Chapter 29

2.2K 35 2
                                    

tw: violence

Chapter 29

Drive You Crazy

NAPAGPASYAHAN naming lahat na umuwi muna at magpahinga ang lahat. Pumasok ako sa loob ng kotse ni Jake at nadatnan itong bagsak nang natutulog sa loob. Nakaupo siya sa passenger's seat. Alam niya sigurong hindi niya na kayang mag-drive kaya doon na siya pumwesto.

Pumasok ako sa loob at saka naisipang tawagan si Maia. Mabilis ko lamang itong kinumusta, kung ayos lang ba siya at kung nasaktan ba. 

Naglabas ako ng malalim na buntong-hininga nang ibaba ko ang tawag. Iniikot ko ang aking tingin sa loob ng kotse ni Jake at sa huli ay dumapo ito sa kanyang gawi.

Nakita ko ang kanyang telepono sa bulsa ng kanyang pantalon. It was barely placed inside, so close to falling out of his pocket.

Inilipat ko ang aking tingin kay Jake at pinagmasdan kung mahimbing na ba itong natutulog. Pagkatapos ng ilang segundo kong pagtitig dito ay muli akong tumingin sa kanyang telepono.

Nakita ko pa itong umilaw nang makatanggap siya ng message notification. Maingat kong inangat ang aking kanang kamay at dahan-dahang inilapit dito. Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib habang palapit nang palapit ang aking kamay doon.

Palipat-lipat ang aking tingin kay Jake at sa telepono nito. Halos tumigil na ako sa paghinga nang tuluyan ko nang maramdaman ang cellphone nito sa dulo ng aking mga daliri.

Kukuhanin ko na sana ito nang bigla na lamang itong gumalaw mula sa pagkakatulog. Nanlaki ang aking mga mata nang biglaang mahulog ang kanyang cellphone mula sa bulsa.

Para bang lalabas na ang aking puso sa aking dibdib nang dumilat ito at tumingin sa akin. I rapidly blinked as I looked at the phone on my hands. Tumikhim ako at umayos ng upo sa driver's seat.

"Bakit mo kinukuha—"

Pinutol ko na ang sasabihin nito bago pa niya matapos. "Mahuhulog na kasi 'yong cellphone mo. Oh, baka masira pa sa pagkakahulog," sabi ko at inilapit sa kanya ang hawak-hawak kong telepono.

Kumunot ang noo nito habang taimtim pa ring nakatitig sa akin. Hindi tumitigil ang aking puso sa pagtibok nang mabilis habang nakatitig ito sa akin, tinitimbang kung totoo ba ang sinasabi ko.

Tumingin ako sa teleponong nakapatong sa aking kamay. Humugot ako ng malalim na hininga at inilagay ito sa kanyang hita. Muli akong tumikhim at tumingin na sa aking harapan, hinahanda ang makina ng kotse.

"Jake, pwede ba tayong mag-usap mamaya? May itatanong lang sana ako..." mahina kong tanong dito, inililipat ang kanyang atensyon sa ibang bagay.

I heard him groan while he was shifting on his seat. Tumingin ako sa kanya at tanging tango lamang ang sinagot nito at muling bumalik sa pagtulog.

Tahimik lamang akong nagmaneho pabalik sa aking condo. Nang makarating kami doon ay agad kong ginising si Jake at pumasok na rin kami sa loob ng building.

Pagod na pagod kong pinatong ang aking dala-dalang gamit sa maliit na lamesa sa aking salas at hinintay na makapasok si Jake sa loob. Taimtim ko itong pinapanood na pumasok. 

Nang maisarado niya na ang pintuan at makaharap sa akin ay agad nagtama ang aming mga tingin. Humugot ako ng malalim na hininga at inipon lahat ng aking natitirang lakas para magsalita.

"Jake, bakit mo nilagyan ng droga ang inumin ni Kurt?" diretso kong tanong dito at pinagtaasan siya ng kilay.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking tanong kasabay ng pasasalubong ng kanyang dalawang kilay.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz