Chapter 25

2.4K 45 12
                                    


Chapter 25

Rebound

NANATILING nakatayo si Hugh sa aking harapan, hindi umiimik, hindi gumagalaw. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan, mas lalong nahihirapang huminga sa bawat segundong lumilipas.

Muling tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. It was slowly dripping down my face, painfully slow.

Naramdaman ko ang pagkawala ng init ng kamay ni Hugh mula sa aking baywang at agad naman iyong lumipat sa aking nanlalamig na mga kamay. Mahigpit niya iyong hinawakan, na para bang iyon ang tanging bagay na kinakapitan ng kanyang buhay.

The heat from his hot palm was transferring to my cold hands. The tips of my finger slowly getting its life back once again. Isang hawak lang mula sa kanya. I feel like I'm alive again.

"What? No, Jade," pagpupumilit niya.

Mabilis kong hinila palayo ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at iniwasan siya ng tingin.

"Umalis ka na..." bulong ko.

Patuloy ang aking pag-iling sa kanya. Pinawi ko ang luha mula sa aking mga mata na naglandas pababa sa aking pisngi.

Kahit na nanlalabo ang aking mga mata ay kitang-kita ko ang pagpatak ng isang luha sa kanyang gawi, pababa sa kanyang itim na sapatos. Agad akong napatingin sa kanyang mukha dahil doon.

Magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay at punong-puno ng sakit ang mga mata nito. I saw how the edge of his eyes' waterline shine because of the tear, waiting to fall.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang biglaang maramdaman ang kanyang mainit na bisig na pumalibot sa akin. Inilagay niya ang kanyang isang kamay sa likod ng aking ulo at sinandal ako sa kanyang balikat.

"Jade, you can tell me the truth. Just... don't do this to yourself," bulong niya sa aking tainga. Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi.

"But, I'm already telling you the truth, Hugh," mahina ngunit mariin kong sagot.

"I'm here. You don't have to suffer alone," bulong pa niya, hindi nakikinig sa aking mga sinasabi.

Inilagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib at pilit na tinutulak siya palayo. Nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin ay mas lalo lamang itong napatigil.

Nakatingin pa rin ako sa aking paanan, ayaw nang makita pa ang kanyang hitsura.

"Umalis ka na..." bulong ko. My voice even cracked at the end. It was almost like a breath of air, because of how soft I said it. "Tumigil ka na, Hugh. Wala ka nang makukuha sa akin. Hayaan mo na akong maging masaya kay Jake," pahabol ko.

Kita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat kahit na nakatungo ako nang kaunti. Bigla ko na lamang naramdaman ang kanyang kamay sa taas ng aking ulo kasabay ng pagdampi ng kanyang labi doon.

His kiss lingered on top of my head as I felt a hot drop of tear cascade down from his eyes to my cheek. Kita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan kasabay ng paghugot niya ng malalim na hininga.

"You know that I'll always be here for you..."

Unti-unting umatras palayo amg kanyang paa hangga't sa tuluyan na lamang itong maglaho mula sa aking paningin.

Mas lalong sumikip ang aking dibdib habang naririnig ang mga yabag nitong papalayo. Madiin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi, pinipilit na pigilan ang aking sarili na hindi humagulgol.

Pinawi ko ang mga luha sa aking mukha at tinuyo ang aking pisngi.

Pagod na pagod akong humiga sa aking kama ng gabing iyon. Wala na akong pakialam kung anong naiwan ko sa labas ng aking kuwarto. Nang makaalis si Hugh ay diretso na rin akong nagkulong sa aking kuwarto.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now