his lips. Tumingin ito sa aking gawi at mas lalo lamang lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ako. Nagtagpo ang aming mga mata at walang ni isang gustong bumitaw.

"Did I? Masyado ka kasing madaldal, hindi na tayo nakaalis dito," sagot niya sabay tawa.

Agad akong napasinghap at saka itinaas ang aking kamay. Hinampas ko siya nang mahina sa kaniyang braso na hindi manlang niya sinubukang iwasan.

"Sino kaya yung nakikinig nang nakikinig lang dito? Kung ayaw mo pala ng magtagal tayo dito, eh di sana sinabihan mo 'ko na ayaw mo nang makinig. Tignan mo, tiklop agad bibig ko doon."

Muli itong tumawa kasabay ng mabilis niyang pagbaba mula sa aming inuupuan. Pinagmasdan ko ito habang pababa siya hangga't sa pagpagin niya ang kaniyang itim na pantalon.

Nang matapos linisin ang kaniyang pang-upo ay saka siya muling tumingin sa aking gawi. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan habang nakatitig pa rin sa akin.

Natawa na lamang ako at agad kinuha ang kaniyang kamay. He helped me get off of the big rock and even catched his jacket that was placed on top of my lap. "I'll take you home," banggit niya dahilan para manlaki ang aking mga mata.

"Eh? Talaga ba?" 'di ko makapaniwalang tanong sa kaniya.

Napakunot naman ang kaniyang noo kasabay ng pagkuha niya sa mga gamit niyang naiwan sa taas ng bato. "Why? Do you want to commute?" nagtataka nitong tanong.

"Hoy, gago, hindi!" biglaang sagot ko sabay tawa. "Hahatid mo 'ko, ah? Walang bawian 'yan," paglinaw ko pa.

Tumango lang ito at nagsimula nang maglakad sa direksyon kung nasaan ang bar. Sumunod lamang ako dito at nang makarating kami sa tapat ng kaniyang kotse ay agad naman kaming pumasok sa loob.

Medyo maliwanag na rin ang paligid. Siguro, mag-aalas-singko na rin sa umaga. Ramdam na ramdam ko na ang bigat at ang pamamaga ng aking mga mata.

Hindi pa rin pala ako nakaligtas sa pamamaga ng aking mga mata kahit hindi na naman ako umiyak ng ilang oras na. It has almost been six hours since I last cried! Dahil na rin siguro ito sa hindi ko pagtulog.

Tinanong ako ni Hugh kung saan daw ba niya ako ihahatid. Binigay ko sa kaniya ang aking address at tahimik na lamang naupo sa isang tabi.

Isinandal ko ang aking ulo sa salamin ng kotse at tumingin na lamang sa labas. Maya-maya pa'y hindi ko na lamang namalayan ay unti-unti na palang bumagsak ang talukap ng aking mga mata.

Ginising ako ni Hugh nang makarating na kami sa lugar ng aking condo. Mabilis lamang akong nagpaalam dito at agad din namang pumanhik paloob ng building.

The moment I stepped inside the small room inside my condo, I immediately felt the familiar feeling that I would never want to feel again. Brokenness and emptiness.

Naglabas ako nang malalim na buntong-hininga at dumiretso na lamang sa loob. Agad hinanap-hanap ng aking mata ang aking telepono na mabilis ko namang nadatnan sa loob ng aking kuwarto, nakapatong sa aking malambot na kama.

I reached for it as I stared at the empty lockscreen that greeted me the moment I opened it. No texts or calls from him. So, 'yon na talaga 'yon? Sure na siya?

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now