Chapter 28

12.5K 363 16
                                    

28


Jojo's POV


Hindi pa rin tumitigil sa katatawa sina Topeng at Andrea ng sabihin ko sa kanila ang nagawa kong pagpayag sa hiling nina Kael. Naririndi na ako sa tawa nila. Kabadtrip.

"Seryoso talaga, Tid? Hahahahaha. Hanep! Hindi ko akalain na si Sir Michael lang pala talaga ang magiging susi para makita ka naming mag-ayos at magsuot ng gown. Hahahaha."

"Iyan ang nagagawa ng pag-ibig, my loves! Pinapatunayan na sa atin ni Jojo na true love can move mountains. Hahahaha." Dagdag naman ni Andrea.

My loves? Yuck kadiri! Kinilabutan ako sa dalawang ito.

"Sige tawa pa kayo! Maubusan sana kayo ng hangin para ikamatay niyo! Langya. Kaya nga sinasabi ko kasi parang gusto ko na kumuha ng lubid at magbigti na lang kaysa magpakita kina Sherlyn at pasuotin nila ako ng kung anu-ano."

Sabay irap ko sa kanila. Mas lalo naman silang tumawa at mangiyak-ngiyak na sa pinaggagawa nila. Hinampas ko na sila ng unan sa mukha para tumigil.

"Tama na nga, my loves. Baka tuluyang magbigti itong best friend ko."

Kunwari pang concern ito. Eh halata namang pinipigilan niya pa rin ang tawa niya.

"Ano na? Ano na ang gagawin ko? Halos ilang araw ko na nga silang tinataguan eh."

Simula noong gabing iyon, ilang araw na akong hindi nagpapakita sa kanila. Iniiwasan ko kahit isa sa kanila na makita.

"Tid, nakabitaw ka na ng salita. Umoo ka na. Umasa na iyong tao na may makakadate siya sa party."

"At saka Jo, umayos ka. Alam mo bang kami, ilang taon na kami na hanggang imagination na lang sa tuwing naririnig namin ang tungkol sa annual party na 'yun? Piling-piling mga tao lang ang nandoon tsaka puro bigtime. Tapos ikaw diyan nabigyan ka na ng opportunity! At nakakahiya naman sa haba ng buhok mo 'teh, big boss pa ang nagyayang makadate ka! Tapos mag-iinarte ka pa? Hilain ko ng puller 'yang buhok sa ano mo eh."

Natawa naman si Topeng sa sinabi ng jowa niya.

Sinimangutan ko lang sila.

"Edi mas lalo pala akong hindi dapat pumunta doon. Puro pala bigtime mga nandoon. Siguradong ako lang ang tanging janitress na kasama sa party na iyon."

"Ay naku, Jojo! Bakit? Sinabi ba sa invitation na isuot mo ang employee's ID mo?"

Tatawa-tawa lang si Topeng kaya tiningnan ko siya nang masama.

"Jo anak, may bisita ka."

Sabay-sabay naman kaming napatingin nina Andrea kay Tiyang na papasok sa pinto galing sa gate.

Halos gusto kong lumipad paalis sa kinatatayuan ko at taguan ang nakita kong taong nasa likuran ni Tiyang.

"Hi! Good afternoon po." Bati ni Pia sa mga tao sa bahay.

Edi nganga na naman sina Tiyang at Tiyong kay Pia.

"Magandang araw rin po, Miss Pia. Tuloy po kayo. Ako po si Andrea at ito naman po si Christopher. Employees din po kami sa mall ni Mr. Alvarez." Bati ni Topeng at Andrea.

Kahit kasi madalas nila makita sa mall si Pia, hindi nila ito masyadong nakakausap dahil palaging nasa loob lang ng opisina si Pia at tinatapos ang trabaho. Nakikita lang sila ng mga empleyado sa mall kapag papunta at paalis ng opisina sa mall.

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now