Chapter 23

12.3K 382 4
                                    

23


Jojo's POV


"Siya na pala ang mas hinahanap mo ngayon."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sandali akong natigilan pero binawi ko rin agad at mahina ko siyang sinuntok sa dibdib niya.

"Drama mo! Nagtaka lang ang tao dahil nitong mga nakaraang araw halos hindi kayo mapaghiwalay."

"Hindi na. Nagtatampo na ako. Pinagpalit mo na ko sa tustadong 'yon."

Natawa naman ako sa pagiging asal bata niya.

Ano raw? Tustado? Hahaha!

"Kung makatustado ka, ipinanganak ka lang na maputi. Kayumanggi lang talaga si Onel."

Natatawa kong sagot sa kanya.

"Tingnan mo. Pinagtatanggol mo na."

"O nagseselos ka na niyan?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya saka binuksan ang pinto ng sasakyan niya sa front seat. Hindi ko alam pero parang nadismaya ako. Siguro iba lang ang gusto kong marinig na sagot niya.

Pagkasakay niya sa driver's seat, pinaandar na agad niya ang sasakyan.

"Nga pala, saan ba kita sasamahan?"

Nilingon niya ako sabay ngumiti saka ibinalik ulit ang tingin sa kalsada.

"Sagot na iyon? Nakakatakot ka alam mo 'yun?"

Tumawa na naman siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What do you think? Saan kita dadalhin?" Pang-aasar niya pa na may halong pagpapacute. Mas lalo na namang hindi naging normal ang heartbeat ko.

"Sumeryoso ka nga, Kael. Hindi na nakakatuwa."

Tumawa naman siya nang malakas. Ang lakas yata mampikon ng taong ito ngayon. Ginagantihan niya ba ako?

"Kael, ang cute mo talaga. Halika, pasapak nga." Sabi ko habang madiin na madiin kong pinisil ang pisngi niya. Kung hindi siya mapaaray.

Hihimas-himas siya ngayon sa pisngi niya. Pinipigilan ko naman matawa. Wala pa sigurong gumagawa ng ganoon sa mukha ng may-ari ng nagungunang mall sa Pilipinas.

"Hindi mo pa rin ako sasagutin nang maayos? Gusto mo ng isa pa?"

Akmang uulitin ko uli pero hinarang niya ang kamay ko.

"Oo na, sasabihin ko na. Masakit 'yun Jojo ahh."

Ako naman ngayon ang tumawa.

Nakakatawa kasi talaga ang itsura niya.

"Saan?"

"Kina Paul."

Halos umurong ang tawa ko sa sagot niya.

"Paul? Kina Mr. Alcantara? Bakit kasama ako? Wala naman siguro akong atraso nuh? Bakit hindi mo sinabi agad? Uwi na tayo, Kael. Sa ibang araw na lang."

"Look at your face, Jo. Chill ka lang! Makikikain lang naman tayo." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Eh bakit damay ako? May pagkain naman sa bahay namin, bakit makikikain pa ako? Tsaka Kael ni hindi ko pa nga nakikita sa personal si Mr. Alcantara ehh."

KaeLangan Kita (COMPLETED)Where stories live. Discover now