Chapter 35

2.7K 47 0
                                    


Chapter 35

Album

KITA ko kung paano bahagyang nanlaki ang mga mata ni Hugh nang marinig ang aking sinabi. Naiwang nakaawang ang kanyang mga labi dahil sa sobrang pagkabigla. Natigil ito sa pagsasalita kasabay ng pagsilay ng maliit na ngiti sa aking labi.

I let out a soft chuckle as I stared at his surprised face. Pansin ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Nakatuod pa rin ang dalawa niyang kamay sa gilid ko, kinukulong ako sa pagitan ng kanyang katawan.

I can feel how fast my heart was beating because of too much excitement and joy. Shet. Nakaamin na 'ko! Umamin na 'ko sa kanya!

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, pinipigilan ang aking sarili mula sa pagngiti nang sobra. I giggled when it has been a whole minute but he still hasn't said anything.

"Hoy! Ano? Okay ka pa ba?" natatawa kong tanong sa kanya. Marahan ko siyang niyugyog sa balikat pero hindi pa rin natitinag ang kanyang katawan sa aking harapan.

"Jade..." mahina niyang bulong. Mas lalo lamang akong natawa nang iyon lamang ang kanyang sabihin. Nanatili kaming nakatitig sa mga mata ng isa't-isa.

Ramdam ko na ang pangangawit ng aking pisngi. Feeling ko ay mapupunit na ang aking labi sa sobrang pagkakangiti!

Ramdam na ramdam ko ang pagkakagulo ng mga paru-paro sa aking tyan dahilan para hindi ako mapakali.

"Hoy, Hugh. Magsalita ka naman! Feel ko tuloy rejected ako. I-rereject mo na ba ako?" nagtatampo kong tanong sa kanya. I even pouted a little to act like I was sulking.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na umiling. Bahagyang nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "What? No, no... I wouldn't reject you. Why would I reject you?" naguguluhan niyang tanong.

Tumawa ako nang malakas kasabay ng pagdausdos ng aking kamay sa kanyang malapad na dibdib. Mahina ko siyang hinampas doon at umiling din. "Charot lang. 'Di ka na kasi makapagsalita, 'di ko matimbang kung ano ba talagang nararamdaman mo," sabi ko sa kanya.

The side of his lips slowly raised as his eyes started to sparkle. "I'm just surprised. It was so sudden. I was the one who's confessing what I really feel for you, but then you surprise me with your own confession," he softly answered.

"Gusto kong makisabay eh! Masama ba? Sige, bawiin ko—"

"No, don't," mabilis niyang pagpipigil sa akin. He leaned in nearer until our faces were only inches apart. I can almost feel his hot breath fanning against my face. "Since when did you start liking me?"

Pinanliitan ko siya ng mata at tumingin pa sa taas, umaaktong nag-iisip. "Hmm... Kanina lang?" pagbibiro ko na nagpaawang sa labi ni Hugh.

Natawa ako nang makita ang gulat nitong reaksyon. He let out a soft laugh and shook his head to the side. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin at saka ako hinila palapit sa kanya.

Sinakto kong ilagay ang aking baba sa taas ng kanyang malapad na balikat at niyakap din siya pabalik. I slipped my arms below his and hooked it around his back. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang init na binibigay ng kanyang katawan sa akin.

"I don't care how long you've liked me. The important thing is that you like me now..." bulong niya.

Kumapit ako sa damit niya sa likod at binuksan ang aking mga mata. Dahil sa posisyon namin ay rinig na rinig ko ang sobrang bilis na tibok ng aming mga puso. Parehas na kami. Pareho nang tumitibok ang aming puso para sa isa't-isa.

"Joke lang. Hindi ko talaga alam kung kailan eh. Mga ilang linggo na rin siguro..." bulong ko.

Mas lalo lamang humigpit ang kanyang yakap sa akin kasabay ng paghaplos niya sa aking likuran. "I love you, Jade. I love you so damn much, words couldn't describe it," he whispered with his whole heart.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon